Chapter 12

128 32 135
                                    

Isang oras na mahigit ang nakalipas nang umalis si England kasama si Tyler. Nakaupo pa rin ako sa aking kinauupuan nang marinig kong bumukas ang pintuan.

"M-ma'am Bree, ano pong gusto niyong inumin o meryenda?" tanong sa akin ng sekretarya ni England

"Tubig na lang Trisha." ngiti ko sa kaniya.

Naiintindihan ko naman kung bakit niya ako pinipigilan kanina. Siguro ay ayaw rin niyang mag away kami ng boss niya.

Tumayo ako at naglakad papunta sa lamesa ni England. Umupo ako sa swivel chair niya at dahan dahan kong binuksan ang kaniyang laptop.

Bumungad sa akin ang litrato kong nasa gilid ng kalsada habang nakatakip ang isang kamay sa aking mata.

Napailing na lang ako nang mapagtanto kong ito iyong araw na una ko siyang nakilala. Pinicturan niya ako noon?

Pinindot ko ang 'enter'  para tuluyang magbukas ang laptop ngunit hindi ito nagbukas at nakita ko ang 'enter password' sa screen.

Napaisip ako ng password na maaari niyang gamitin. I don't wanna sound assuming pero malay mo naman diba? I typed...

Password: britain

Oh okay, ako na ang assuming. Sige isa pa.

Password: britainramos

Hindi pa rin nagbukas. Sinubukan ko rin ang birthday at monthsary namin ngunit ayaw pa rin.

Hah. Sabi ko nga hindi ko na lang bubuksan. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Bahala nga siya diyan!

Nagpasiya na lang akong magsulat at magdrawing ng mga ideya ko sa bagong design ng kaniyang opisina.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakita ko siyang pumasok sa kaniyang opisina.

Napangiti siya nang maabutan niya akong nakaupo sa kaniyang swivel chair habang nagsusulat.

"What are you doing?"

Sa sobrang inis ko dahil sa password ng laptop niya ay hindi ko siya sinagot at tinignan ko lang siya. Ibinalik ko ang atensyon ko sa aking ginagawa.

"Why didn't you use the laptop?" he asked.

"Niloloko mo ba ko? Hindi mo iniwang nakabukas!"

He chuckled.

"Ohh.. I thought you'd figure out the password." mas lalo akong nainis sa kaniyang isinagot.

"Hah! Anong tingin mo sakin? Manghuhula?"

I felt him behind me. Inipit niya ako sa gitna ng kaniyang mga bisig at binuksan niya ang laptop na ngayon ay nasa harapan ko.

"Baby, look what I'm about to type..." 

Tinignan ko ang galaw ng kaniyang mga daliri at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano ang password niya sa laptop.

Password: britaindelrio

Shit! Kinikilig ako!

Pinaikot niya ang swivel chair na aking kinauupuan. Unti unti siyang lumapit sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata at unti unti akong ngumuso.

Naramdaman ko ang labi niya na bahagyang dumampi sa aking noo.

"I've already had too much today."

Ramdam ko ang hiya dahil nag expect akong hahalikan niya ako sa labi. What the hell, Bree? Nakakahiya ka! Bahagya ko siyang tinulak at inirapan habang ramdam ko pa rin ang pamumula ng aking mukha.

Tune of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon