Chapter 26

110 20 16
                                    

Huling araw na ng aming Intramurals at ngayon gaganapin ang Cheerdance Competition. Medyo kinakabahan talaga ako dahil hindi ako sanay sa mga ganitong competitions.

"Alam mo buti na lang talaga pumayag tong si Lori na siya ang bubuhatin." ani Sofie

"Ang ganda kaya ng binubuhat sa Cheerdance no! Hindi ko nga alam sayo kung bat ayaw mo eh?" sabi naman ni Lori na ngayon ay naglalagay ng kolorete sa mukha para sa aming competition.

"Huy Bree! Sigurado ka bang ayos ka na diyan sa liptint?"

"Oo Lori, hindi kasi talaga ko naglalagay ng ganyan."

"Haynako Lori... Wag mo nang pilitin yan si Bree at mauubusan ka lang ng lakas diyan."

Napatawa ako ng kaunti kay Sofie. Talagang kilalang kilala niya ako. Alam na alam na niya ang bawat galaw ko. Ganoon din naman ako sa kaniya noon. Hindi ko na nga lang talaga alam ngayon kung bakit parang ang dami ko ng bagay na hindi alam sa kaniya.

"Huy Bree, hindi daw ba manunuod si Travis?" tanong ni Sofie na ngayon ay patapos na sa kaniyang blush on.

"Uhmm, hindi siguro. Nabanggit niya sa akin kagabi na may Board Meeting daw sila ngayong umaga eh."

England always picks me up at school kaya naman kahapon ay napag usapan namin ang competition na gaganapin ngayon. Not that I want him to watch though? I just think that I should tell him at least.

Pinakamasarap na parte ng aming relasyon ay yung pagiging bukas namin sa isa't isa. We don't have a perfect relationship and I guess no one has. We argue at times at may mga pagkakataon ding nahihirapan kaming intindihin ang isa't isa.

Naalala ko nung huling beses na magtalo kami ay tungkol sa aking Obgyne Check Up.

"Britain, I told you... I already booked an appointment. Bakit ba ayaw mo?"

"Ano ba, England. Hindi nga ako buntis! Katatapos lang ng menstruation ko noong nakaraang linggo!"

Inis na inis na ako sa kaniya dahil pinipilit niyang baka raw buntis ako. Totoo namang katatapos lang ng monthly period ko kaya hindi na kailangan ng Check Up. Nag alala kasi siya dahil na delay ako ng halos dalawang linggo.

"I just wanna make sure..."

Ito talaga madalas ang ikinaiinis ko sa kaniya. Madalas ay ipinipilit niya ang gusto niya without thinking of my opinion...

"Bahala ka! Kung gusto mo ay ikaw na lang ang magpacheck up!" inis kong sabi at sabay isinarado ng malakas ang pintuan ng kaniyang sasakyan.

The next day, he picked me up as if nothing happened. Akala ko'y galit siya sakin kaya namin tahimik lang ako habang nasa biyahe kami papuntang University.

"Baby.. Are you mad?"

"H-Ha? Hindi ah. A-Akala ko nga ikaw ang galit sa akin eh..."

"Hey..." I heard his cold husky voice. Until unti niyang kinuha ang kaliwang kamay ko at isinaklop sa kaniyang kanang kamay.

"I will never be mad at you... Okay?" banggit niya habang nakatitig lang sa kalsada at pinapaulanan ng maliliit na halik ang ibabaw ng aking kamay.

I think that's the best part of out relationship. Hindi namin pinapalaki ang mga maliliit na away. Kung kaya namin resolbahin agad ay ginagawan talaga namin ng paraan.

"Guys are you ready?"

Napaigtad ako nang marinig ko ang boses ni Ma'am Cassi na ngayon ay may hawak hawak na Bass Drum. Pinapunta na niya kami sa gym kung saan gaganapin ang competition. Sofie and Lori are still fixing their make ups kaya namin nang bigla kaming tinawag ay nagmadali na sila.

Tune of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon