Chapter 19

96 22 27
                                    

Pagmulat ko ng aking mga mata ay tumambad sa akin si Ate Trinity na ngayon ay mapayapang natutulog sa kabilang kama. Dito kasi kami natulog sa hotel kung saan idinaos ang birthday ng Mommy nila. Dahan dahan akong tumayo papunta sa banyo para maligo at mag ayos ng sarili. Bahagya pa akong nahilo sa biglaang pagtayo ngunit agad din akong nakabawi.

Saktong paglabas ko ng banyo ay nadinig ko ang mahinang katok sa pintuan. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang mga malalamig na pares ng mga mata ni England at ang humahalimuyak niyang bango.


"You look... good.... in the morning."

"A-Ano ba, siyempre naligo na ako no?"

He chuckled. "Let's go have our breakfast?"

Inilapag ko ang tuwalya sa table na malapit at tuluyan na kaming lumabas. Pagdating namin sa may elevator ay nakita ko si Tyler na may kaakbay na babae.

"Hey, magbbreakfast na rin kayo?" tanong niya habang kinukurot kurot pa ng bahagya ang pisngi ng babae.

"Yes Ty. If it isn't obvious." sagot ni England.

Napatingin ako kay Tyler, sunod sa babaeng kaakbay niya at napagtanto kong iba ito sa babaeng kasama niya kagabi sa party. Nagkibit balikat lang siya sa kuya niya at hindi na sumagot. Umiling na lang ako sa aking isipan at ipinagsawalang bahala ko iyon.

Pagsakay namin ng elevator ay ramdam ko ang paghawak ni England sa aking baywang. Napalingon naman ako kina Tyler dahil dinig na dinig ko ang hagikgik ng babae.

Tss. Arte.

Paglabas namin ng elevator ay bumungad sa amin ang isang malaking Buffet Table na may iba't ibang uri ng pagkain. Nakita ko ang Mommy nila na papalapit sa amin habang may hawak hawak na juice.

"Goodmorning mga anak. Goodmorning, Bree." nakita ko ang pag irap niya sa babaeng kaabkay ni Tyler at saka ngumiti sa akin.

"Go and get your plates. Sabay na tayong mag almusal. I'll get our table."

Tumango lang si England sa Mommy niya at nagpunta na kami papalapit sa Buffet Table. Tinignan ko ang mga pagkaing nandoon at kumuha na ako ng iilan.

"Hey... Is that all you want?"

"Hmm. Mamaya na lang ulit ako kukuha kapag hindi ito sumapat."

Nakakapanghinayang naman kasi na kukuha ako ng marami at hindi ko mauubos. For me, food is a blessing that we should cherish.

Tumango lang si England at naglakad na kami papunta sa table ng Mommy niya nang mapansin kong sa ibang lamesa nakaupo si Tyler at ang kasama niyang babae. Nakita ko pa ang babae na pinupunasan ang bibig ni Tyler habang humahagikgik.

"Anak... here."

Lumapit na kami roon at naupo. Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan tungkol sa naganap kagabi at sa kung anu anong bagay. Ilang minuto pa ang lumipas nang magpaalam si England na pupunta lang daw siya sa table na hindi kalayuan para kausapin ang isang investor. Tinignan ko siya habang paalis at nakita kong lumapit siya isang matandang lalaki na parang katulad din ng kausap niya kagabi.

I guess this is the reality in business world. Hangga't may pagkakataon at oras ay puro negosyo ang pinag uusapan....

"Bree..." marahang tawag sa akin ng Mommy ni England. Nilingon ko siya at napansin ko ang liwanag sa kaniyang mga mata.

"Gusto kong pormal na magpasalamat sayo sa lahat.... ng ginawa mo para sa anak ko." kunot noo akong tumitig sa kaniya dahil hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.

"I don't know if he already opened up to you.... But... Travis... My poor son... suffered a lot."

"P-Po?" walang muwang kong tanong sa kaniya. I saw her smiled.

Tune of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon