Nakatunganga ako ngayon sa bintana ng aming classroom habang tinitgnan ang mga estudyanteng nagkalat sa field. May mga naglalaro, nagkkwentuhan, naglalakad at mga estudyanteng nakatambay lang sa isang paikot na bench na kung tawagin ay "Batibot".
Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa nang maramdaman kong may nagtext.
Unknown Number:
I'll pick you up later. It's our monthsary.Napakunot ako ng noo at nag-isip. Monthsary? Seriously England? Hindi ko pa rin sini-save ang numero niya dahil hindi ko alam ang ilalagay kong pangalan. Does that matter though?
Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nang malaman ko ang lahat.
Kuwento niya sakin ay High School student ako nang makilala niya ako. Hindi detalyado ang kaniyang kuwento kaya napapaisip pa rin ako. I keep on thinking kung saan niya ako nakita o nakasalubong pero wala talaga akong maalala.
He also told me that I have some portraits in his room ngunit hindi kasing dami ng nasa kaniyang opisina. Mayroong mga pinapa drawing pa niya at sobrang nakakagulat dahil kamukha ko talaga.
I know I should be creeped out but I wonder who the artist is? Baka puwede akong magpagawa para kay Mama.
Naisip ko na lang din na kaya pala ganun ang itchura ni Jake tuwing makikita niya ako. Kaya pala parang kilala na ako ni Tyler noong isinauli niya ang ID ko at kaya naman pala walang bakas ng pagkagulat mula sa kaniyang ina nang magkita kami.
Napabalik ako sa kasalukuyan nang bigla akong makaramdam ng kaunting pagkangawit sa aking braso. Siguro'y dahil sa pagtulong ko kay Mama sa paglalaba. Madalas akong mapagod nitong mga nakaraang araw dahil sa mga pa extra extra ko sa karinderya at labada.
Nakakapagod but I have no choice. I need to survive. We need to survive.
Napangiti ako nang makita ko si Sofie na magkasalubong ang kilay habang papalapit sa akin. Ano nanaman kayang kuwento nito?
Napatingin ako sa kanya ng hindi siya nagsalita at bigla na lang naupo sa tabi ko.
"Sofie... Anong nangyari sayo?"
Inirapan niya lang ako at bumuntong hininga. "Don't talk to me. Nagtatampo ako sayo."
Huh? Bakit naman magtatampo? Hindi na lang ako nagsalita at bumaling ulit sa bintana.
"Duhh! Bree! Hindi mo man lang ba itatanong kung bakit?" napangiti ako dahil alam kong hindi niya kakayaning hindi ako kausapin.
"Bakit ba kasi?" I asked her
"You didn't tell me na may boyfriend ka na! Kung hindi pa 'ko itinext ng boyfriend mo para magtanong tungkol sayo ay hindi ko pa malalaman!!"
"Ano bang sinasabi mo diyan?" sagot ko sa kaniya.
"Ewan ko sayo! Ako ang nagbigay ng number mo sa kaniya pero ako ang hindi mo sinabihan! Minsan talaga nakakatampo ka na. Parang ako lang ---"
Magsasalita na sana ako at aalma ngunit hindi niya naituloy ang sinasabi niya dahil biglang pumasok ang aming professor. Bumulong ako sa kaniya.
"Ikaw ang nagbigay ng number ko kay England?"
"Sinong England? May iba ka pang boyfriend maliban kay Kuya Travis?" tinanong niya ako ng pabulong din.
Napatapik ako sa aking noo ng marealize kong Travis nga pala siya kilala.
"Yeah, Travis nga."
"Bakit tinatawag mo siyang Kuya? Pinsan ka rin niya?!" I asked in disbelief.
She looked at me with disgust. "You're unbelievable, Bree! Pinsan? Ew. Siyempre kuya ko siya dahil future asawa ako ng kapatid niya!" nanlaki ang mata ko sa kaniyang binitawang salita.
"Si Tyler?"
Inirapan lang niya ako at hindi siya sumagot. Ganito siya kapag naiinis sakin. Pero ilang minuto o oras lang, hindi na niya maaalala kung bakit siya nagtatampo. I smiled. Typical Sofie.
So that explains how England got my number huh? Siguro'y nagpapalakas sakaniya tong si Sofie para kay Tyler. Though I don't wanna conclude yet dahil paiba iba naman ng crush etong bestfriend ko.
Lunch break na kaya papunta na kami ni Sofie sa cafeteria. Tulad ng sabi ko, ilang minuto lang ay magbabago na ang mood niya.
"Alam mo ba Bree, iniisip ko pa rin talaga kung anong genes mayroon ang mga Del Rio. I mean diba? They look like Greek Gods from Mount Olympus!" seryoso ang mukha niya habang nag iisip. Tahimik akong napatawa dahil sa kalokohan ng kaibigan ko.
Naglakad na kami mula sa counter at naghanap ng bakanteng mauupuan habang hawak hawak ang aming mga trays na may lamang pagkain.
Nakaupo na kami when I saw Tyler with a nursing student wearing a white short skirt while entering the cafeteria and it seems like he saw me too dahil papalapit sila sa kung nasaan kami. Napatingin ako kay Sofie na ngayon ay nag iisip pa rin.
"Hi Bree. Happy Monthsary sainyo ni Kuya!" ngiting bati ni Tyler.
Napangiwi ako ng bahagya sa sinabi niya at inirapan ko na lang siya. Pansin ko kay Sofie ang gulat na di kalaunan ay napalitan ng inis. Tumingin siya sa babaeng kasama ni Ty at bumulong.
"Slut." sabay irap.
Mukhang narinig iyon ng babae kaya napatingin siya kay Sofie. "Excuse me, ako bang sinasabihan mo?" gamit ang isang mataray na tono.
Kumunot ang noo ni Tyler sa kasama niya nang biglang magsalita si Sofie. "I'm not directly implying na para sayo yon... Pero kung sasaluhin mo, then fine."
Tinignan niya ang babae mula ulo hanggang paa sabay sabing "Slut." sa matigas na tono.
"You bitch!" akmang lalapitan na ng babae si Sofie and I was about to cut them off when Tyler interrupted them. "Stop it, you two." nagulat ako ng makitang seryoso si Tyler na nakatingin kay Sofie.
Bakit siya kay Sofie nakatingin? Ang awatin niya ay iyang kasama niya!
I always see his playful side ngunit ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso kaya nagulat ako nag bumaling siya sa akin.
"I'm sorry for the commotion, Bree. Mauna na kami." sabay ngiti na parang walang nangyari.
Nakita kong halos maluha si Sofie sa galit dahilan para hawakan ko ang kamay niya. I smiled at her genuinely and she eventually calmed down.
Kung ang safe zone ko ay Musika, ang safe zone naman ni Sofie ay ako.
Naalala ko noong high school kami. Kapag makikipagsabunutan na siya ay kailangan ko lang hawakan ang kamay niya para kumalma. Napaisip ako kung ano may mayroon dahil parang galit na galit si Sofie. Inisip ko ring magtanong pero alam kong hindi niya naman ako sasagutin.
Bumuntong hininga na lang ako at nag aya ng pumunta sa aming susunod na klase. Buong hapon akong nag iisip ng maaaring mangyari mamaya. Susunduin nga kaya ako ni England?
Nakita ko ang sasakyan nila Sofie na papalapit kung nasaan kami. "Bye Bree! See you tomorrow!" masiglang paalam niya sakin. Napangiti na lang ako nang mapagtantong ayos na naman siya. I laughed silently.
Maglalakad na sana ako nang matanaw ko sa kabilang kalsada ang isang lalaking kabababa lang ng isang puting SUV. Naka ray ban shades at medyo magulo ang buhok na mistula'y natural na natural.
Napansin ko rin na hindi siya nakasuot ng pormal na damit ngayon. He's wearing a black muscle tee that made his well-built body more visible, paired with a faded denim jeans and a pair of dark yeezy.
He looks casual and yet his aura screams different.
Napaisip ako. When will I ever stop being intimidated with this guy? Lumapit siya sakin habang tinatanggal ang kanyang shades.
Damn he looks cool!
"Let's go?" he coldly asked. Hindi ko alam kung bakit palagi akong kinikilabutan sa boses niyang malamig.
"Saan tayo pupunta?"
He looked at me intently and he immediately snaked his arm around my waist. Hinagkan niya ako patagilid and he whispered...
"You'll see."
-K-
BINABASA MO ANG
Tune of Life
RomanceBritain likes music. Naniniwala kasi siyang ang buhay ay parang tono ng kanta. Minsan maganda, minsan pangit. Minsan tama, minsan mali. She believes that every negative thing in life has a good thing in equivalent. Tulad sa kanta, naniniwala siyang...