Chapter 3

188 43 260
                                    

England? Anong England pinagsasabi neto?

"Get in the car." sambit niya sa isang malalim at malamig na tono.

"Bakit naman ako papasok sa sasakyan mo? Saka hindi kita kilala. Hindi mo rin ako kilala. Ano bang--"

"You may not know me but I know every bit of you."


Napaawang ang aking labi hindi lang dahil sa lamig ng kaniyang tinig kundi dahil na rin sa kanyang binitawang salita.

"What do you mean by that?" I said with a hint of cluelessness. Mukhang nag po-power trip ang isang to ah? Nagulat ako ng unti unti siyang lumapit sa akin hanggang sa kaunti na lang ang aming agwat.

"Britain Ramos. 18 years old. Freshman. Bachelor of Arts in Political Science. You have two siblings and you live with your mom and step dad."

Nanlaki ang mata ko ng maisip ang kaniyang mga sinabi. What the hell? Where did he get these info? Who is this guy?

"P-pano mo nalaman ang mga iyan?"

Nakita ko ang kaunting pag angat ng kaniyang labi ngunit batid pa rin ang kawalang emosyon ng kanyang mga mata.

"Get in the car." he opened the car door and he slightly pushed me inside. Wala na akong nagawa kundi sumakay. Gusto ko lang naman malaman ang pakay niya. Napaisip ako. Iyon nga lang ba ang dahilan? Napailing ako kasabay ng pagtingin ko sa kalsada.

Ang tahimik. Sobrang tahimik.

"C-can I turn on the radio?"

"No." matigas at mabilis niyang sagot. Nagulat ako at bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Shit! Simpleng "no" niya lang pero para na kong aatakihin dito. Di 'wag magpatugtog kung ayaw mo! Napairap ako at kinuha ko ang aking pinakamamahal na earphones.

Nakita kong napasulyap siya sa 'kin ngunit hindi iyon nagtagal.

"Why do like listening to music?"

Napatingin ako sa kaniya. Ako ba tinatanong nito? Siyempre Bree, may iba pa bang tao dito? Sasagot na sana ako ng bigla niya kong pinigilan.

"Nevermind. I'm not really interested." I rolled my eyes in annoyance. Seriously? Siya tong nagtanong tapos hindi siya interesado?

"Peace of mind." napalingon siya sakin ng magsalita ako. Bakas ang pagtatanong sa kaniyang mukha kaya itinuloy ko nalang ang sinasabi ko.

"It gives me peace of mind. May mga tao kasi na simpleng musika at tono lang ang sandigan sa buhay. I love listening to music. I actually sing sometimes." sabi ko ng may himig pa ng pagyayabang.

"You sing?" Uhuh, now you seem interested. I smirked.

"Minsan lang. Sometimes nga eh." irap kong sagot sa kaniya.

"Teka bakit mo ba ako kilala? Nag aaral ka rin ba sa school namin?"

"Do I look like a student to you?"

Now that he mentioned, I noticed him wearing a pure white polo na nakatupi hanggang siko. Sa pang ibaba naman ay isang itim na pantalon na wari gawa sa mamahaling tela.

Napatingin ako sa kanyang perpektong panga at nakita ko nanaman ang mata niyang malamig. I wonder why he's as cold as ice. Is it just his personality? Or something happened?

"I don't really like listening to music. No, I hate music."

Napakunot ako ng noo at hinantay siyang dugtungan ang kanyang eksplanasyon ngunit wala na akong narinig na kasunod. Napansin kong huminto kami sa tapat ng isang kilalang restaurant.

Tune of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon