Sobra ang gulat ko sa nakita ko sa profile ni Sofie. Isstalk ko pa sana siya nang marinig ko ang pagbukas ng hotel room dahilan para mapatingin ako roon.
I was stunned when I saw a cold looking Greek God entering the room. He has this tousled dark brown hair which is too perfect for him. His facial features are strong and well defined that makes me wonder if it's molded from granite. I saw his eyes scanned the whole room at nang makita niya ako ay parang wala na siyang nakita maliban sa akin. His whole attention is directed to where I am and that made me feel awkward.
Dahan dahan akong umiwas ng tingin at umayos ng upo. Ibinalik ko ang atensyon ko sa aking cellphone but I can't focus. Ramdam kong humila siya ng upuan at dinala ito sa aking tabi. Inaayos na ngayon ng artist ang aking buhok kaya naman hindi pa rin ako masyadong makagalaw.
Nakita ko ang kaniyang pag upo sa aking gilid. Nakatingin ako sa salamin habang siya naman ay nakatitig sa akin. I heard how Ate Trinity teased him.
"Kuya, baka matunaw si Bree niyan hah?" banggit niya sa isang mapang asar na tono. Mas lalo tuloy akong nahiya ngunit parang wala naman siyang pakielam at mas lalo lang niya akong tinitigan.
Suddenly, I felt his soft hands held mine as he stared deep into my eyes. I couldn't help but blush. Pakiramdam ko'y hindi ko na kailangan ngayon ng blush on. Napamura ako sa isipan ko nang mapatingin ako sa kanila at nakita ko siyang unti unting ngumiti.
His cold smile etched its way back into his face. His hands are warm but his expression says different. Nakita kong unti unti niyang pinaulanan ng maliliit na halik ang ibabaw ng aking palad na dahilan ng mas lalo kong pagpula. Shit, England.
"You look beautiful, Britain."
Halos kilabutan ako nang marinig ang kaniyang malamig na boses. Tumahimik lalo ang aming paligid na parang nag aantay ng isasagot ko.
"Uhh..." I was about to say something when he cut me off.
"Is this awkward for you?"
Napatingin ako sa kaniya at unti unting tumango. Kita ko ang pag iikot niya ng tingin sa buong kuwarto saka siya bumaling sa akin.
"I'm sorry baby. I just can't help it." dahan dahan siyang tumayo at humalik sa aking kamay bago niya ito bahagyang binitawan.
"I'll wait for you outside this room, okay?" sasagot na sana ako nang makita ko siyang bumaling sa nag aayos ng buhok ko "Careful touching her hair, she doesn't like hair falls."
Nanliit ang mata ko sa kaniya ngunit hindi na ako nakakontra pa dahil sa kaniyang biglaang pag alis. Napailing na lang ako at huminga ng malalim.
"Girl, bongga ka! Kung ganoon ang boyfriend ko, baka sampung beses ako manganak sa isang taon!"
Kinikilig na banggit ng isang make up artist. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano dahil isa isa nila akong tinutukso. Napailing na lang ako nang mapagtantong grabe rin talaga ang epekto ni England sa ibang tao.
"I want you close to me, Britain." I heard his deep voice with a cold serious tone.
Nandito na kami sa Grand Entrance kung saan gaganapin ang Birthday Party ng Mommy niya. Kitang kita ko rin ang pagdating ng mga bisita. Hindi ko kilala ang karamihan probably because most of them are private persons.
Yung tipong nasa itaas ng social circle at bibihirang makihalubilo sa ibang tao. Kumbaga sa hierarchy ng mga businessman ay sila yung nasa pinakataas na ultimo mga pulitiko ay hindi sila kayang galawin. Hindi ako sigurado ngunit ganiyan ang aura na aking nakikita mula sa mga bisita. Kitang kita ko ang pinong galaw at lakad ng mga taong dumarating. Para bang iniiwasan nilang gumawa ng isang maliit na pagkakamali.
BINABASA MO ANG
Tune of Life
RomanceBritain likes music. Naniniwala kasi siyang ang buhay ay parang tono ng kanta. Minsan maganda, minsan pangit. Minsan tama, minsan mali. She believes that every negative thing in life has a good thing in equivalent. Tulad sa kanta, naniniwala siyang...