Halos buong gabing gising ang diwa ko dahil sa pag iisip. Pakiramdam ko'y naglilibot ang aking isip magdamag sa iba't ibang dako ng lugar para humanap ng kasagutan sa mga tanong na hindi ko lubos maisip kung ano ang dahilan.
Umaga na naman. Kailangan ko nanamang bumangon at harapin ang masaklap na realidad. Kailangan kong lakasan ang aking loob upang malagpasan ang mga pagsubok sa araw na 'to.
Sa tuwing bibisitahin ko sa utak ko ang nalaman ko kahapon ay may namumuong luha sa mga mata ko. What I found out yesterday is like a time bomb in my head. Para bang naghihintay lang ito ng tamang oras para sumabog....
England...
I sighed.
Kinukusot ko ang mga mata ko nang bigla akong mapahawak sa gilid ng cabinet. Pumikit ako ng mariin... Huminga ulit ako nang malalim nang maamoy ko ang niluluto ni Mama.
Bigla akong napatakip sa aking bibig nang may nabuo na kung ano sa aking tiyan. Tinakbo ko ang banyo at saka ako nasuka. Shit, what's happening to me?
Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin ako sa kalendaryo na nakadikit sa pintuan ng aming banyo. Mabilis akong nag bilang ng linggo at buwan. Natulala ako nang mapagtanto ang isang posibilidad na pumasok sa utak ko.
No! This can't be happening!
"Bree, nakapag settle ka na ba ng payment for Midterms?"
Nahinto ako sa malalim na pag iisip at napatingin ako kay Lori na ngayon ay nag aayos ng mga papers niya para sa isang Minor Subject. Ngayon ko lang naisip na malapit na naman pala ang exams namin. Mabuti na lang ay malaki ang bawas ng aking Tuition dahil sa pagiging student assistant ko.
"Hindi pa, Lori.. Ikaw ba?"
"Tapos na kahapon nung library period natin. Nako, mag ayos ka na ngayon at mahihirapan ka na naman kapag naabutan ka ng pagdagsa ng mga estudyante ron!"
"Sabay na lang tayo mag ayos. Di pa rin ako nakakapag settle eh." singit ni Sofie.
"Sige, Sofie. Kailan ba?"
"Baka mamaya after class natin. Marami naman akong iniwang breast milk kay Silver kaya ayos lang sigurong ma late ako kaunti ng uwi."
"H-Hindi yata ako pwede mamaya Sofie..." alangang sagot ko sa kaniya.
"Huh? Bakit naman? May lakad ka?"
"A-Ah... M-May aasikasuhin lang ako."
"Uhmm.." umakto pa si Sofie na parang nag iisip. "Sige, bukas na lang! Basta, sabay tayo ha?"
I smiled at her. "Sige..."
Buong araw akong walang ginawa kung hindi mag isip. No matter how hard I try to avoid the thoughts of England... Hindi ko magawa. Dumagdag pa sa isipan ko ang pag iisip sa isang posibilidad na aking iniiwasan.
I don't wanna think about it. The fear building inside my body is very intense.
"Mag-ccr lang ako sandali ha?" paalam ko sa mga kaibigan ko na ngayon ay busy na nag aayos ng mga papel para sa susunod naming subject.
"Sige, sunod ka na lang sa laboratory. Dun daw tayo ngayon eh." simpleng sagot ni Sofie.
Dinig na dinig ko ang malakas na tibok ng aking dibdib habang naglalakad.
Sa sobrang kaba ay hindi ko na halos napansin na kanina pa ako nakatayo rito sa loob ng cubicle habang nag aantay ng resulta. Ilang minuto pa ay mariin akong pumikit at dahan dahan kong sinulyapan ang hawak hawak ko.
BINABASA MO ANG
Tune of Life
RomanceBritain likes music. Naniniwala kasi siyang ang buhay ay parang tono ng kanta. Minsan maganda, minsan pangit. Minsan tama, minsan mali. She believes that every negative thing in life has a good thing in equivalent. Tulad sa kanta, naniniwala siyang...