Mabilis lumipas ang mga araw na naging linggo at naging buwan. Hindi ko namamalayan ang pagsapit at paglipas ng panahon dahil na rin siguro abala ako sa pagtatrabaho, pag aaral at kay England.
Buong Summer ay nagtrabaho ako sa Convenience Store habang si Mama naman ay nagtitinda ng barbecue at kalaunan ay nakapagbukas din kami ng maliit na Sari Sari Store mula sa naipon kong pera sa pagtatrabaho.
Noong una ay hatid sundo ako ni England sa trabaho pero nang maisip ko ang pagod niya at gas na nauubos na mukhang mas malaki pa sa pang araw araw kong kinikita ay pinakiusapan ko siya na huwag na niyang gawin iyon. Matagal na pilitan din ang naganap pero wala rin siyang nagawa. Alam niya rin sigurong hindi ako magpapapigil kaya pumayag na lang siya.
Nang magpasukan na naman ay mas lalo akong nahirapan sa trabaho. Nag extend pa kasi ako ng isang buwan sa part time job ko kaya naman hirap talaga ako sa oras. Buong isang buwan na iyon ay pumayag ako sa 'hatid sundo' set up ni England.
Naalala ko pa noong isang araw na sinundo niya ako ay halos magkapalit na kami ng mukha ni Mia sa sobra niyang pagdikit sa akin.
"Huy friends naman tayo diba? Alam mo ba Bree ang tagal na talaga kitang gustong makaclose! Nahihiya lang din talaga ako." pansin ko ang pagpipilit niyang magpakita ng malungkot na itsura.
"Baka naman may kapatid yang boyfriend mo! Pakilala mo naman ako, Bree! Sige na! Friends naman tayo diba?" halos mapangiwi ako sa mga sinasabi niya sa akin. Hindi ko rin alam kung matatawa ba ako o ano.
Sa sobrang bilis ng panahon ay matatapos na naman ang 1st semester sa aking ikalawang taon sa kolehiyo. Napakabilis talaga ng araw. Nakakagulat na lang na ilang buwan na lang ay mag ththird year na ako. Hindi na talaga ako makapaghintay na makagraduate at makapagtrabaho.
Ngayon ang araw na napagkasunduan namin ni Ate Trinity na magmall. Madalas naming gawin ito mula nang magkakilala kami. Kadalasan ay hinahatid kami ni England at sinusundo rin. Pero ngayon ay nag request si Ate Trinity na kaming dalawa lang.
Girls Bonding daw. Kapag naaalala ko kung paano siya magreklamo kay England ay natatawa ako.
"No, Love Trinity. Sasama ako sa inyo."
"Kuya naman eh! Can you let her breathe naman kahit minsan? Alam mo bang majority ng mga babae ay nagsasawa sa mga lalaking sobrang higpit?"
Dinig ko ang panunuya sa boses ni Ate Trinity ngunit parang hindi ito napansin ni England dahil hindi siya kumibo at pinukol lang niya ng masambg titig ang kaniyang kapatid.
"Okay then.. Kung gusto mong magsawa sayo si Bree at iwanan ka niya --- "
"Fine." simpleng sagot lang ni England saka nag walk out.
Isang kindat naman ang sinenyas sa akin ni Ate Trinity na para bang tuwang tuwa siya sa nangyayari. If England has his ways, she has her own ways too.
Napabalik na na lang ako sa kasalukuyan nang makarinig ako ng isang malakas na tunog mula sa blower na ginagamit ng hair stylist. Nasa salon kasi kami ngayon dahil magpapa hair treatment at magpapagupit daw si Ate Trinity. Ewan ko ba naman dito kung bakit halos every month ay nagpapagupit siya. Nakaupo lang ako sa isang malaking sofa habang nagbabasa ng magazine. Nakita kong binoblow dry na ang buhok niya hudyat na malapit nang matapos ang kaniyang hair treatment.
Sa totoo lang ay medyo awkward pa rin ako sa kaniya tuwing maaalala ko ang nasaksihan ko noong party. But I think she has her reasons. I believe that she's not the kind of woman who will do things out of control.
"One Hot Cappuccino & One Hot Americano, Both Venti please." banggit niya sabay abot ng kaniyang Starbucks Card sa lalaking nasa counter. Alam na alam na talaga niya ang gusto ko.
BINABASA MO ANG
Tune of Life
RomanceBritain likes music. Naniniwala kasi siyang ang buhay ay parang tono ng kanta. Minsan maganda, minsan pangit. Minsan tama, minsan mali. She believes that every negative thing in life has a good thing in equivalent. Tulad sa kanta, naniniwala siyang...