"England ano ang mas maganda? Ito o ito?"
"Uhmm. Anything.... suits you though..."
Bakit ko pa kasi tinatanong ang isang to eh wala naman itong panget na nasasabi pag ako ang nagtatanong. Nakakainis! Minsan naiisip ko na baka sinasabi lang niya yon dahil girlfriend niya ako.
Sinamahan niya akong bumili ng damit ngayon para sa birthday ng Mama niya. Dapat ay pagagawan na lang niya ako sa personal designer ng kanilang pamilya.
Ako naman si gaga, tuwang tuwa pa. Pero nang malaman kong aabutin ng halos kalahating milyon ang isang dress ay halos atakihin ako sa puso kaya sinabi ko kay England na samahan na lang niya ako dito sa Divisoria.
Ang dami kayang magagandang damit dito at sobrang afforadble pa. Marami rin kaming nadaanan na mga nagtitinda ng kung ano ano kanina kaya naman hindi ko na mabilang ang hawak hawak na plastik ni England.
I guess he's kindda shocked knowing all the prices of the things here. Ipinaliwanag ko rin sa kaniya na karamihan sa mga paninda rito ay mga Class A but that doesn't stop him from buying random things.
"Sige na kasi, England. Ano bang magandang kulay?" pilit ko sa kaniya
He went closer to me at nanliit ang kaniyang mga mata habang tinititigan ang hawak hawak kong mga dress. Nagpapalit palit ang tingin niya sa dalawang dress but he seems confused.
"Hmm. It has the same shade, Bree. You can choose whatever you want."
"Hindi kaya! Ito ay pink at ito naman ay baby pink! Tulungan mo na kasi akong mamili, England." pilit ko pa sa kaniya.
I heard him chuckle as if he's about to laugh.
"Okay.. Then baby pink.... sounds better."
"Anong sounds better?! Kulay ang titignan mo, England, hindi ang tunog!"
Again, he chuckled. But this time, it seems like he's about to do something....
"Yeah..." dahan dahan siyang nagpunta sa likuran ko at hinawakan niya ako sa magkabilang braso. Nanigas ako at hindi nakagalaw. Unti unti niyang nilapit ang kaniyang bibig sa aking tainga. Kinilabutan ako nang marealize kong sobrang lapit niya sa akin.
Shit. I can smell mint from here.
"I like the baby pink, Britain..."
His voice seems like a hundred voltage of current entering my whole system. Kailan ba ako madasanay sa kaniya? Mag iisang taon na kaming magkakilala pero ang reaksyon at pakiramdam ko madalas ay parang ganoon pa rin sa una ko siyang makita at makasama.
Nagulat ako nang mas lalo pa niyang ilapit ang kaniyang bibig sa aking tainga na isang maliit na galaw lang ay magdidikit na.
"It looks perfect on you.... Baby..."
What happened few weeks ago served as a lesson for the both of us. I learned that concluding something out of a small context can really ruin anything. Pakiramdam ko'y sa nangyaring iyon ay mas lalo akong nag grow hindi lang bilang karelasyon ni England kundi bilang isang babae.
I realized that I need to trust him. I need to hear his explanation everytime. Walang ibang iintindi sa relasyon namin kundi kaming dalawa lang din.
"I love your dress, Britain. Kanino mo yan pinagawa?" kaswal na tanong sa akin ni Ate Trinity.
"Nako Ate, binili lang namin to ni England sa Divisoria."
Nakita kong nagulat siya nang panandalian ngunit bigla rin siyang nakabawi. Tumango na lang siya at saka pumikit ulit. Nandito kasi kami sa isang hotel dito sa Makati na paggaganapan ng birthday ng Mommy nila. Inaayusan na kami ngayon ng mga make up artists na kundi ako nagkakamali ay make up artists din ng mga sikat na model.
BINABASA MO ANG
Tune of Life
RomanceBritain likes music. Naniniwala kasi siyang ang buhay ay parang tono ng kanta. Minsan maganda, minsan pangit. Minsan tama, minsan mali. She believes that every negative thing in life has a good thing in equivalent. Tulad sa kanta, naniniwala siyang...