Isang madilim na Sabado ang bumungad sa paggising ko. Dinig na dinig ko ang bawat pagpatak ng ulan sa aming bubong. Napapikit ulit ako... I didn't know that I'd crave for this peace. Ang payapa pala sa pakiramdam makinig sa bawat patak ng ulan na nahuhulog mula sa lumuluhang langit...
Napatingin ako sa orasan sa aking tabi at napagtanto kong mag aalas nuwebe na nga pala ng umaga. Late ako nagising ngayon dahil sa puyat at pagod kagabi. Pagkahatid kasi sakin ni England ay tumulong pa akong magtinda kay Mama. Saglit din tumulong si England ngunit pinauwi ko na rin siya nang mas lalong dumilim.
Pagbangon ko'y mas lalo kong nakita ang madilim na langit mula sa aking bintana. Kitang kita ko ang paggalaw ng mga dahong nasa puno.
Napangiti ako nang maisip kong tag ulan na naman. Napakabilis talaga ng panahon. Mabuti na lang ay hindi naabutan ng tag ulan ang aming Intramurals dahil panigurado'y mahihirapan kaming iganap ito.
"Ate... gising na daw sabi ni Mama..." katok ni Jay sa pintuan ko.
Nagsuklay na ako ng aking buhok. Kinuha ko ang cellphone ko saka lumabas ng aking kwarto.
Dahan dahan akong nagcheck ng aking phone. Haay, wala pa ring text si England. I don't wanna sound like a clingy girlfriend pero nagtataka lang ako kung bakit simula kagabi'y hindi pa siya nagtetext. Hindi ko rin naman siya tinitext dahil ayokong kulitin siya.
I thought about what happened yesterday... Hindi naman kami nag away ah? Am I being paranoid?
"Nak kumain ka na.." bungad ni Mama.
"Sarap naman nito, Ma... Himala yata at nagluto ka ng fried chicken sa umaga?"
"Ate.. Hindi naman yan luto ni Mama eh..." singit ni Jay.
"Ha?"
Hindi ako sinagot ni Jay kaya naman napatingin ako kay Mama na ngayon ay busy na nagpupunas sa may lababo.
"Tessa, naisampay ko na ang mga labahin mo."
Halos mailuwa ko ang kanin sa aking bibig nang makita ko ang topless na si Paul mula sa likod ng aming bahay. Medyo basa pa ang kaniyang shorts na suot habang ang buhok naman niya ay medyo magulo. Napatingin din siya sa akin na ngayon ay parang nahihiya na.
"A-Ah Bree... Magandang Umaga."
"Oh Paul, ang aga mo yata?" hindi ko na lang pinahalata ang matindi kong gulat dahil na rin sa nakita kong reaksyon niya nang makita ako.
I don't wanna make him feel uncomfortable.
"E-Eh... Tinulungan ko lang ang Mama mo... Sige una na ko ha?"
Nagmamadali siyang nagpaalam sa amin. Si Mama naman ay wala pa ring reaksyon at wala pa ring sinasabi. Napapailing na lang akong isipin na pilit niyang pinipigilan ang kaniyang sarili kay Paul.
"Ma... Okay lang naman sa akin si Paul.."
Kitang kita ko ang panlalaki ng mata niya saka ibinato sa akin ang basahang hawak hawak.
"M-Magtigil ka nga riyan, Britain!"
"Sige Ma.. Kunyari hindi na namumula." asar ko pa sa kaniya.
Hindi naman sa wala akong pakielam kay Mama. I just think that she should do whatever makes her happy. Hindi tayo habangbuhay na nasa mundong ito kaya para saan pa ang pagpipigil sa ating mga nararamdaman diba?
Matapos kong kumain ay nagpasya akong itext si England..
"Hey.. How are you?"
Nag antay ako ng ilang minuto ngunit hindi siya nagreply kaya naman nagscroll na lang ako sa facebook habang nagpapalipas ng oras..
BINABASA MO ANG
Tune of Life
RomanceBritain likes music. Naniniwala kasi siyang ang buhay ay parang tono ng kanta. Minsan maganda, minsan pangit. Minsan tama, minsan mali. She believes that every negative thing in life has a good thing in equivalent. Tulad sa kanta, naniniwala siyang...