It's been one week since the second semester started kaya naman ngayon ay simula na ng regular na pagpasok at pagsunod sa aming itinakdang schedule. Sa isang linggong nakalipas ay mas naging close kami ni Lori dahil na rin siguro sa pagkakatulad nila ng ugali ni Sofie. They have a lot of similarities including the fact na nag uumapaw ang kanilang mga guy crushes.
Pagkakaiba lang siguro nila ay mas tahimik di hamak si Lori and she's more composed as if she's afraid to commit a mistake. I guess that's the effect of her strict parents. Sobrang strikto kasi ng kaniyang mga magulang. She has curfews at hatid sundo rin siya ng kanilang family driver.
I was able to introduce her to England last time that we went to a Coffee Shop. Hindi sana talaga ako sasama kay Lori kaso ay iyon ang aming unang bonding para makilala namin ng lubusan ang isa't isa. England picked me up and it became a way for me to introduce her to him.
"Bree, nakita mo na ba ang bago nating schedule?" seryosong tanong ni Lori sa akin
"Huh?" clueless kong sagot sa kaniya
"Well, meron daw tayong bagong schedule eh. Hindi ko lang sure kung saan makikita?"
Nagkibit balikat na lang kaming dalawa at umayos na ng upo. Huling subject na namin ito ngayong araw kaya naman medyo tinatamad na rin kami. Napansin kong busy si Lori sa kaniyang cellphone kaya naman napadungaw rin ako roon.
Nakita ko siyang patagong nagseselfie kaya naman bahagya akong natawa. Iba din talaga tong babaeng to eh! Kung ano anong trip sa sarili.
Pagkatapos ng klase ay nagpasama sa akin si Lori sa Basketball Gym para raw kausapin ang Kuya niya. Her brother is our school's basketball coach kaya naman malaya itong nakakalabas pasok sa eskwelahan kahit graduate na.
Pagpasok namin ng court ay natanaw ko kaagad si Tyler at Jake na mukhang tangang nagddribble dribble ng imaginary ball sabay kunyaring magshooshoot sa ring.
"Tyler!" nagkunwari si Jake na may ipinapasang bola. Habang si Tyle naman ay todo effort pa kunwari na sinalo ang kanilang imaginary ball saka nagshoot sa ring.
"Three points bro!!" sigaw ng baliw na si Jake habang humahalakhak naman si Tyler.
Napatawa ako nang bahagya dahil dito. Iba talaga nag trip ng mag pinsang ito. I wonder if England used to act like this during his college years.
Napalingon ako sa kabilang dako at nakita kong kinakausap ni Lori ang kaniyang Kuya habang ako naman ay nakatayo sa gilid ng gym. Natanaw kong papalapit si Jake kaya naman agad akong nagbalak umiwas. Panigurado'y mang aasar nanaman 'to.
"Uy Mrs. Del Rio! Napadalaw ka yata rito?"
"Tss. Ang ingay mo." simpleng sagot ko.
"Sungit mo talaga no? Kaya bagay na bagay kayo ni Brader Travis eh!"
Nakakainis talaga tong isang to! Hindi ko na siya sinagot at inirapan na lang. Nakita kong papalapit na si Lori kung nasaan ako na siya namang ikinatuwa ng katabi ko.
"Mrs. Del Rio.... Pakilala mo naman ako sa kaibigan mo." nakita kong nagpapacute pa siya habang sinasabi ito. Seriously? Ang kapal naman ng mukha nito.
"Manahimik ka nga diyan, Jake. Please lang, wag ang kaibigan ko." inis kong sagot.
"Bakit naman huwag?"
"Are you really asking me that?" mataray kong sagot sa kaniya sabay irap. Nakita kong ilang hakbang na lang ang layo ni Lori kaya naman lumayo na ako ng bahagya kay Jake.
"Bree.. Tara na?" banggit ni Lori at nakita ko pa ang pagsulyap niya sa lalaking nilayuan ko. Akmang aalis na kami nang marinig kong mag salita si Jake...
BINABASA MO ANG
Tune of Life
RomanceBritain likes music. Naniniwala kasi siyang ang buhay ay parang tono ng kanta. Minsan maganda, minsan pangit. Minsan tama, minsan mali. She believes that every negative thing in life has a good thing in equivalent. Tulad sa kanta, naniniwala siyang...