Chapter 11

126 32 139
                                    

Papunta ako ngayon sa opisina ni England dahil nakiusap siya sa akin na tulungan ko raw siyang mag redecorate.

Actually, he asked me to come tomorrow pero dahil libre naman ako ngayon ay nagpunta na ako.

Mabuti na lang talaga ay Field Demo namin ngayon at exempted ako.

Medyo pagod ako ngayon dahil sa ilang araw na puyat. Sobrang init pa ng panahon kaya huminto muna ako sa paglalakad para bumili ng maiinom.

"Isa nga pong mineral water, Nay."

Napatingin sa akin ang babae at binigyan na ako ng tubig.

"Miss dumudugo ang ilong mo."

Hinawakan ko ang aking ilong at nakitang may dugo nga rito. Binasa ko na lang ang panyo ko at bahagya kong pinunasan ang aking ilong.

"Nako salamat po, Nay. Ganito po talaga ako pag naiinitan." nginitian lang ako ng tindera.

"Parehas pala kayo ng anak kong panganay. Mahina sa init. Ganiyan din siya."

Nagkwentuhan pa kami ni Nanay at nalaman kong college na rin ang anak niya sa isang pampublikong paaralan sa may Down Town.

Napaisip tuloy ako at bumilib sa mga katulad niyang pilit itinataguyod ang edukasyon ng kaniyang mga anak. Ganiyan din si Mama sa aming magkakapatid.

Naglakad na ako papasok ng building nang harangin ako ng guard. Hindi ito iyong guard noon nakaraan kaya siguro hindi ako kilala.

Napatigil ako at nakita kong nanlaki ang mata ng guard at biglang yumuko. Napakunot ako ng noo at tatanungin ko sana siya ngunit nakita ko ang kaniyang bahagyang panginginig.

"P-pasok na po kayo Ma'am. Pakiusap po wag niyo kong sisisantehin." sambit niya habang nakayuko.

Gulat na gulat ako sa binitawan niyang salita.

"Manong ano bang sinasabi mo diyan?" akmang lalapitan ko siya nang mas lalo siyang yumuko na tila ba ay umiiwas.

Kaya naman nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Nakita ko ang mga empleyadong nadaraanan ko na yumuyuko. Walang tumitingin sa 'kin at parang napapaso sa aking presensiya.

"Good day, Miss Bree." bati ng isa ngunit bigla rin siyang yumuko at umiwas ng tingin.

Nakita ko ang papasarang elevator kaya naman nagmadali ako lalo. Iniharang ko ang kamay ko rito kaya napigilan ko ang tuluyang pagsara nito.

Unti unting nagyukuan ang mga nakasakay roon nang makita ako. Akmang lalabas na sila ng elevator ng pigilan ko sila.

"Hep hep! Walang lalabas!"

Kita ko ang gulat sa kanilang mga itchura.

"Sasabay lang ako sa inyo. Wag niyo na lang akong pansinin." dire diretcho kong sabi at tuluyan na akong pumasok.

I noticed that they're all uncomfortable with my presence. Nakakainis talaga si England! Ano nanaman kayang ginawa niya?

Naalala ko noong nakaraang linggo na kinausap ako ni Ma'am Reyes.

"Miss Ramos, hindi mo na kailangan mag ayos sa library tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes."

Kinabahan pa ako dahil akala ko'y maaalis na ako sa pagiging isang student assistant nang malaman kong kinausap daw ni England ang admin ng school namin upang gawan ito ng paraan.

Tune of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon