Chapter 29

76 18 33
                                    

Dahan dahan akong nagdilat ng mata nang maramdaman ko ang paghinto ng sasakyan.

"Wake up, sleepyhead..."

I heard a cold husky voice. Naalimpungatan ako nang marealize kong nandito nga pala ako sa sasakyan kasama si England.

Shit, how do I look? Ang tagal ko yatang nakatulog...

"A-Anong oras na?"

"Uhmm... 6:05 in the morning.."

Kaagad akong napalingon sa labas ng sasakyan at nakita ko ang medyo madilim pa ngunit unti unting paglabas ng araw.

"Bakit hindi mo ko ginising? I told you to wake me up kapag nakatulog ako para hindi ka antukin..."

"I don't get sleepy whenever you're with me, Britain.."

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Palagi na lang siyang may palusot. Imbes na mainis ako ay kinikilig pa ako sa mga salita niya.

Kaagad kong kinuha ang maliit na salamin sa bag pack ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong sobrang gulo ng buhok ko...

Ang kapal ng mukha kong singhalan si England habang ganito ang itchura ko? Shit, I look like a mess.

Dahan dahan akong nag ayos ng sarili dahil ayokong mapansin niyang apektado ako. Paglingon ko sa kaniya ay kitang kita ko ang titig niya sa akin.

"A-Ano ba!! W-Wag mo nga akong tignan ng ganiyan!"

"Huh? Why?"

"Hindi pa ako tapos mag suklay, England! Kung hindi pa obvious ay mukha akong panget na bruha na bagong gising..." irap ko sa kaniya.

He chuckled. "When did you even get ugly, Britain? Hindi pa kita nakitang pangit..."

Tinignan ko siya ng masama.

"Nang aasar ka ba, ha?!"

Dinig ko ang marahan niyang pagtawa.

"No.. Nagsasabi ako ng totoo. You look gorgeous kahit pa malakas kang maghilik..."

Nanlaki ang mata ko saka ko siya bahagyang hinampas gamit ang suklay na hawak hawak ko..

"H-Hindi ako naghihilik no!!!" halos pasigaw kong banggit sa kaniya.

"How would you know that? Natutulog ka..."

Tinignan ko siya ng masama. Bakas sa tono niya ang pang aasar. Nakakainis talaga tong lalaking to...

"Oh, okay. Don't kill me with those looks, baby..."

Inunahan ko na siyang lumabas ng sasakyan. Paglabas ko'y ramdam ko na rin ang pagsunod niya. Napaikot ako ng tingin sa paligid.

Kita ko ang di kalakasang alon sa isang payapang dagat. I saw how it perfectly landed on the shore. Ang puting buhangin ay mas lalong namumuti habang unti unting nasisinagan ng papasikat na araw...

Nasaan ba kami?

Napaigtad ako nang maramdaman ko ang mga kamay ni England na pumapulot sa aking baywang mula sa likuran. Hindi ako nakagalaw. I think I would never get used to this....

"Welcome to Vigan, Baby..." bulong niya sa aking tainga.

I felt his lips touched my ears. Sobra akong kinilabutan dito ngunit hindi ako nagpahalata..

"E-England, ang ganda ng sunrise..."

"Yes... Ang ganda..."

I smiled. Nilingon ko siya at napansin kong hindi naman siya sa sunrise nakatingin kundi sa akin. With that thought, I blushed.

Tune of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon