What happened to me few months ago seems like a beautiful dream turned into the worst nightmare. Para bang nasa isa akong paraiso nang biglang may humila sa akin patungo sa impyerno. Para itong isang masamang bangungot na ayoko nang balikan.
"Anak, ito na ang baon mo. Pasensya ka na at kinuha ng bunso mong kapatid ang hita ng manok."
"Ayos lang, Mama. May pambili pa naman ako ng pandagdag ulam kung sakali."
"Paul... Pakihatid mo na nga si Bree sa sakayan."
Napangiti ako kay Mama sunod kay Paul. Madalas na pumarito sa amin si Paul at unti unti na rin siyang kinakausap ni Mama sa harapan namin. Alam ko naman na nag uusap na talaga sila noon pa. Pero siguro, ngayon lang sila mas naging komportable sa harap ko.
I guess it's just a matter of time.
Time...
No, Bree. Don't think about him.
Noong mga unang linggo ay hirap na hirap akong mag adjust sa lahat ng bagay.
Kada lingon ko ay naaalala ko Siya. Kada baling ko sa isang bagay ay biglang pumapasok na lang Siya sa isip ko.
Sobrang hirap. Sobrang sakit.
Pero naisip ko na swerte na lang din ako dahil nandiyan ang mga kaibigan kong palagi akong sinasamahan kapag wala silang ginagawa. Swerte ako na nandiyan si Mama at ang mga kapatid ko dahil noong mga unang linggo ay wala talaga akong ginawa kundi umiyak at magmukmok.
Buti na lang at mabilis natapos ang Sem Break noon. Sobrang nakatulong talaga ang pagiging busy ko sa eskwelahan para hindi na masiyadong mag isip at malungkot.
Little by little, I'm feeling okay.
"Bree... Alam ko forbidden magbanggit ng kahit anong konektado sa ex mo pero utang na loob Britain! Inis na inis na talaga ako sa Tyler na yan!" naghihisterya si Sofie nang maabutan ko siya sa corridor ng building namin.
I don't really know what exactly happened to the both of them dahil siguro alangan ding magkwento sa akin si Sofie because of my situation. Basta ang alam ko lang...
Tyler found out about Silver few weeks ago.
At simula nang malaman niya iyon ay para na siyang buntot ni Sofie sa lahat ng lugar. Sunod ng sunod na para bang kaunting segundo lang na hindi niya matanaw si Sofie ay manginginig na siya sa pag-aalala.
I don't know what's the real deal between them but I'm thinking about Spade too. Ang alam ko lang ay bumalik siya sa ibang bansa ilang araw bago malaman ni Tyler ang tungkol kay SIlver.
Akala ko nga ay malalaman kaagad ni Tyler ang tungkol kay Silver pero tumagal pa naman bago niya natuklasan ang lahat. Napaisip ako... Parang kailan lang nung nakita ko lang si Sofie at Silver sa grocery. Parang kailan lang nung gulat na gulat kami ni—
I sighed. Stop thinking about it, Bree.
"Saverina..." nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Tyler sa gilid namin.
"I told you not to call me that! Ano ba, Tyler umalis ka nga sa harapan ko!"
Napatawa ako ng kaunti sa nakikita ko. Ayan nanaman sila. Halos araw araw na lang ay ganiyan ang eksena ng dalawang iyan. Si Tyler, sunod ng sunod habang si Sofie naman ay iritang irita.
"May itatanong lang ako." marahang sambit ni Tyler.
"Ano?!" pagtataray ni Sofie.
"Ito lang ba ang mga kailangan ng... anak natin?" sabay pakita niya sa isang mahabang papel na punong puno ng mga nakasulat na items...
BINABASA MO ANG
Tune of Life
RomanceBritain likes music. Naniniwala kasi siyang ang buhay ay parang tono ng kanta. Minsan maganda, minsan pangit. Minsan tama, minsan mali. She believes that every negative thing in life has a good thing in equivalent. Tulad sa kanta, naniniwala siyang...