FALINI"Uhm.. let me explain.."
Nakatingin ako ngayon sa mga gulat na gulat kong mga pinsan sa kabilang linya. Hindi ko alam kung pano ipapaliwanag sakanila ang nakita nila.
Napakamot ako sa ulo dahil gusto kong mag salita pero hindi ko alam kung saan uumpisahan. Peste oh!
"Uhm ano.. kaibi—" naputol ang sasabihin ko ng nag simula na nga silang mag hysterical.
Napakagat ako salabi at napahilamos sa muka. Kitang kita ko kung pano sila nag si talunan at nag si hampasan dahil sa kilig. Mga nag sisigawan at nagpapadyak. Inaangkin ang lalaking nakita nila kanina.
"Shet ate!" Si Alleona na nakakapit sa braso ni teodoro.
"Ang gwapo te!" Sigaw ni rhina na nakatakip ang mga kamay sa bibig.
Hinahablot hablot naman ni charisse ang braso ni rodelyn."Ate pahiram naman ako!"
"Mahaba ba yon te?" Si Teodoro na nag eexpect ang muka. Mayamaya ay nagtakip ito ng bibig at tumili.
"Sarap ate? Patikim!" alleona teased.
Nagpapikit naman ako at napailing sa sinabi nila. Gusto kong mag salita pero nauunahan nila ako. Ang ingay ingay din nila sa kabilang linya. Mga lukaret!
"Ate! Grabe yung abs aah!" Si rodelyn na hinahablot din ang braso ni charisse.
"Hay nako te!" Idinipa ni teodoro ang kamay nya kaya tumama iyon sa mga kasama nya. Agad naman nilang pinalo si teodoro. "Akin nalang sya ate!"
"Ibigay mo yung cellphone sa masarap na nilalang na yon ate!" Si rhina na with action pa.
"Oo nga! Sya na ang gusto naming kausap! Lumayas ka sa harap namin ate!" Sigaw ni alleona. Sinang-ayunan naman ng lahat.
Natawa ako at nag panggap na galit na. "Aba bastos kayo ha! Itaob ko kaya kayo ha?"
"Boyfriend mo no?!" They said in chorus.
Umiling agad ako. "Hoy! Mga gaga! Kaibigan ko lang yon!" Pagdadahilan ko.
"Weh? Eh bakit may pahalik halik pa?" Sabi ni rodelyn na may pag aakusa ang tingin.
"Heh! Manahimik kayo! Kaibigan ko lang talaga yon!" I insisted.
I hissed. Tingnan mo tong mga to. Nakakita lang ng gwapo parang anytime susugod na dito sa London. Natawa naman ako napagtanto kong ganito din pala ang reaction ko ng una kong makita si zach.
"Ay bongga! Sabihin mo ate gusto ko rin makipag kaibigan!" Si alleona na pumapalakpak pa. Sinang ayunan naman nila ang sinabi nito at sarcastic na pumapalpak din.
"Saan bang parte ng London mo nakilala yon ate? Sabihin mo at makikipag kaibigan ko ora mismo!" Si charisse na naka emphasized pa ang word na kaibigan.
Hindi ko na mapigilan ang pag tawa ng malakas. "Ikalma nyo nga yang mga perlas nyo! Conservative tayo diba? Umayos kayo!" Biro ko.
"Ate sino bang magpapaka conservative kung ganyan ka sarap ate ha?Kitang kita ko yung sizzling abs te!" Si rhina na kala mo nag drawing ng abs sa ere. Napailing naman ako.
"Ateng! Tell me! Mahaba ba? Sya na yata ang itinadhana saakin!" Sabi ni tj. Napatigil naman ito sa pag pantasya ng pabiro syang sinabunutan ni alleona. Natawa kaming lahat sa dalawa.
"Baklang to! Nakita mong hinalikan na si ate Falini. Tanga tangahan? Magising ka nga sa katotohanan bakla!" Sigaw nito.
"Aray bakla ha!" Sigaw ni teodoro at tinapik ang kamay ni alleona. "Ang dilim mo kase kaya hindi ako magising gaga!" Sigaw nya kay alleona.
BINABASA MO ANG
Collided by Fate
RomanceFalini is just a simple girl with a simple life. She's got a lot of dreams and goals for her family. So, she decided to go abroad. She went to the city of london. Only to meet someone who she doesn't know would turn out to be her new dream. Zacharry...