CHAPTER 29

18 2 0
                                    



FALINI

We are now sitting in a bench underneath a tree. The weather is cold since malapit na mag September. But the coldness is tolerable unlike pag December na.

Maliwanag ang sikat ng araw pero malamig ang hangin. Maganda ang paligid dahil puro puno na nahuhulog narin ang mga dahon. The place is perfect for peaceful a conversation.

"Uhm.. ano po yung pag uusapan natin?" Nahihiya kong tanong.

I saw her look at me on my peripheral view. So i did the same. Our gazes met. Ngumiti nalang ako sakanya at iniwas din agad ang tingin dahil naiilang ako sakanya.

I flinched a little when she held my hand and squeezed it a bit. Napakagat ako ng labi sa kabang naramdaman.

"I know what you are thinking anak." She started. "Alam kong aalis ulit kayo ni Zatch at lalayo sa anak ko."

Gulat naman akong napa lingon sakanya. She just smiled softly and nodded. Nagtaka naman ako. Pano nya nalaman yung plano ko? Eh hindi ko pa nga sinasabi yon kahit kanino. Kahit sa mga pinsan ko.

"I heard you when we're inside the ambulance. I heard everything." She nodded.

Narinig nya ako non? Omygod nakakahiya. I gulped and looked away. Yumuko ako dahil sa kahihiyang naramdaman. But I gathered all my strength to speak up. Kailangan ko masabi ang dahilan ko.

I nodded. "Hindi naman po ako mag dedesisyon ng ganito kung hindi po nangyari yon sa anak ko."

"Masyadong magulo po kapag kasama namin si Zach. Gustuhin ko man na makasama din po ni Zatch ang daddy nya. Ayaw po ng sitwasyon." I scoffed and shrugged.

"Oo, masaya po ang anak ko. Sobrang sarap sa pakiramdam na makita syang masaya sa tabi ng daddy nya. He longed for his dad for years anyways. That's why the love and the presence of his father is foreign to him. And he loves it."

"Kaya ko pong pasayahin ang anak ko pero hindi ko kayang ibigay ang kasiyahan na si Zach lang ang makakapag bigay sakanya.

I smiled bitterly. "Pero kung ganito naman po ang kapalit. Kung buhay at kaligtasan naman po ni Zatch ang nakasalalay."

I shook my head. "Kahit kami nalang pong dalawa. Okay na po saakin kahit kulang kami. Hindi ko man sya mabigyan ng buong pamilya. Ang mahalaga. Ligtas sya at walang makakapanakit sakanya."

I met her gazes. "Kaya ko po syang protektahan. Alagaan.. at ibigay lahat ng kaya ko para hindi sya masaktan. Pero kung nasa tabi po namin si Zacharry. Hindi ko po alam kung habang buhay ba kaming ligtas."

"Nakakatakot dahil umpisa palang. Ilang araw palang kaming nagkasama ulit. Pero ito na ang nangyari." I sighed. "Okay lang sana na ako. Pero yung anak ko ang nag suffer sa kamay ng asawa ni Zach."

"Siguro warning nalang din po ito na dapat hindi namin ipag patuloy ang pagkakamali namin."

"Pamilyado na po si Zach eh. May anak. May asawa. Isang napakalaking pagkakamali po ng gustong mangyari ni Zach."

"Kaya ilalayo ko po ang anak ko sa gulo. Ilalayo ko po si Zatch sa kahit na sinong makakasakit sakanya." I ended.

Huminga ako ng malalim ng ilang beses at tumititig sa mga puno sa harap namin. Humangin ng malakas kaya naman nahulog ang mga dahon nito sa pwesto namin.

Hindi kami gumalaw ni mommy. Tahimik lang kaming naka upo at pinapakiramdaman ang isat isa. Hanggang sa nag salita na sya.

"My Zacharry is a very responsible man. Hindi marunong tumanggi iyan sa mga taong importante sakanya." She chuckled. "Napaka maloko din sa lahat bagay. Hindi marunong magpatalo. At kung ano ang gusto nya? He would find a way to get it. By hook or by crook."

Collided by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon