CHAPTER 26

7 1 0
                                    




FALINI

It's early in the morning and i found myself staring at my son who's sleeping on his father's chest. Zach on the other hand is sleeping peacefully with his hands on my son's back.

I smiled bitterly. I must admit it. I can make my son happy. I can provide him anything he wants. But not the love of a father.

I remembered how he cried last night because I'm pushing Zach to go home.

Zach was about to leave the house but my son didn't want him to. When i said that his father will go home already, he immediately cried.

"No.. daddy ko!" Umiiyak na sabi ni zach habang naka yakap sa leeg ng ama. Nakasubsob din ito at doon umiiyak.

I took a deep breath. And tried to get him on his father's arms. "Baby, halika na kay mommy. Uuwi na si daddy oh." Malambing kong sabi.

Umiling iling naman ito sa leeg ng ama at mas matunog na umiyak. "No, dont leave po daddy." He said between his sobs.

"Anak babalik din si daddy bukas." Alo ko sakanya.

Hindi ko alam ang gagawin. Gusto kong kunin sya pero ayaw nya. Mahigpit syang naka yakap kay Zach na parang ayaw nitong pakawalan.

Zatch cried harder. He then pushed his self up and cupped his father's face. "Iwan iwan mo ulit ako daddy?"

Napatitig naman ako sakanya. I felt my heart clenched that it hurts. Now I know kung bakit ayaw nyang pakawalan ang ama. Ang iniisip ni Zatch ay aalis na si Zach at matagal uling hindi mag papakita. Just like before.

Wala akong magawa. I cant afford his cries. Masyado akong malambot sa anak ko.

I glanced at Zach. Our gazes met. And base on what I'm seeing. It's like he is pleading me to just let him stay the night with his son. To let him sleep with us.

"Please?" He mouthed.

I sighed. Ano pa nga ba?

Kung papauwiin ko si Zach. Iiyak lang ng iiyak ang anak ko at hahanapin lang buong mag damag si zach.

Wala nang extra room dito sa bahay dahil lahat ay okupado na ng mga pinsan ko. Kaya no choice kundi mag tabi kaming tatlo na matulog.

Ayaw ko man, ayaw ko mang makasama sya sa ganong scenario. Kahit alam kong mali at hindi pwede. I'll be just self less. For my freedom.

Lumapit ako kay Zatch at hinagod ang likod nito. "Okay.. dito na matutulog si daddy mo." Bulong ko.

His face immediately lighten up. So as the man who's carrying him. "Really?!/ yeah?" Sabay nilang sabi.

Napairap nalang ako. Paepal kayo! Naiinggit ako ha! Kayo na magka muka! Kayo pa magka ugali?!

Tumango ako at ngumiti sakanila. "Lets go upstairs?"

Pagkarating sa kwarto ay hindi pa muna nahiga ang dalawa. Buhat buhat parin sya ni Zach at hinahagod hagod ang likod nito.

Isinasayaw sayaw din ng kaunti ni Zach ang anak namin. It's like Zatch is just a new born baby. Ang lambing ng bawat galaw ni Zach at ng way nya ng pag hele sa anak.

Sinubukan kong kunin ang anak ko. Pero nagigising si Zatch at agad na iiyak sabay kapit ng mahigpit sa daddy nya. Ramdam ko ding ayaw ni Zach na bumitiw sa anak.

I just let them that way. Hanggang sa pag tulog ay ganon ang posisyon nila. Hindi ko alam kung pano nangyari yon pero mukang komportable silang dalawa sa posisyon nila.

Napangiti nalang ako ng mapait at hinagod ang buhok ng anak ko na mahimbing ang tulog. Nagulat din ako ng pagkagising ko ay ganon parin ang posisyon nila.

Collided by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon