CHAPTER 21

3 0 0
                                    



FALINI

Nagising ako sa pagkakatulog ng may maramdamang dumagan sa tyan ko. Napangiti ako dahil alam ko na agad kung sino ito.

Niyakap nya ako ng ilang sandali bago ako pinupog ng halik sa muka. Natawa ako sa panlalambing nya.  Maya maya ay isunubsob nya ang muka saaking leeg upang amuyin ako doon.

"Good morning!" Boses ng lalaking mahal na mahal ko.

Ang lalaking naging dahilan ng kasiyahang nararamdaman ko. Ang lalaking may hawak ng puso ko ngayon. Ang lalaking naging dahilan ko para bumangon uli at mag sikap para saaming dalawa.

Napangiti ako at niyakap din sya. Hinagod hagod ko ang kanyang likod at natatawang nag salita. "Baby. Antok pa ako.. gusto ko pa matulog."

Naramdaman kong tinulak nya ang sarili na paupo. Iminulat ko ang mata ko para makita ang itsura nya.

A green pair of deep green eyes met my gaze.

He has proud and pointy nose. His lashes are long and his thick brows looks so good on him. It matches his white skin perfectly.

His reddish lips are pouting. He looks so breathtakingly handsome. Just like someone i know.

"Mommy!" Reklamo nya habang naka nguso.

He then smiled. I felt my heart skipped a beat. Bakit ba sa tuwing titignan ko sya ay nakikita ko sakanya ang lalaking bumuo at syang sumira din saakin?

"Zatch anak. Mommy is tired." Nakangiti kong sabi sakanya. "Nag work work si mommy kagabi right?"

Nakita ko namang nalungkot ang muka nya. He then caressed my face. Napapikit ako ng maramdamang dumampi ang maliit nyang kamay sa pisngi ko. Napaka lambing nya.

"You tired mommy? Kiss nanang kita po!"

Natawa ako dahil bulol pa ang iba nyang words. He kissed me on my temple. Napangiti naman ako sa ginawa nya at nangigigil syang niyakap.

My son is a three year old young boy. I gave birth to him on the month of September 12. I dont know pero I guess nabuo sya noong new years eve sa Philippines.

Hindi ko naman maiwasang mainis. Dahil kamukang kamuka nya ang daddy nya.

Sa mata, nakuha nya ang kulay ng mata ni zach. So as the nose, shape of his eyes, shape of his face. Pati ang labi at ang kapal ng mga pilik mata at kilay.

Ang tanging nakuha nya saakin ay ang hiwa sa aking baba. At ang kulay ko lang dahil maputi ang balat ng anak ko.

Alam kong namana nya din kay zach ang katangkaran na sobrang pinagpasalamat ko. Ang pangit naman kung magiging kasing liit ko ang anak ko diba?

Ang tangkad ni Zatch. At the age of three ay hanggang bewang ko na sya. Hindi ko nga lang alam kung matangkad ba sya o sadyang maliit lang talaga ako.

Ang unfair lang! Naiinis ako dahil ako ang nag dala sakanya ng ilang buwan. Ako din ang nag labas sakanya sa mundong to pero bakit hindi ako ang kamuka?! Lapastangan!

Four years ago ng malaman kong buntis ako. Doon ako nag simulang alagaan at mahalin ulit ang sarili ko.  Talaga namang sobrang alaga din ang naramdaman ko sa aking tita at kay mame.

They pampered me. Binigay nila lahat ng hinihiling ko noong buntis ako. Wala akong morning sickness which is pinag pasalamat ko ng sobra.

Pero grabe naman ang pag lilihi ko sa pagkain. Naalala ko pang inaaway ko sila kapag hindi ako naka kain ng strawberries at grapes. Ayaw ko rin ng ibang prutas sa lamesa.

Collided by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon