“Love kiss moko sa cheeks.” Saad ko na agad mo namang ginawa. “Sa lips din.”
Napangiti ako, kahit na ang daming taong nakatingin satin hindi ka nahihiyang halikan ang pisngi at labi ko.
“Tamis naman ng ngiti ng mahal ko.” Pagkasabi mo niyan ay niyakap mo ako ng mahigpit.
“Yan yung mga ngiting gusto kong nasisilayan pagkagising ko ng umaga eh.” Kinurot ko ang pisngi mo dahil sa sinabi mo.
“Soon love, sa iisang bahay na tayo titira. Ako na ang lagi mong makikita pagkagising mo. Lagi na kita paglulutuan ng paborito mong pagkain.” Nakangiting saad ko habang nakatitig sa mga mata mo.
Ilang araw na ang nakalipas magmula nang unang pagkikita naming dalawa. Ngayon lang ulit kami magkikita at parang wala pa siya sa timpla dahil kanina pa siya nakayuko.
Hanggang sa magumpisa siyang magsalita na sana ay nanatili nalang siyang tahimik.
“Bakit ba siya gusto mo?”
“Parehas kayong babae ah?”
“Hindi naman kayo magkakatuluyan niyan eh.”
“Masasaktan lang kayo parehas!”
“Kasalanan ang magmahal ng kaparehas na kasarian.”
“Sino nagsabi sayo non love?” agad kong tanong ng makita ko siyang lumuluha sa harap ko.
Umiling naman siya. Hinila ko ang kamay niya at hinalikan ang likod ng kaniyang mga palad.
“Sobrang nahihiya na ako love. Parang ayoko ng iharap pagmumukha ko sakanila.” Saad mo na nagbigay ng lungkot sakin.
“Huwag mong pansinin ang sinasabi ng iba Elle. We have our own world. Mahal na mahal kita elle, bagay na hindi kayang ipakita o ibigay ng mga taong nagsasabi niyan. Dito tayo masaya, ito ang gusto ng mga puso natin. Hindi natin kayang pigilan ‘tong nararamdaman natin love. Huwag kang magpapapapekto love, please lang.”
“Feeling ko tama naman sila eh. Hindi naman tayo magkakatuluyan at masasaktan lang tayo sa ginagawa natin. Wala naman talagang itinadhana ang diyos ng parehas na kasarian ang magkakatuluyan.” Saad mo.
“Love, ano ba ‘yang sinasabi mo? Naririnig mo ba yan? Sabi ko naman sayo wag ka magpapaapekto sa sinasabi nila eh.”
“Na realize ko lang kasi ngayon ang lahat eyang. Ayoko na.” niyakap kita ng mahigpit. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko.
“Love please naman oh, magkasabay nating harapin to. Challenge lang ‘to satin ni God.” Pagmamakaawa ko.
“Tama na eyang!” asik mo habang itinutulak ako habang yakap ka.
“Ayoko love please! Marami pa tayong pangarap sa isa’t isa. Elle please, I love you so much. Kulang ang buhay ko kapag wala ka!.”
“Eyang nabuhay ka ng wala ako. All you just need to do is accept this. Tama na, stop being Bi at ‘yang pagkagusto mo sa babae dahil hindi mo mahahanap ang totoong magmamahal sayo.” Saad mo para bitawan kita.
“This is too much elle. Eto ako at dito ako masaya, loving you is the greatest part of my life. Pero bakit ganito? Bakit kailangan nating umabot sa ganto? We love each other diba? Marami pa tayong pangarap na magkasama.” Saad ko.
Wala akong pakialam kung basang basa na ang mga pisngi ko dahil sa mga luhang patuloy na pumapatak.
“Tama na eyang. Huwag mong pahirapan yung sarili mo. Learn to let go, hindi sa lahat ng oras kailangan mong mag stay. Ayoko na sayo at hindi na kita mahal, salamat sa lahat at sorry.” Huling sambit mo at iniwan ako sa lugar kung saan maraming nakatingin satin.
Sa gitna ng parkeng ‘to ay iniwan mo akong mag isa. Kung saan tayo unang nagkakilala ay doon din tayo nagtapos.
Sa parke kung sa hindi mo ako ikinahiya, sa lugar kung saan buong puso nating pinagmalaki ang pagmamahalan natin.
Hindi ko alam kung bakit, maayos naman tayo at masaya ngunit bakit nga ba tayo umabot sa ganito? Bakit kailangang umabot pa sa hiwalayan? Hindi na ba pwedeng pag usapan?
Ni hindi pumasok sa isipan ko na mayroon ka ng iba pero bakit?
Bakit nakikita kita ngayon mismo na hawak hawak ang kamay ng isang lalaki habang papalayo saakin.
Habang nawawala kayong dalawa sa paningin ko ay bumuhos ang malakas na ulan.
Napaluhod ako at dinamdam ang bawat patak na dumadampi sa mga balat ko.
Bawat patak ay naiisip ko ang pagmamahal ko sayo, hindi mabilang at napakabilis. Ngunit kapag nasobrahan ay maaring makapinsala at sobra kang saktan.
YOU ARE READING
ONE SHOT HISTORIARIUM
RandomPeople tend to look into their selves outside the box. Are you willing to witness someone's story in this compilation? You will see how they manage to work with their own problems. So why don't you start reading it?