Exhausted

54 1 0
                                    

“Para ka nanamang nakigera sa kuryente jan sa buhok mo.” Ani ng kaklase ko pagkapasok ko ng room. “Hoy! Mag-ayos ka ng sarili mo.” Pahabol na sigaw pa nito ng hindi ko siya pansinin.

“Ayan, okay na?” saad ko at naiinis na inayos ang buhok ko at ang magulo kong damit. Wala pa akong tulog dahil sa kakaisip sa kung ano ano.

“Ano bang nangyayari sayo? Napakalalim na ng eyebags mo oh.” Saad pa nito. Ano nga bang nangyayari sakin? Hindi ko rin alam eh. Nasaang mundo na ba ako? Tama pa ba ‘tong mundong ginagalawan ko?

“Alam mo, pwede mo naman kaming pagsabihan ng problema mo eh.” Napabuntong hinga ako sa sinaad niya.

“Sa totoo lang, hindi ko rin alam.” Mahinang saad ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

“Tungkol ba sakanya?” tanong ng kaibigan ko. Nagkibit balikat ako “Pre, kung tungkol ‘yan sakanya. Mag move-on ka na!”

“Pre paano mag momove-on kung sobrang saya namin dati? Kung sa lahat ng bagay naalala ko siya? Paano?” saad ko habang nakatingin sakanila ang mga mata kong paluha nanaman.

…..

Mahal!” tawag sakin ni Zephanie pagkadating ko sa bahay nila. Ngumuso ito at niyakap ako ng mahigpit.

“I miss you po!” saad pa nito habang nakasubsob sa dibdib ko. Napangiti ako at hinalikan ang ulo niya.

“I miss you too bano!” saad ko at hinalikan ang noo niya. “Nasan sila tita?” tanong ko.

“Nasa kusina, nagluluto. Sinabi ko kasing pupunta ka ngayon at dito ka matutulog.” Pagkasabi mo non ay agad akong pumunta sa kusina para puntahan sila tita.

“Hello po tita! I miss you po!” saad ko at niyakap siya. “Buti naman at nandito ka na, hindi mapakali yan si Zephanie kakahintay sayo.” Natatawang sabi niya habang nakatingin kay Zeph na nakayakap ngayon sa beywang ko.

“Sige po tita, magpapalit lang po muna ako.” Paalam ko at dumiretso na sa kwarto ng kuya ni Zeph. Pagkatapos kong magbihis ay nagpunta na ako sa sala kung saan naghihintay si Zeph.

“Kamusta mahal? Ilang araw din tayong hindi nagkita ah.” Nakangiting saad ko habang nakatitig sa maamo niyang mukha.

“Okay lang mahal, miss na miss na kita uwuuuunatawa naman ako dahil sa pag uwu niya. “Tinatawanan mo nanaman ako!” pagmamaktol nito. Niyakap ko nalang siya ng mahigpit at hinalikan ang kaniyang mga pisngi.

Pinag-usapan lang namin ang mga nangyari saamin habang hindi kami magkasama. Sinama rin niya sa mga kwento niya ‘yong mga admirer kuno niya na binasted niya.

Halika kain na tayo. Zephanie tawagin mo na kuya mo.” Dumiretso nako sa kusina at tinulungan si tita na maghain ng pagkain.

“Sorry po tita, hindi ko po kayo natulungan sa pagluluto ah? Hindi po kasi ako marunong eh haha.” Sabi ko kay tita habang inaayos ang mga plato.

“Nako iho! Ayos lang ‘yon, alam ko naman na inaalagaan mo ng mabuti ang anak ko.” Nakangiting saad pa nito.

“Opo naman tita, aalagaan ko po ng mabuti si Zephanie.” Saad ko.

Siguraduhin mo ‘yan Rei ha.” Sabi ni tito na kakarating lang. Lumapit naman ako sakanya at nagmano. “Hello po tito.” Tinanguan ako nito at hinaplos ang ulo ko. “Tara na magsikain na.” saad nito at naupo na.

Habang kumakain ay nakangiti lang ako. Can’t wait to see my family and Zephanie’s family eating together. Ilang araw nalang magkikita kita narin sila. Uuwi na sila Mama at Papa galing US.

Puno ng tawanan lang pagkain naming lahat, sa loob ng 3 taon at 6 na buwan na pagsasama namin ni Zephanie ay kilalang kilala ko na ang pamilya niya. Gano’n din naman sila saakin, sobrang lapit na ng loob ko sakanila. Pero hindi pa nila namemeet ang parents ko dahil hindi sila pwedeng umuwi dahil sa business nila.

“Mahal goodnight I love you.” Saad ko pagkatapos namin magdasal.

“Goodnight po.”

…..

“Tuwing gabi, bago matulog lagi ko siyang naalala. Kahit sa pagdadasal ko, lagi siyang pumapasok sa isip ko. Lagi ko siyang pinagdadasal gabi gabi na sana maulit yung mga gabing sabay kaming nagdadasal bago matulog. Tapos pagkagising sana ngiti niya yung makikita ko. Sana.” Saad ko sa harap ng mga kaibigan ko.

“Nobody wanta' see us together, But it don't matter, no.” Napatingin ako sa labas ng marinig ko ang kantang ‘yon galing sa isang estudyante.

…..

“Mahal dalawa tayo!” saad ni Zephanie habang inaabot saakin ang isang mic. Nandito kami ngayon sa videoke hub, gustong gusto niya pumunta dito lalo na pagkatapos ng exam.

Nagsimula na siyang kumanta habang ako ay nakikinig lang sakanya at tinititigan siya.

“Nobody wanta' see us together
But it don't matter, no ('cause I got you babe)
Nobody wanta' see us together
But it don't matter, no ('cause I got you babe)” nakangiti siya saakin habang kinakanta ang lyrics na yan. Kaya’t parang may kung anong naglalaro sa tiyan ko.

“Cause we gonna fight, oh yes, we gonna fight (we gonna fight)
Believe we gonna fight (we gonna fight)
Fight for our right to love, yeah (right to love, yeah)
Nobody wants to see us together
But it don't matter, no ('cause I got you)”

Sabay kaming kumanta habang nakangiti sa isa’t isa.

…..

“Yung kanta na ‘yon ang nagsilbing theme song namin. Parehas naming gusto ‘yon simula maging kami.” Saad ko.

“HOY! SINO BA ‘YANG DUMAAN NA ‘YAN HA! SA SUSUNOD WAG KA NA DADAAN DITO SA ROOM!” sigaw ng kaibigan ko sa labas. Napailing nalang ako at tumingin sa kawalan.

“Pero pre, umayos ka na. Ayusin mo na sarili mo. Para sayo, para sa pamilya mo at sa mga taong nagmamahal sayo. Bumangon ka ulit, buoin mo ulit sarili mo. Huwag mo hayaan na masira ka dahil lang jan sa problema na ‘yan.” Saad ng kaibigan kong babae at tinapik ang balikat ko. Iniwan nila akong lahat sa upuan ko at hinayaan akong mag isip.

Tama nga naman sila, huwag ko hahayaan sarili ko na masira dahil lang sa problemang ‘to. Sobrang nagbago na’ko. Napabayaan ko na sarili ko, hinayaan ako na lamunin ng mga bisyo na hindi ko naman ginagawa dati. Sobrang pagod na pagod na ‘ko sa nangyayari sakin.

Gusto kong bumangon ulit pero hindi ko alam kung paano magsisimula, kung saan ba ako mag uumpisa.

Message received.

From : Mahal kong Zephy

Please take care of your health.

8:23AM

Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot sa nabasa ko. After 3 months, ngayon lang ulit siya nagtext saakin.

Binasa ko ulit ang message niya at napaluha. “Pagod nako.” Mahinang saad ko bago magdilim ang paningin ko.

“REI!”

ONE SHOT HISTORIARIUMWhere stories live. Discover now