Maling Akala

32 1 0
                                    

“Teph, san ba tayo pupunta?” tanong ko sa babaitang kasama ko ngayon.

“Pwede ba Rei? Manahimik ka na muna.” Galit na saad nito kaya’t napanguso ako.

Patuloy lang kami sa paglakad hanggang sa makarating kami sa park. Nagtatakha naman akong tumingin sa paligid, anong gagawin namin dito, walang ka tao-tao?

Tahimik lang ako at hinihintay ang mga gagawin ni Teph. Nilabas niya ang phone niya at may tinawagan.

“Hello?...Oo, kararating ko lang din…Sige, hintayin nalang kita dito.” Saad nito sa kausap niya. Napakunot naman ang noo ko, sino nanaman yon?

“Rei, pwede ba hintayin mo muna ako dun sa shop? May imemeet lang ako, puntahan nalang kita don after.” Tumango nalang ako at umalis na.

Nakaupo lang ako dito sa shop at nakatanaw kay Teph na nakangiting sinasalubong ang lalaking papunta sakanya.

“Sino yon?” mahinang bulong ko sabay sipsip sa iniinom kong milktea. Muntik ko nang maibuga ang nasa bibig ko ng makita ko silang nagyakapan. “Tangina?”

Nakakunot lang ang noo ko habang pinapanood silang dalawa, ang sweet tangina. Gusto ko silang lapitan pero wala akong magawa kundi maghintay dito.

Nang mapansin kong babalik na siya ay lumabas na ako at nagtago, tinext ko agad siya.

‘Sorry Teph, nauna na ako. May emergency sa bahay.’

Pagkasend ko ay, pinanood ko lang siyang basahin ang message. Nakangiti lang siya habang nakatingin sa phone atsaka bumalik sa park. Sumakay siya sa isang sasakyan na sa palagay ko ay pag-aari ng kasama niya kanina.

Napangiti ako ng mapait at dumiretso ng bahay. Di ko alam kung ano ang nangyari sakin, nasaktan ako?

-

“Rei! May sasabihin ako!” masayang saad ni Teph pagkaupo ko palang ng upuan ko, agad kong nilagay ang earphones ko kahit na walang music. “Ay? Galit?” rinig kong saad nito.

Hindi ko nalang siya pinansin at yumuko sa mesa ko. Nang breaktime na ay dumiretso agad ako sa canteen at mabilis na bumili ng makakain ko at inubos yon sa garden.

Habang kumakain ay napansin kong papunta din dito si Teph at ang kasama niya kahapon. Nag transfer pa talaga dito ‘tong lalaki na ‘to. Agad akong nagtago sa likod ng puno at pinakinggan ang kanilang pag-uusap.

“Ah, siya yung bestfriend mo?” rinig kong saad ng lalaki.

“Oo, bestfriend ko siya since first year. Hanggang ngayon na gagraduate na kami.” Saad naman ni Teph

“Edi ang tagal niyo nang magkaibigan.”

“Yes, kaso ngayon feeling ko galit siya sakin for unknown reason.”

“Hayaan mo na, nandito naman ako eh.”

Biglang nag-init ang ulo ko sa narinig ko kaya’t nag earphones nalang ako upang hindi ko marinig ang usapan nila at natulog. Hindi na ako pumasok sa klase kaya’t ‘di na ako nagtaka ng makita ko ang napakaraming text messages ni Teph.

‘Rei, subject na. nasan ka na?’
‘Late ka na, nasan ka na ba kasi?’
‘Pumasok ka na’
‘Nandito na si sir’

Umiling nalang ako at nag-ayos ng sarili. Habang naglalakad ako pauwi ay nakita ko ang sasakyan na pag-aari ng lalaki. Di ako nagkamali ng makita ko si Teph na masayang nakasakay at pumapalakpak pa sa tuwa.

“Pssh, edi ikaw na masaya jan sa lalaking ‘yan.” Inis na saad ko.

-

“Rei, congrats nga pala. Tiyaka kung ano man nagawa ko sa’yo, sana mapatawad mo pa ko. Sobrang miss na kita.” Saad ni Teph sa harap ko.

Araw ng graduation naming ngayon, makalipas ang 6 na buwan ngayon lang ulit niya ako nakausap.

“Congrats din, sige una na ako.” Saad ko at tumalikod na.

“Rei, kausapin mo naman na ulit ako. Please lang, di ko na kayang tiisin yung hindi natin pagpapansinan.” Saad nito, alam kong naluluha na siya dail ramdam ko sa boses niya.

“6PM mamaya sa Park.” Saad ko ng hindi lumilingon at umalis.

-

“Alam kong matagal nang tapos ang pagkakaibigan natin, pero ngayon mas kaklaruhin ko lang. Ayoko nang maging kaibigan ka, tapos na kung ano man ang meron satin. Hindi ko na babawiin ‘tong sinabi ko, hindi na ulit tayo magiging magkaibigan.” Saad ko kay Teph na katabi ko ngayon.

“Bakit naman ganon Rei? Hindi ko nga alam yung dahilan kung bakit bigla nalang tayong nagkaganito.”

“Mas masaya ka na kasi sa bago mong bestfriend or I should say your boyfriend?.” Napapikit ako ng maramdaman kong dumampi ng malakas ang palad niya sa pisngi ko. Sinampal niya’ko.

“How could you Rei?! Ganyan na ba tingin mo sakin? FYI! He’s not my boyfriend. He’s my childhood friend. Wala siyang kaibigan dito kaya ako lang ang lagi iyang nakakasama.” galit na saad nito.

“Nung time na nasa Park tayo? Ikaw agad ang kinuwento ko sakanya. Gusto sana kitang isurprise sakanya kaso nga, umuwi ka kasi something happen sa bahay niyo.”

“Nag transfer siya sa school, kasi dito na rin siya titira. Alam mo bang dapat kaklase rin natin siya? Kaso, sabi niya ayaw niya kasi baka siya pa ang maging dahilan ng pag-aaway nating dalawa, Baka daw isipin mo na masasapawan ka niya ng oras sakin.”

“Buong pagsasama namin ikaw lang ang lagi kong binabanggit sakanya. Ikaw lang lagi, naaalala ko pa nung time na first time kong maihatid sa sasakyan niya. Alam mo ba sabi ko skanya, pangarap din nating umuwi ng nakasakay sa kotse. Kaso hindi natin magawa kasi nga, hindi kaya ng pera natin at hanggang motor mo lang tayo. Tawang tawa pa ako nung kinukwento ko yon kasi sinabi ko rin sakanya yung maraming beses na tayong hinabol ng aso.”

“Hindi mo ako pinansin simula nung araw na ‘yon Rei. Lagi niyang sinasabi na nanjan lang siya. Pero alam moba kung ano yung sinasabi ko sakanya? Sabi ko, alam ko naman na nanjan siya pero iba pa rin kapag ikaw na ang kasama ko.”

“Rei, tangina naman eh. I know hindi tama ‘tong nararamdaman ko, pero mahal na kasi kita eh. No, hindi lang mahal, mahal na mahal kita hindi lang bilang bestfriend mo. I love you as a man.” Mahabang saad niya at humahulgol na sa iyak.

Parang binibiyak ang puso ko sa mga narinig ko. Para akong tinakasan ng bait, napakasama ko. Ang sama sama ko, dahil lang sa maling akala nangyari ang lahat nang ‘to. Sinira ko ang lahat.

Hindi ko na rin napigilang umiyak at yakapin ng mahigpit si Teph.

“Sorry for the pain that I gave. Sorry kung hindi nalang kita pinansin bigla bigla, sorry kung mas inuna ko pa yung selos kaysa kausapin ka. Sorry kung hinayaan ko na masira nalang ang pagkakaibigan natin. Sorry sa lahat ng nagawa ko, sana mapatawad mo pa ako.” Umiiyak na saad ko.

“Hindi ko na talaga babawiin yung sinabi kong hindi na tayo ulit magiging magkaibigan, kasi from now on. Sakin ka na, and you can’t do anything about it. I love you too Teph, sobrang mahal din kita kaya gano’n nalang ang epekto sakin ng pagsama mo sa kaibigan mong ‘yon. Sorry, sorry talaga. I promise that I’ll be the best man for you.” Saad ko at dinampian ng halik ang kaniyang noo.

Pinaharap ko siya saakin at nginitian, pinunasan ko ang kaniyang mga luha at hinalikan ang kaniyang pisngi.

“Am I forgiven?” tanong ko.

“hmm, n-no.” saad nito habang nagpipigil ng iyak. Napatawa naman ako dahil ang cute niya, sh*t namiss ko ‘to ng sobra.

“I love you Teph.”

“I love you too Rei.”

ONE SHOT HISTORIARIUMWhere stories live. Discover now