Ballpen

129 1 0
                                    

REI's POV

“Gosh! Bakit puro major ang itetake nating exam ngayon?” tanong sakin ni Xhia.

“Aba! Malay ko! Ako ba nagset ng sched?” asik ko. Napairap nalang siya at tinuloy ang paglakad.

“Hoy! Sandali nga! Kanina ka pa lakad ng lakad! San ka ba talaga pupunta ha?” Nagtatakang tanong ko. Kanina pa kami lakad ng lakad, naikot na namin buong school hindi parin siya humihinto.

“Hindi ko rin alam.” Saad niya at huminto na sa paglalakad. Nakng tinapa ‘tong babaeng to. Lakad ng lakad hindi naman alam kung saan pupunta.

“Alam mo? Magreview nalang tayo.” Saad ko at nagsimula ng maglakad pabalik ng room. Sumunod narin siya dahil wala na siyang magagawa. Woah! Kinakabahan na ako.

“Aray!” Inda ni Xhia ng tumama siya sa likod ko pagkahinto ko. “Ano ba yan Rei?! Bakit ka ba huminto, ha?” Naiinis na tanong nito.

“Kain muna pala tayo, 3:00 pa naman next class natin diba?” tanong ko. Tumango naman siya, kaya’t inakbayan ko siya at inakay papuntang canteen.

Tumambay muna kami sa loob habang kumakain. “Xhia, pa’no kung ligawan kita?” tanong ko.

“Ikaw? Liligawan ako? Duh!” saad niya at umirap. Psh.

“Ni hindi ka pa nga nakakamove-on sa ex mo tapos liligawan mo’ko? Ano? May balak kang gawin akong rebound?” saad niya.

“Syempre---“ di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong batukan.

“Anong syempre ha?” asik nito at sinamaan ako ng tingin.

“Hindi pa kasi tapos magsalita eh!” giit ko at ngumuso. Tinitigan niya nalang ako na nagsasabing ituloy ko ang sasabihin ko. Tsk.

“Syempre hindi kita liligawan!” nakasimangot na saad ko. Napansin ko naman na biglang nag-iba ang timpla ng mukha niya, uminom siya ng milktea at tinignan ulit ako.

“Buti naman kung ganon.” Saad niya at tumingin sa kaniyang relo. Wala akong ibang ginawa kundi titigan sya. Siguro napaka swerte ko kung magiging girlfriend ko ‘tong babae na ‘to. We’ve been friends since grade 9, at ngayon grade 12 na kami at malapit na grumaduate.

“Naalala mo no’ng grade 9 tayo?” tanong ko. Napaisip naman siya saglit, kinalimutan na haha.

“Yung nawala yung ballpen mo during exam tapos sinabi mo kinuha ko.”

“Ahh! Naalala ko na! Every exam kaya laging nawawala ballpen ko! Since Grade 9 na naging kaklase kita.” reklamo nito.

“Ikaw lang naman madalas na katabi ko, kaya ikaw lang kukuha non!” dagdag pa nito. Ngumisi nalang ako at nagkibit balikat.

“San na kaya napunta mga ballpen mo no? Haha!” saad ko at kumagat sa kinakain kong burger.

“Ballpen lang naman yon. Wala ka na bang ibang naalala?” tanong ko pa.

“Nag-away pa tayo no’ng araw na ‘yon. Tapos hindi tayo nagpansinan ng ilang linggo” saad nito.

“Nako! Haha bahala ka nga, mag 3 na balik na tayo sa room.” Saad ko.

Pabalik palang kami sa building namin ay kitang kita ko na agad ang mga nagkukumplan na estudyante sa harap ng room namin.

“Hala rei! Anong meron?” tanong mo pero hindi kita sinagot. Hinawakan ko ang mga kamay mo at hinila ka papuntang room.

Pagkapasok natin ay agad kang napaluha dahil sa mga nakita mo. Sa sahig ay may nakasulat na ‘Will you be my gf’ gamit ang mga ballpen. Ngumiti naman ako sayo na nagsasabing ‘yes that’s all your pen’.

Hawak ng dalawa mong kamay ang iyong bibig ay nagpunta ka sa korteng puso na gamit din sa ballpen. Tinakpan ko ang mga mata mo gamit ang panyo ko. “Trust me Xhia.” Bulong ko sa’yo.

Sa oras na iyon ay nagsipasukan ang lahat ng kaklase natin. Lahat sila ay may dalang mga rosas na may notes na nakasabit. Isa isa nila itong inabot kay Xhia na walang ginawa kundi tanggapin itong lahat. Hinawi ko rin ang kurtina na tumatakip sa blackboard at kita na ngayon dito ang mga salitang

‘Please give me a chance Xhia –Cliff’. Pinaharap ko si Xhia ngayon sa board kung nasaan si Cliff na may dalang boquet, chocolates at life size bear.

Pagtanggal ko sa panyong nakatakip sa mga mata mo ay napangiti ako. Makikita ang saya sa’yong mga mukha, hindi maitatanggi na nagustuhan mo ang inihandang sorpresa ni Cliff sayo. Si Cliff na lagi nating kasama simula ng grade 9 tayo. Si Cliff na hinangaan ka, kaya’t wala akong nagawa kundi itago ang nararamdaman ko.

Gustuhin ko man na mapasakin ka ngunit pumaibabaw sakin ang kagustuhan ni Cliff na mapasakanya ka. Lahat ng ballpen na nakolekta ko ay kusang loob kong binigay kay Cliff. Ako rin nag-isip ng ideya na’to. Maliban nalang sa mga regalong galing kay Cliff. Napatingin ako sainyong dalawa.

“Will you be my girlfriend Xhia?” tanong ni Cliff sa’yo.

“C-cliff sorry..” saad mo na siyang ikinagulat ko. Would you say no? Please say yes. Pinaghirapan ni Cliff yan, drum na lakas ng loob ang kinuha niya magawa lang yan. Naguguluhan akong napatingin sayo. Tumingin ka sa’kin at tinitigan ang mga mata ko, si Cliff ay hindi alam ang gagawin na malungkot ngayon.

“B-but I love Rei…”

Sh*t! Wala akong masabi, pabalik balik lang ang tingin ko sayo at kay Cliff. Pero huli na ang lahat dahil lumabas na ng classroom si Cliff. Binalibag ang mga hawak niya sa gilid ng room. Balak ko sana siyang sundan ngunit niyakap ako ng mahigpit ni Xhia.

“Xhia, ano ba ‘to? Nag effort si Cliff.” Saad ko.

“I know, pero hindi siya ang gusto ko. Ikaw.” Saad mo at hinalikan ang mga labi ko. Hindi ako makagalaw, parang nabato ako. Tama ba ‘to? Mahal kita pero, mahal ka rin ni Cliff.

Parehas mo kaming kaibigan na napamahal sa’yo. Pero sa tingin ko ay magiging selfish ako ngayon, niyakap kita ng mahigpit at lumaban sa mga halik mo. Narinig ko ang sigawan ng kilig sa loob at labas ng room. Kahit na ang iba ay hindi gusto ang nangyari dahil hindi naman ako ang nanliligaw kundi si Cliff.

Pero ngayon ay masaya na ako dahil saakin na ang babaeng minamahal ko at mamahalin pa.

Ang mga halik na to ay nagpapaalala saakin 3 years ago, grade 9 tayo kung kailan habang nagtatalo tayo dahil sa nawawala mong ballpen ay hinalikan ko ang 'yong mga labi. Simula nang araw na 'yon ay ang labi mo lang gusto kong mahalikan.

“I love you Xhia.”

“I love you too Rei.”

ONE SHOT HISTORIARIUMWhere stories live. Discover now