“Dude, sobrang dami na ng problemang dumadating. Parang hindi ko na kayang ihandle lahat.” Saad ko sa kaibigan ko habang nakatingin kung saan.
“Laban lang dude, malalagpasan mo rin ‘yan. Just trust God, magiging okay ka din. Not now but soon.” Anito habang tinatapik ang balikat ko.
Sobrang gulo na ng isip ko, sabay sabay ang problemang dumadating sakin. Family, peers, relationship, and my groups. Feeling ko sobrang gulo na ng buhay ko at gusto ko nalang magpahinga at samahan si God sa taas.
“Sir, I’m sorry to say but I’m going to leave our dance troupe.” Hindi nako nagdalawang isip at nagpaalam na sa choreo namin. Nung una ay ayaw niya akong payagan dahil malaki din ang ambag ko sa grupo. But in the end, wala rin siyang nagawa because it’s my decision.
“Sir, I’m sorry to say but I’m going to leave our band.” Nang matapos sa dance troupe ay umalis rin ako sa banda ko. Mabigat man sa loob ko na umalis sa mga grupong to lalo na’t may contest pa next week at kailangan na kailangan ako. Sobrang laking adjustment ang gagawin nila, sobrang magiging selfish ako. I’m giving up my passion for unknown reason. Sa sobrang gulo ng isip ko, hindi na ako nakakapag-isip ng tama.
“Dude, seryoso ka ba do’n? Sobrang mahal mo yung mga ‘yon tapos ganon nalang kadali sayo mag quit? Umalis?” saad ng kaibigan ko. Tumango nalang ako at dumiretso kami sa church. Kailangan na kailangan ko maglabas ng nararamdam kay God. Alam kong siya lang nakakaintindi saakin.
Pagkadating sa simbahan ay agad akong nagdasal. “Lord God, sobrang nahihirapan na po ako. You can take my life Lord God. Gusto ko na po kayong samahan.” Saad ako sa panalangin ko. I don’t know why but I’m wishing to die. So weird, hindi ko alam sobrang lungkot ng buhay ko at feeling ko wala ng reason para bumangon ulit.
“Dude, mauuna na ako ah? Huwag kang gagawa ng kung ano-ano ah? Magkikita pa tayo bukas. Ingat ka.” Paalam sakin ng kaibigan ko.
Dumiretso nalang ako sa bahay, as usual mag-isa ako. Wala akong kasama since nasa province silang lahat. May nag papaaral saakin kaya I need to live here. Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ko ay nahiga na ako sa higaan ko.
Habang mahimbing ang tulog ko ay may naririnig akong kung anong maingay sa labas. Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang mga lalaking nakabalot ng kulay itim na saplot sa mukha. May dala silang malalaking baril, at parang may hinahanap na kung ano sa kapitbahay namin.
“What the fuck?” mahinang bulalas ko. Sinampal ko ang sarili ko umaasa na panaginip lang to, but no. Sinilip ko ulit ang labas, at ganon parin. Nandoon parin ang mga lalaking ‘yon. Tinry kong hanapin ang cellphone ko sa kwarto ko pero hindi ko mahanap. Nasan na? Fuck! I need it now!
Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil baka marinig ako ng kung sino sa labas. One wrong move I’m sure I will be dead. Pero eto naman ang gusto ko diba? Ang mamatay ako? Siguro ‘eto na yung hinihiling ko kay God. Siguro tinupad na niya yung hiling ko.
Sa pag atras ko ay natamaan ko ang base sa lamesa dahilan para mabasag ito. Nanlaki ang mata ko ng biglang may sumigaw sa labas “FIRE!” kasunod non ay ang pagsabog na naging dahilan para tumalsik ako kasama ang mga bahagi ng bahay.
Sa oras na ‘yon ay parang nag flashback sa isip ko ang mga masasayang alaala ko sa pamilya, kaibigan at iba pang kakilala. Ito na nga siguro ang katapusan ng buhay ko. Siguro ditto na ‘to magtatapos.
Nadatnan ko nalang ang sarili ko na nakabulagta sa sahig at duguan, dahan dahang pumasok ang mga lalaki kanina sa bahay ko ngayong wasak na. Lumapit sila sa bangkay ko at tinignan kung buhay pa ako. I tried to touch them pero wala, I can’t. I’m dead now, wish granted.
YOU ARE READING
ONE SHOT HISTORIARIUM
DiversosPeople tend to look into their selves outside the box. Are you willing to witness someone's story in this compilation? You will see how they manage to work with their own problems. So why don't you start reading it?