Hays grabe bakit ba gan’to ang nangyayari samin ngayon. Last week sobrang saya pa naming magkakaklase, pero ngayon para na kaming mga zombie na nakikinig sa professor namin.
Halos lahat kami hindi pinatulog ng mga school projects na pinagsabay sabay ng lahat. Ang mas masakit pa non ay mayroon lang kaming 2-3 days para gawin ang mga papers na ‘yon.
“TE!” muntik na akong malalag sa inuupuan ko ng sigawan ako ng kaklase ko. “Lutang na lutang grabe!” saad nito. Umiling nalang ako at tumingin nalang ulit sa harap. Napakabagal talaga ng oras kapag naghihintay ka.
Pagkatapos ng klase ay umuwi agad ako sa bahay, wala naman kaming homework ngayon kaya itutuloy ko nalang mga projects ko. Habang nagreresearch ay napunta ako sa youtube.
Tutal nandito narin naman na ako at kailangan mo munang ipahinga ng sandali ang utak ko, sinearch ko ang youtube channel ng boyfriend ko. Yes, he is youtuber hindi naman ganon kalakihan ang subscribers at viewers niya pero ang ganda ng mga vlogs niya.
Nakangiti lang ako habang nanonood sa mga vlogs niya, kahit na napanood ko na ‘to ay hindi parin ako nagsasawa. Nang matapos manood ay bumalik ulit ako sa gawain ko. Hindi ko muna sya iistorbohin dahil busy rin siya sa kaniyang mga ginagawa.
Bukod kasi sa pagiging vlogger niya ay dance choreographer din siya. Madalang nalang kami mag-usap dahil wala ng time pero naiintindihan ko naman yon.
Messenger
Babe Josh ❤
Him: Babe goodnight I need to sleep right now.
Me: Sige goodnight pahinga ka ng maayos, bukas ulit kita tayo sa school. slightsmile emoticon
Him: Yes po babe, sorry busy ako ngayon. Ang dami po kasing ginagawa. Ingat ka lagi okay? I love you po.
Me: I love you too babe. Naiintindihan po kita slightsmile emoticonAfter that conversation ay wala na, natulog nalang ako at naghintay ng kinabukasan. Wala na akong gagawin at tapos ko na ang lahat.
“Babe goodmorning!” bati sakin ni Josh pagkadating ko sa tagpuan namin sa fire exit ditto sa school. Hindi kami magkaparehas ng course, HRM siya while Accountancy naman ang kinuha ko.
“Goodmorning din babe!” saad ko pabalik at niyakap siya. “Namiss kita.” Saad ko at ngumuso.
“Psh, napaka cute talaga ng babe ko haha.” Saad nito at hinalikan ako sa noo. “Sorry nagiging busy ako ha? Alam mo namang dalawa ang tinuturuan ko ng sayaw ngayon. Sabay mo pa yung pag-aaral ko.” Paliwanag nito.
“Naiintindihan ko naman babe eh, sa Friday na yung contest. Goodluck sa mga tuturuan mo ha? I love you. Sana makuha kayo sa top 3.” Nakangiting saad ko.
“Dahil sinabi mo ‘yan. Mas lalo kong gagalingan ang pagturo sakanila.” Nakangiting saad nito. “Hayaan mo babe, pagkatapos nito babawi ako. Babalik tayo sa dati pagkatapos nito.” Nakangiting paliwanag niya.
Alam ko namang babalik ang lahat sa dati at mabibigay niya ang time niya sakin ulit. Pagkatapos no’n ay dumiretso na ako sa room namin. Pagkapasok ko palang ay halata nang may pinag-uusapan ang mga kaibigan ko. Sobrang seryoso pa ng mga mukha nila.
“Speaking of Mary anjan na. te may balita kami sayo.” Saad ng isa kong kaibigan. “Magandang baita ba ‘yan? Kung hindi huwag niyo na ituloy. Ang ganda kaya ng mood ko ngayon.” Saad ko.
“Wow umaattitude ang ate mo Mary.” Pang-aasar pa ng mga ‘to. “Sige na anon a ‘yon?” tanpng ko at naupo sa tabi nila.
“Wala ng paligoy-ligoy pa. Nakita ko kahapon yung boyfriend mo kasama yung isang SH sa sm.” Saad nito. Ano naman? “Te ano? Di ka manlang maghihinala o kung ano man?” pahabol pa niya.
“Te, Senior High yung tinuturuan niya. Malamang about lang yun sa contest nila. Namimili ‘yon para doon for sure. Kayo talaga mga pag-iisip niyo.” Saad ko. Sumang-ayon naman sila sa sinabi ko.
YOU ARE READING
ONE SHOT HISTORIARIUM
AcakPeople tend to look into their selves outside the box. Are you willing to witness someone's story in this compilation? You will see how they manage to work with their own problems. So why don't you start reading it?