“Bes! Tignan mo oh!” sigaw ni Sandy habang pinapakita saakin ang cp niya.
“Ang gwapo niya diba?” tanong pa nito sakin. Tumango nalang ako.
“Gwapo nga, pero mas gwapo parin ako sakanya.” Pagyayabang ko pa.
“Wow Rei ha? Coming from you? Gwapong gwapo sa sarili ah?” nang aasar na saad nito. Nagkibit balikat nalang ako at tumuloy na sa paglakad.
“Bes omaygad! Makakasalubong natin siya!” mahinang sabi mo habang inaalog ang balikat ko. Psh, ano ba naman kasi ‘yang mga nagugustuhan mo. Mga hindi ka naman deserve niyan.
“Ano? Itutulak nanaman kita?” Napapikit na saad ko. Tumango naman siya at ngumiti ng malapad. Nang malapit na kami ay nagkunwari na kaming nag aaway.
“Ano ba kasi Rei?! Nasan naba kasi yung gamit ko?!” sigaw niya. Hindi nalang ako nagsalita at hinintay na makarating kami sa harap ng hinahangaan mo at tinulak ka sakanya ng mahina.
“Rei, ano ba ‘yang ginagawa mo? Nakakasakit ka na ng babae. Ilang beses na ‘tong nangyayari.” Hindi ko nalang siya pinakinggan ng makita kong naka akbay na siya kay Sandy. Umuwi nalang ako at nagkulong sa kwarto ko. Pumikit ako saglit upang magpahinga ngunit may mga ala-alang pumasok sa isip ko.
FLASHBACK
Katatapos lang ng training namin ngayon at nagpapahinga ako dito sa ilalim ng puno. Sa di kalayuan ay may nakita akong isang babae na nakayuko habang naglalakad at tila nagpupunas ng luha gamit ang kaniyang mga palad.
Iniwan ko muna saglit ang mga gamit ko at nilapitan siya upang abutan ng panyo. Nung una ay hindi niya ito kinuha ngunit patuloy na pumapatak ang kaniyang mga luha kaya’t ginamit rin niya ito.
Nang makabalik kaming dalawa sa pwesto ko ay walang nagsasalita patuloy lang siya sa pag iyak sa hindi ko alam na dahilan.
“Anong nangyari?” pambabasag ko sa katahimikan ngunit hindi niya ako sinagot, “Kung ano man yon, ayos lang na iiyak mo. Pero wag mo na ulit iiyakan.”
END OF FLASHBACK
Yung unang araw na nakilala kita, umiiyak ka lang sa mga balikat ko. Wala akong ibang ginawa kundi patahanin ka. Ni hindi mo masabi sa akin ang dahilan kung ano bang nangyare. Hanggang sa nagtagal ay para na tayong kambal na laging magkasama.
.....
“Rei? May project din ba kayo na magddrawing ng Digestive System sa illustration board?” tanong mo sakin habang nakaupo tayo sa Canteen.
“Meron din.” Sagot ko. Napanguso ka naman at tumingin nalang sa mga pagkain.
“Wala ka paring gawa no?” Tanong ko, nakanguso ka namang tumango.
“Haha! ‘Yan kasi katamaran mo. Sige na, ikaw na umorder ng pagkain. Doon nalang tayo sa labas kumain. Hintayin kita doon.” Paalam ko at agad na lumabas ng canteen.
Nilabas ko yung dapat na project ko at pinalitan ‘yon ng pangalan mo. Alam ko namang hanggang ngayong araw lang ang pasahan nito. Pero bahala na, ayoko namang malungkot ka Sandy. Saktong pagkalagay ko ng project sa bag mo ay siyang dating mo.
“Hoy anong ginagawa mo sa bag ko?” tanong mo. “Gagawin ko sa bag mo? Oh sayo na! Late na ako, kita nalang tayo mamayang uwian.” Saad ko at iniwan ka na doon mismo.
.....
Naalala ko pa ‘yong araw bumagsak ako sa Science dahil hindi ako nakapag pasa ng project. Habang ikaw naman ay tuwang tuwa dahil may napasa ka kahit na hindi ka gumawa. Lagi mo pa akong sinasamahan sa mga training ko lalo na sa mga contest ko sa pagsayaw. Pero hindi ko alam na hindi pala magandang sinama kita sa mga training ko.
-
“Rei! Ang galing galing nung bago niyong dancer!” masayang saad mo. “Hindi ‘yon bago. Matagal na ‘yon dito. Ngayon lang ulit naging active.” Paliwanag ko.
“Parang familiar mukha niya sakin eh. Parang nameet ko na siya somewhere pero hindi ko maalala.” Saad mo at inisip ang nangyari.
Habang nakaupo tayo ay may dalawang tao na nagkabangaan sa harap natin na dahilan para sumigaw ka sa tuwa dahil sa naalala mo.
-
Napangiti ako ng mapait. Ang araw na ‘yon mismo ay nalaman ko kung bakit tayo nagkakilala. Alam ko na agad kung bakit tayo pinagtagpo. Alam ko na rin noong araw na ‘yon na hindi tayo pwedeng lumagpas sa pagiging mag bestfriend.
Kinabukasan ay mag-isa akong pumasok. Susunduin ko sana si Sandy ngunit nakita kong may kasabay na siyang iba. Pagkarating ko sa school ay dumiretso agad ako sa Dance room. Araw ng training namin ngayon, hindi muna ako magkaklase.
Napaatras ako bigla sa nakita ko pagpasok ko ng Dance room. Nagpalipas ako saglit ng ilang minuto sa gilid ng poste at bumalik ulit na parang walang nangyari.
“Bes omaygad!” sigaw ni Sandy at niyakap ako ng mahigpit. Alam ko na kasunod nito, masyadong cliché ang storyang gan’to. Lagi ko nalang nababasa ang gan’to. “Kami na!” Masayang sambit mo. Gaya nga ng inaasahan ko, magiging kayo at maiitsapwera na ako.
“Oh? Talaga? Congrats! Grabe tagal mo ng pinapangarap yan ah haha.” Nagkunwari akong nagulat at masaya para sakanilang dalawa.
“Naging effective yung pagtulak tulak mo sakin!” Masayang saad mo. Napangiti nalang ako at dumiretso na sa loob.
Napatingin ako sa bestfriend kong si Ian na sumasayaw at napangiti. Buti nalang sayo napunta ang bestfriend kong si Sandy at hindi sa iba.
Napatingin naman ako kay Sandy. Nagkakilala kayong dalawa dahil sa bangaan ng inyong mga balikat, habang tayo naman ay nagkakilala dahil sa insidenteng ‘yan. Para ibalik ka sa lalaking nakatadhana sayo at maging tulay para kayong dalawa’y magkakilala.
Mas mabuti ng itago ko ang nararamdaman ko para patago rin ang sakit na nararamdaman ko. Hindi sa lahat ng bagay kailangang pag mahal mo, ibibigay mo na ang lahat. Kailangan mo pa ring magtira sa sarili mo. Hindi mo alam na nasa paligid mo lang pala ang taong nakatadhana para sa taong mahal mo.
YOU ARE READING
ONE SHOT HISTORIARIUM
RandomPeople tend to look into their selves outside the box. Are you willing to witness someone's story in this compilation? You will see how they manage to work with their own problems. So why don't you start reading it?