Pagsisisi

22 1 0
                                    

“Luna, ang cute ng name natin no?” saad ng kasintahan kong si Sol habang nakahiga sa hita ko.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko,walang pasok kaya sinusulit namin ang araw na pwede kaming magkasama.

“Ako lang yung kyut.” Pagyayabang ko.

“Syempre ikaw lang cute, kaya nga mahal na mahal na kita eh.”

“Mahal moko dahil cute ako? Yun lang? Pano pag pangit na ‘ko, hindi mo na ako mahal?”

“Syempre mahal parin kita, kahit na maging kamukha mo pa si pokwang jan. Mamahalin at mamahalin parin kita.”

“Sus, bola mo.”

“Ayaw pala maniwala eh, mahal kita maging sino ka man.”

“Nako, tigilan mo nga ako! Bumangon ka na jan at ualis ka na dito. Gabi na hahanapin ka na ni tita.” Saad ko at tinulak siya papatayo.

“Pinapaalis mo na ako mahal? Ganyan ka na? Di mo na ba ako love ha?”

Binato ko siya ng unan sa kadramahan niya, jusko ‘to. Kalalaking tao eh gumaganon, bakla talaga eh.

“Aray!” Reklamo nito at tumawa. “Mahal, matulog ka po ng maaga ha? Wag ka na pong magpupuyat. May pasok pa tayo bukas, hintayin mo ako dito sainyo. Susunduin po kita, wag kang aalis hanggat wala ako mahal ah? I love you.” Saad nito at hinalikan ako sa noo.

Napangiti naman ako, napakaswerte ko sa lalaking ‘to. Aaminin ko na lagi akong kinikilig sakanya, pero tinatago ko nalang yon sa pang-aasar.

“Opo! Sige na, alis na! Chupi na! Layas!” pagtataboy ko pa. Ngumuso naman ‘to kaya’t natawa ako. Hinila ko ang kwelyo niya at hinalikan siya sa labi.

“Yiee, sabi na crush mo ako eh! Ikaw mahal ah! Yieee!” Pang-aasar pa nito habang sinusundot ang tagiliran ko.

“Napaka dami mong alam, sige na tara na. Hatid na kita sa baba.” Saad ko at hinila na siya pababa.

Nagpaalam na din siya kila mama at papa na nanonood sa salas.

Pinanood ko lang siya na sumakay sa motor niya at magsuot ng helmet hanggang makaalis siya. Agad akong bumalik sa kwarto ko at tinext siya. Namimiss ko na agad boyfriend ko, hays.

‘Mahal, I love you. Sleepwell.’

Napangiti nalang ako habang iniimagine siyang nakangiti, damn I’m super inlove with him. Binaba ko ang cellphone ko sa side desk ko at niyakap ang unan ko, iniimagine na siya ‘yon.

Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ko hudyat na may nagtext. Ang bilis naman niya magreply? 30 mins. pa bago siya makauwi ah?

‘Hey, I just want to say goodnight. I will always love you. Let’s meet again tom.’

-

“Goodmorning mahal! I love you po!” masiglang salubong sakin ni Sol pagkalabas ko ng bahay at niyakap ako nito.

“Goodmorning” matamlay na saad ko.

“Mahal? Nakakain ka ba? Bakit gan’yan ka? Gusto mo daan muna tayo sa McDo? Jollibee? San mo ba gusto?”

“I don’t need anything Sol. Please! Tara na sa school.”

“Okay, I’m sorry mahal. I love you po.” Masigla paring saad nito at sinuot sakin ang helmet ko.

Pagkadating sa school ay hindi ko parin siya kinikibo. Kwento lang siya ng kwento tungkol sa mga nadaanan niya kagabe. Meron na daw peryaan malapit sakanila, gusto niyang pumunta kami doon. Nag bukas na rin daw yung Samgyeopsal na hinihintay namin at kakain daw kami doon mamaya bago kami umuwi.

ONE SHOT HISTORIARIUMWhere stories live. Discover now