Limitation

27 1 0
                                    


Sunday and walang magawa ngayon sa bahay. Kauuwi ko lang galing church and wala na ‘kong gagawin.

My phone rang beside my table. Agad ko namang kinuha ‘yon at sinagot ang tawag. “Hello Venice? Nasan ka?” It’s Rei again. “Yes? Nasa bahay lang ako.” Sagot ko.

“May gagawin ka ba ngayon?” tanong nito. “Wala naman, bakit? Are you going to treat me?” pagbibiro ko. “Yes? Sunduin kita jan ngayon. May importante din akong sasabihin sayo.” Saad niya at pinatay ang tawag.

Ano naman kaya ang sasabihin nong epal na yon? Hmm? May balak nanaman siguro ‘to.

Maya maya pa ay narinig ko na ang busina ng kotse niya sa baba, nag-ayos na ako saglit at bumaba na. Wow, just wow. He looks so handsome this day. Crush ko talaga ‘tong tao na ‘to pero ayokong umamin, masisira lang friendship namin.

“Ehem!” napailing ako at napatingin ulit sakanya. “So how’s your day? Hindi mo ‘ko hinintay kanina magsimba. You’re so selfish.” Reklamo nito.

“Napakatagal mo kaya.” Nakabusangot na saad ko. “Ako pa talaga? Eh naghihintay nga ako ng chat mo eh.” Saad pa nito. “Wow! Kasalanan ko pa ngayon ha?” naiinis na saad ko.

“Syempre kasalanan ko, tara na nga. Samahan mo ‘ko sa mall.” Asik nito at hinila ako palabas. “Wait lang! Hindi pa ako nakakapag paalam kila Mom!” sigaw ko. “Napaalam na kita.”

Pagkasabi niya non ay hinayaan ko nalang siyang tangayin ako papunta sa kotse niya.

“Oh bakit tayo nandito? Akala ko ba sa mall?” saad ko nang huminto kami sa harap ng isang Jollibee. “Malamang kakain tayo nice. Ano ba sa tingin mo ginagawa dito? Nagmomodel?” pamimilosopo nito. Inirapan ko nalang siya at nauna ng pumasok. Kalalaking tao napaka pilosopo.

“Oy sandali lang!” habol nito. “May upuan na tayo, pasama ka nalang kay kuya.” Saad nito kaya’t napalingon ako sakanya na kasama ang isang crew. Tumango nalang ako at sumunod na kay kuya.

“Dito na po ma’am.” Saad ni kuya at tinuro ang upuan sa gilid, katabi ng pinto papasok sa ewan basta kung saan ginaganap ang mga party. Habang naghihintay ako kay Rei ay tumitingin tingin muna ako sa paligid, and I bet may party na nagaganap sa loob.

Pansin ko rin na mayroong mga estudyanteng nag aaral sa school namin ang nandito. Sabagay, malapit din lang naman kasi dito ang school namin. Pero it’s Sunday, bakit naka uniform ‘tong mga to? Maybe dahil sa mga nagsimba sila? Nang mapatingin sila saakin ay nagulat sila, uh? Bakit?

Umiling nalang silang lahat at nagsimula nang magsilabasan. What the fuck? Did I scare them out?

“Nice? May nangyari ba?” tanong ni Rei na kararating lang. As usual dala dala niya ang mga paborito kong pagkain. Umling nalang ako at nilantakan lahat ng dala niya. “So bakit nga ba tayo nandito?” tanong ko.

“Wala, gusto ko lang kumain muna.” Saad niya at nag iwas ng tingin. What a weirdo. “Bakit dito pa? May Jollibee naman sa mall ah?” saad ko. “Wala lang. Bat ba?” Pagsusungit nito. Tsk. Hinayaan ko nalang siya at nilabas ang cellphone ko.

“Hello zeb?” saad ko pagkasagot niya ng tawag. “asdfghj~” napakaingay sa kabilang linya kaya’t hindi ko masyadong narinig ang sinasabi niya. Pinatay na agad niya ang tawag, nagtataka naman akong napatingin kay Rei na kanina pa nakatitig sakin.

“Alam mo Rei. Napaka weird mo ha. Kanina ka pa.” asik ko. “Anong weird don? Wala naman akong ginagawang iba ah?” giit nito. Umirap nalang ako at tinignan ulit ang phone ko.

“Ay! do you know where Zeb is?” tanong ko. Nagkibit balikat lang siya, pansin ko rin na kanina pa siya tingin ng tingin sa likod ko which is yung pinangyayarihan nga ng event.

ONE SHOT HISTORIARIUMWhere stories live. Discover now