Oras

148 1 0
                                    


Sobrang busy ako sa pag eencode ng Chapter 4 namin para sa research ng bigla akong nilapitan ng isa kong kaklase. Sa sobrang taranta ko ay nasigawan ko siya ng “ANO NANAMAN?”

“Ay grabe naman, itatanong lang sana kung uuwi kana eh.”

“Sorry.” saad ko at umiling “Mamaya konti tatapusin ko lang ‘to. Mauna nalang kayo.” saad ko at bumalik na sa pagtitipa sa laptop ko.

“Sige hintayin ka daw ni Kiera. Mauna na ako.” saad nito at tumalikod na.

“Huwag na kamo, magagalit lang sakin si Xyvia. Isabay mo na lang yan.” inis na saad ko dahil maaaring pagselosan nanaman siya ng gf ko.

Si Kiera kasi ay kaklase ko na nagkakagusto saakin, lagi niya akong nilalapitan at minsan ay niyayakap pa ako. Lagi siyang nanjaan saakin kaya't lagi namin siyang pinag aawayan ni Xyvia.

Nang makaalis siya ay tinuloy ko na ang ginagawa ko. Kailangan kong tapusin to ngayon dahil naabutan na kami ng deadline sa pagpasa. Tinignan ko ang oras at 1:40PM na, pauwi na siguro si Xyvia.

Kaya naman agad kong kinuha ang cp ko para ichat siya.

(Messenger)
07/27/19
Love <3
                                         5:40AM
Xyvia: Goodmorning
             Papasok nako

Rei: Goodmorning po mahal. Ingat ka po sa school. I love you so much.


                                       6:13AM
Rei: Mahal papunta na po akong school.

                                         6:36AM
Rei: Dito na po ako sa school mahal. Ingat ka po ulit jan I love you.

Typing….

Mahal ingat ka po sa pag-uwi. I love you.
Sent.                               1:43PM

Pagkachat ko ay tinapos ko na ang ginagawa ko. Pagkapasa ay nagmadali na akong umuwi. Halos magdidilim na ng makauwi ako. Tambak nanaman ako ng mga gawain. Pagkauwi ng bahay ay inayos ko agad ang sarili ko at dumiretso sa lamesa ko.

“Ahhh si Xyvia!” Pagkaalala ko ay kinuha ko ang cp ko para tignan kung may chat siya. Pero wala pala.

(Messenger)
07/27/19
Love <3

                                         6:36AM
Rei: Dito na po ako sa school mahal. Ingat ka po ulit jan I love you.

                                         1:43PM
Rei: Mahal ingat ka po sa pag-uwi. I love you.

Nasan nanaman to? Busy nanaman siguro sa schoolworks. Almost 8 na ng gabi kumain na kaya to?

(Messenger)
07/27/19
Love  <3

                                       9:28PM
Xyvia: Mahal sorry ngayon lang. madami po kasing ginagawa.
Rei: Ayos lang mahal, pahinga ka na po jan.

                                       9:46PM
Xyvia: Opo matutulog na po ako.
             Goodnight po.
Rei: Sige mahal goodnight. Imissyou, I love you sleepwell po.

Hays almost a week ka nang ganyan mahal. Miss na miss na kita, gusto na ulit kitang makakulitan. Lagi ka namang online, nakakapag share ka pa nga ng mga memes at kung ano ano sa facebook mo. Pero bakit ang dalang mo magchat sa isang araw? Kada umaga nalang ba at bago tayo matulog ang pag uusap natin?

Sa totoo lang sobrang pagod na ako kakaintindi, ang tagal na ng gantong sitwasyon natin. Naiintindihan naman kita kaso bakit pati sa weekends ganon parin? Wala ka paring oras na naibibigay kahit saglit lang? Konting pag uusap lang sana para mawala pagod ko.

Kaso hindi, kapag nagtagal ang pag uusap natin ngayon. Nag aaway tayo, sobrang labo na, ni hindi ko na nga makita kung ano na ang mayroon satin.

Pero tiniis ko ang lahat ng ‘yon kasi alam kong magkakaayos tayo. Kahit na halos dalawang araw ka ng walang paramdam sakin, nagtiis ako. Kasi alam ko sa sarili kong sobra akong mahihirapan kapag wala ka. Sobrang mahal kita at hindi kita kayang bitiwan at alam kong alam mo ‘yon.

(Messenger)
07/27/19
Love <3
7:01PM
Rei: Napapagod na ako love
       Pero ayokong sumuko
       Kasi sobrang mahal kita
       Love usap tayo please
       Kausapin mo naman ako
       Sobrang miss na kita
       Sorry na kung ano man ang nagawa ko.

Xyvia: Hmm? Sige

Rei: Love may problema ba?
        Sabihin mo sakin para maayos natin.

Xyvia: ‘Di ba pagod ka na?
              Parehas na tayo

Rei : Anong ibig mong sabihin?

Xyvia: Ayoko na. Hindi na kita mahal.

Rei : Mahal moko, ‘wag ka namang magbiro ng ganiyan love haha

Xyvia: Hindi ako nagbibiro. Im serious
           Sorry but I’m breaking up with you Rei.

Rei: Sige kung yan ang gusto mo. Hindi naman kita mapipigilan. Thankyou sa lahat.
       Mahal na mahal kita :)

         Xyvia xxx cleared her nickname.
         Xyvia xxx cleared your nickname.
         Xyvia xxx changed the chat colors.
         Xyvia xxx changed the emoji ❤️to 👍

Mapait akong napangiti, napagod ako pero hindi kita iniwan. Kasi alam ko magkakaayos tayo. Pero bakit ikaw? Napagod ka lang sumuko ka na kaagad. Bakit hindi ka lumaban gaya ng dati? Bakit ngayon hinayaan mo nalang akong mawala?

After a days of our break up, nalaman ko sa mga kaibigan niya na matagal na palang may nanliligaw sakanya even though kami pa. Sinabi rin nila saakin na lagi silang magkasama ni Xyvia tuwing pagpasok at pag uwi. Hindi nila nasabi saakin 'yon dahil ang alam nila ay matagal na kaming wala. Ganon na lamang panlulumo ko, nanghihinayang ako sa mga oras na hinintay ko makasama lang siya.

In this situation na realize ko na sobra kong seryoso sakanya. We’re not even seeing each other in personal, pero yung pagmamahal ko sakanya sobrang buo at totoo. Dati sabi ko sa sarili ko, distance lang yan may tiwala ako sakanya alam kong hindi niya ako ipagpapalit. But now, lesson learned kapag may isang taong malapit sakanya na kaya siyang pasayahin higit sa ginagawa mo ay wala kang laban.

Matuto tayong tanggapin ang mga bagay na hindi talaga mapapasaatin lalo na’t maraming nakaharang sainyong dalawa. Mas bigyan mo ng halaga ang mga tao na nanjan sa paligid mo nung mga panahong sobrang down na down ka na.

“Rei, tara na kain na tayo ng lunch.” Saad niya at pinunasan ang pawis sa mukha ko.

“Yup wait lang Kiera, final practice na then let’s go to eat lunch na.” I smiled. It’s been almost a year at magtatapos na ako pero nandito ka parin sa puso ko Xyvia kahit na may tao na laging nasa tabi ko. Ikaw at ikaw parin.

ONE SHOT HISTORIARIUMWhere stories live. Discover now