Distance

10 1 0
                                    

“Hello baby good morning!” sigaw noya pagkasagot ng tawag.

“Grabi namang energy yan, kagigising mo lang ‘yan ha?” saad ko.

“Oo naman babe, ikaw ba naman makausap ko pagkagising ko? Sinong hindi mawawalan ng energy?” pambobola pa nito pero napangiti naman ako kahit kalian talaga ‘to eh.

“Haynako kumain ka na jan Doms, tapos maglinis ka na ng bahay niyo. Matuto kang magtrabaho sa bahay ha? Dahil ayokong mag-asawa ng batugan.” Pagbibiro ko.

“Yes po, marunong ako magtrabaho sa bahay. ‘Pag nag live-in na tayo, hindi kita papagurin sa paglilinis. Papagudin lang kita tuwing gabi.” Nasampal ko naman ang noo ko sa sinaad nito at talagang tumawa pa siya ng malakas.

“Abnormal ka, sige na mag-ayos ka na jan itutuloy ko na yung ginagawa ko dito. Kumain ka muna okay?” saad ko. “Yes po baby, mag iingat ka po jan mahal na mahal po kita!” saad nito at pinatay ang tawag.

Pagkababa niya ng linya ay napatitig ako sa cellphone ko ng nakangiti. Doms is my almost 2 years partner, long distance relationship kami. Yes, pero sobrang strong namin dahil sobra kaming nagtitiwala sa isa’t isa.

“Mamaaa! Si ate Katy hindi na naglilinis oh! Nakangiti nanaman sa cp na parang baliw!” sigaw ng kapatid kong lalaki kaya’t binato ko sakanya ang hawak kong walis.

“Ahh hindi ako tinamaan! Duling duling duling!” argh! Nakakaasar ‘tong batang ‘to. Walang ibang ginawa kun’di mang-asar.

Pagkatapos kong maglinis sa buong bahay ay dumiretso na agad ako sa kwarto. Sabado ngayon and December 21, anniversary namin ni doms bukas at balak naming mag meet for the first time!

Hindi pa kami nagkikita from the start puro tawag at video call lang. Sabi ng mga kaibigan ko, baka daw niloloko lang ako nito. Baka may iba siya doon at ako pa ang magiging kabit. Hindi naman mangyayari ‘yon, kasi aabot ba kami ng 2 years kung ganon?

Mula sa cabinet ko ay nilabas ko ang alkansya ko. Matagal ko ng inipon ‘to, a year and months din. I wonder kung magkano ang naipon ko, dahil gagamitin ko ‘to sa pag meet namin ni Doms. Sobrang excited na ako kasi makikita ko na siya. Binalak na namin ‘to matagal na at gusto na naming magkita pero ayaw pa niya dahil wala daw siyang pera.

Kahit na sabihin kong ayos lang kahit wala basta magkasama kami ay okay lang, ayaw pa rin niya dahil gusto niyang mabigyan ako ng magandang date. Well, as marupok oo nalang at kinilig ang pwet.

Bigla naman nag ring ang cellphone ko at nag pop-up ang pangalan ni doms kaya’t agad ko itong sinagot. “Baby?” saad nito sa malungkot na tono. “Yes baby? Anong nangyari?” Agad na tanong ko at binitawan ang alkansya.

“Baby, baka hindi tayo matuloy bukas.” Malungkot na saad nito. Kanina ang saya saya niya pa, pero ngayon para na siyang lantang gulay kung magsalita. “Aalis daw kami nila mama at papa bukas baby. Sorry.” Saad nito at pinatay ang tawag.

Napatitig ulit ako sa phone ko. Kung kanina nakangiti ako pero ngayon naiiyak na ako, at hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. I’m really looking forward for tomorrow. Sobrang excited ako dahil alam kong magkikita na kami.

Buong maghapon ay hindi ko siya kinausap, tawag siya ng tawag pero hindi ko sinasagot. Nagagalit na rin si mama dahil nga ayaw kong sagutin ang tawag ni doms at siya ang kinukulit. Tsk, ‘tong lalaking ‘to talaga walang magawa sa buhay.

Pagdating ng gabi ay nakatulala lang ako sa bintana ko ng maisipan kong bilangin ang laman ng alkansya ko. Siguro gagamitin ko nalang ‘to para sa sarili ko.

“100…450…” bilang lang ako ng bilang medyo nagtagal rin ako sa barya. Nang sa ibang buong pera na ako ay bigla akong tinawag ni mama.

“Katy bumaba ka jan!! Mag-ayos ka ng sarili mo! May bisita ka!” sigaw nito, nagtataka naman akong napatingin sa pintuan ng pinto. Ba’t mag-aayos pa? tska sino namang pupunta dito sa bahay diba? Hindi ko na siya sinunod at bumaba ng walang ayos, naka pantulog na ako eh.

ONE SHOT HISTORIARIUMWhere stories live. Discover now