“Mahal hindi mo ako sasaktan diba?” tanong ko sa kasintahan kong si Rei na katabi ko ngayon. Tinignan lang ako nito at ngumiti. “Mahal diba?” pangungulit ko pa.
“Hindi naman maiiwasan ang masaktan kapag pumasok ka sa isang relasyon diba?” saad nito. Ginaya pa talaga ang tono ko sa pagsabi ng salitang diba. “Baliw ka talaga, pero hindi mo naman ako sasaktan diba?” pag uulit ko.
“Hindi ko masisigurado kasi nga diba?” argh napakulit talaga nito. “Hindi kita sasaktan wag kang mag-alala mahal. Huwag mo akong igaya sa mga lalaking dumaan sayo.” Nakangiting saad nito.
“Sinabi na nilang lahat sakin yan.” Pambabara ko. “Ano naman? At least ako, sinabi ko sayo to ng sincere at walang halong biro. Seryoso ako sayo Zephanie.” Saad nito at kinurot ang magkabilang pisngi ko.
“Aray naman eh!” pagmamaktol ko at pinalo ang kamay niya. “Promise yan mahal? Pinky swear?” saad ko at inangat ang kamay ko. “Pinky swear.” Nakangiting saad nito at nakipag pinky swear saakin.
Kinabukasan ay hindi siya pumasok ng school dahil may competition sila ng mga ka grupo niya sa sayaw. Malapit na rin kasi ang araw na ‘yon at kailangan na kailangan nilang mag ensayo.
“Mahal nasaan ka na?” saad ko pagkasagot ni Rei ng tawag. “Mahal, ano kasi may training pa kami. Anong oras ba uwian niyo? Sunduin kita, babalik nalang ako dito.” Sagot ni Rei sa kabilang linya.
“Ngayon na mahal, kaya mo ba? Kaya ko naman umuwi mag-isa eh.” Saad ko. Baka kasi pagod siya at hindi na niya ako kayang ihatid saamin. “Kaya ko mahal, wait mo ako jan ka lang muna sa school niyo. Magpapalit lang ako ng damit ko. I love you.” Saad nito at pinatay ang linya.
Napasapo nalang ako sa noo ko at naghintay nalang sa loob ng room. Nandito pa rin naman ang iba kong mga kaklase kaya’t nakipag kwentuhan muna ako. Sakto naman at ang ganda ng pinag-uusapan nila, tungkol sa lovelife.
“Oo, bago niya ako hiwalayan naging cold muna siya sakin. Lagi siyang busy tapos ang daming dahilan kapag tinatawagan ko.” Saad ni Andrea. Ito yung kaibigan kong iniwan nang boyfriend niya kasi pinagpalit sa malapit. Ldr kasi sila, nandito siya sa Valenzuela habang yung boyfriend niya nasa Cavite.
“Anong ginawa mo nung nakipag hiwalay siya sayo? Pumayag ka?” Tanong ko. “Oo, kasi ano bang laban ko diba? Ako, nandito lang walang magawa kapag mayroong mga babaeng lumalapit sakanya doon. Atsaka yung girlfriend na niya ngayon nahahawakan na niya, nahahalikan, nakakausap ng malapitan, nakakakulitan, at higit sa lahat nakakasama. Samantalang ako, walang laban kaya hinayaan ko nalang.” Saad nito, halata sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman niya hanggang ngayon.
“Grabi naman ‘yon, bakit niligawan ka pa niya kung hindi ka naman pala niya seseryosohin diba? Buti nalang si Rei, seryoso saakin.” saad ko. Napatingin naman sila saking lahat. “Oh bakit ganiyan kayo makatingin?” tanong ko.
“Paano ka nakasisiguro na hindi ka lolokohin niyan?” tanong naman ni Rox.”Sabi niya saakin, at ramdam ko.” Nakangiting saad ko. Nailing naman sila at tinignan ako na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.
“Zephanie, all boys used the words ‘seryoso ako sayo’ insert your name pero just 10% of 100% ang totoo sakanila.” Paliwanag ni Becca. “And Rei is belong to that 10% boys.” Paninigurado ko.
“Kung jan ka masaya edi go, basta nandito lang ang INIWAN SQUAD kung sakaling iwanan ka din ni Rei.” Saad pa nito bago bumalik sa pinag-uusapan. “So, yun nga. Ako naman, bale diba almost 3yrs na kami ng ex-bf ko. Wala talaga kaming problema until one day nakahanap siya ng babaeng kayang ibigay yung virginity niya na hindi ko kayang ibigay. Yes, pinagpalit niya ako sa babaeng panandaliang saya lang. Funny right? Yung pangmatagalang saya at pagmamahal ipagpapalit lang sa ganon.” Pagpapatuloy ni Becca.
YOU ARE READING
ONE SHOT HISTORIARIUM
RandomPeople tend to look into their selves outside the box. Are you willing to witness someone's story in this compilation? You will see how they manage to work with their own problems. So why don't you start reading it?