“Zeph san punta?”
“Sa kaklase ko, gagawa kami ng project. Sama ka ba Rei?”
“Sama ako…”
-
“Aalis ka?”“Oo, may pupuntahan kami ng kaibigan ko.”
“Sama ako…”
-
“San lakad mo?”“Gagawa kami ng research sa bahay ng kaibigan ko.”
“Sama ako…”
-
“Aalis ka ulit?”“Magpapractice kami ng sayaw para sa PE”
“Sama ako…”
-
“Saan ka pupunta?”“Ano nanaman? Sasama ka nanaman?”
“Sama ako…”
“Pwede ba?!”
“Wala kang magagawa, sasama at sasama parin ako sayo.”
“Tigilan mo na ‘to please lang Rei.”
“Gagawin ko kung anong gusto ko.”
“Rei, stop na please.”
“No.”
“Lagi ka nalang sumasama kahit private na lakad ko nandoon ka.”
“Kasi I need to take care of you Zephanie.”
“M-my chest.”
“See? Diba? Kaya wag ka ng umangal.”
“…”
“Zeph?”
“…”
“Hoy! Anong nangyayari sayo? Nahihirapan ka nanaman bang huminga?”
“…”
“Zeph! Tangina! TITAAA! Zeph wake up! Fvck!”
“…”
“Not yet please…”
-
“Rei, tumayo ka na jan.” saad ng mommy ni Zephanie. “Kailangan na siyang ibaba.”Mas lalo akong napahagulgol sa iyak habang tinitignan ang kabaong niyang binababa ngayon. Sobrang sakit, ni hindi marehistro sa utak ko na wala na. Na hindi na kita muling makakasama sa pang araw-araw. Hindi na kita masasamahan sa mga lakad mo.
Wala na yung sasamahan kita lagi para bantayan ka kasi anytime umaatake ang sakit mo, babantayan kita hanggang sa maging calm ka. Lagi kitang pinaalalahanan na uminom ng gamot kasi makakakalimutin ka. Lagi din kitang pinapagalitan everytime na may gagawin kang bawal sayo, napakakulit mo kasi. Kaya wala kaming magawa kundi hayaan kang maging masaya sa buhay mo.
I always told you na you can live a normal life pag na cure na ang sakit mo sa puso, pero sabi mo YOLO. Sabi mo magtatagal ka pa, na hindi totoo yung sinabi ng doctor na may taning na buhay mo. Ang saya saya natin lagi, kahit na minsan naiinis ka kasi lagi kitang sinasamahan kahit hindi naman na kailangan.
Pero diba nag promise ako sayo, sasamahan kita sa lahat ng bagay. Kahit kamatayan pa yan, sasamahan kita. Ayokong nag-iisa ka kasi gusto ko lagi kang nasa tabi ko para safe ka.
Tahimik akong umalis ng cemetery at nagpunta sa lugar na wala masyadong tao.
Nakangiti akong nakatingin sa isang truck na paparating ngayon sa harap ko, nakakasilaw ang ilaw pero hindi ko ito inalintana. Tumingin ako sa langit at napangiti ng makita ko ang imahe ng pinakamamahal kong babae.
“Sama ako Zephanie..” huling saad ko bago ko maramdaman ang paghampas ng katawan ko sa kalsada.
YOU ARE READING
ONE SHOT HISTORIARIUM
RandomPeople tend to look into their selves outside the box. Are you willing to witness someone's story in this compilation? You will see how they manage to work with their own problems. So why don't you start reading it?