Chapter 1
Cherry's Pov
Bago simula bagong kabanata. Namiss namin itong lahat. Muli kong makikita mga bago kong kaibigan nakasama ko sa habang panahon. Simula noon naging comfortable na kami sa isa't-isa.
"Mag-usap nga tayo Cherry!" Napalingon ako kay Sarah seryoso mukha nila nakatingin sa akin. Lagot na ito na sinasabi ko. Alam ko hindi nila ako tatantanan base sa mga mukha nila. Hindi ako makaisip ramdam ko galit nila. Ginagawa lang nila ito para sa ikakabuti ko. Kahit sila masaktan gagawin nila ipagtanggol ako. Kahit kaligayahan nila kapalit. Gano'n nila ako ka mahal. Paano ko ba ipapaliwanag ito sa kanila? Wala naman akong balak sabihin sa kanila ang ililihim ko relasyon namin ni Mike wala naman ako balak makipagbalikan. Ginawa ko lang naman 'to para tantanan niya ako kasi naman naiinis na ako kakulitan niya.
Wala ako katahimikan sa bahay lagi niya ako ginugulo. Lagi na lang may reason siya hindi nawawalan napaharap ako sa kanila."Totoo ba na kayo na ni Mike?" Paulit-ulit niya tanong sa'kin. Napayuko na lang ako hindi ko magawang tingnan sila.
"Tangina hindi mo ba naisip lahat ginawa niya sa'yo." Napaangat ako nakatingin kay Patrick seryoso mukha niya.
"Alam ko naman," sabi ko sa kanila.
"So! Bakit kayo na ulit! Ano ka ba?
Hindi ka nag-iisip sabi ko na nga ba Patrick lakas ng feeling ko pagkakita ko kay Mike. Ito naman bestfriend natin nagpapaka tanga na naman.""Alam ko ginagawa ko hindi ko nakalimutan ginawa niya. Alam ko mahirap paniwalain isang bagay na minsan na nasira kaya nga nagkunwari ako na kami na," sabi ko sa kanila.
"Ano?" Sabay pa ang dalawa nabingi ako sa sigaw nila magkaharap naman kami. Ito talaga si Sarah kahit kailan ang lakas ng boses. Napalayo ako sa kanila.
"Anong ibig mong sabihin? " Takang tanong ni Sarah nakatitig talaga siya sa akin nag-hihintay sasabihin ko.
"Ganito kasi 'yon." Paano ko ba sisimulan.
"Kasi ganito 'yon." Hindi ko matuloy-tuloy sasabihin ko. Hindi pa kasi ako handa pero alam ko hindi nila ako titigilan hindi nila malaman totoo .
"Kasi----------Hmmmm."
"Ano ba binibitin mo kami ni Patrick." Hala andiyan na naman boses niya. Mas lalo tuloy ako napipi kasi naman mas nakakatakot pa boses niya.
"Kasi ganito 'yon." Panimula ko ulit sa kanila.
"Promise niyo ha! Wala makakaalam nito ." Mangkukunbinsi ko sa kanila. Alam ko naman mapagkakatiwalahan sila. Kahit na hindi mapinta mukha nila seryoso pa rin sila naghihintay ng sagot ko.
"Oo nga! Kailan pa kami naging tsimoso," sabi ni Sarah. Taray talaga babae na 'to.
"Makikinig kami. Sabihin mo na nga ang dami mo sinasabi."
"Kasi.... Ano -----++++ kasi-------."
"Na ano nga! Masyado ka pabitin." Tiningnan ko masama si Sarah. Sasabihin ko na nga lang sumabat pa siya. Magsisimula na naman ako sa umpisa.
"Kasi ano-------."
"Hindi ko alam tanging sa isip ko lang naman paibigin ko lang siya," mahina mo sabi sa kanila.
BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series (Series# 2-Hates
RomanceUltimate Barkada Series Series #2-Hates Ray and sarah Sukdulan ang galit ni Sarah kay Ray sa ginawa ng kaibigan niya kay Cherry. Nagkahiwalay sila dahil sa isang pustahan kay hinding-hindi niya pinatawad si Ray. Mapagmahal na kaibigan si Sarah, laha...