Chapter 12

5 3 0
                                    

Chapter 12

Sarah's Pov

"Bakit gano'n mga bestie parang kasalanan ko pa lahat?"

"Hindi mo kasalanan."  Napatingin ako kay Cherry.

"Pero alam mo ako dapat sisihin dahil sa akin nagsimula kung bakit kayo  nagkahiwalay  ni Ray." Napakunot noo ako napaharap sa kan'ya. Ito na naman siya sisihin na naman sarili niya. Paulit-ulit na lang kami sirang plaka din si Cherry. Minsan gusto akuhin ang lahat wala naman siya kinalaman siya na nga nasaktan sisihin pa niya sarili niya. Ako may desisyon kung bakit kami nagkahiwalay. Ang tanga ko kasi hindi ako siya pinakinggan. Ano man sasabihin niya masyado mataas lang pride ko. Naloko nila ang bessy ko  kaya ito sobra-sobra ako nagalit sa kan'ya.;Mahal ko bessy ko kahit sino handa ako ipagtanggol bessy ko.

"Alam mo minsan gusto kita sabihan ang tanga-tanga mo? Bakit hindi mo siya binigyan ng chances. Nagtataka ako sa'yo mabait naman si Ray. Alam ko na mahal mo pa rin siya di ba!" Nakatingin lang ako kay Cherry.

"Oo nga sarah! Minsan kasi ang tigas ng ulo mo ayaw mo pakinggan sasabihin ng iba. Alam mo importante din ako sasabihin sa'yo. Kinausap niya ako noon humingi siya sa akin ng tulong hindi ko alam na 'yong taong hinihingian niya payo siya pala 'yon madalas niya sinasabi kababata lang niya. Hindi ko inisip man lang na sarili na pala niya kinikuwento. Tangina sabi ko pa noon hayaan na lang niya siya mismo makatuklas. Ang sabi ko pa noon hindi ikaw dapat magsabi. Alam ko mahihirapan ka dahil pareho mo sila kaibigan lalabas din katotohanan kesa kayo magkasiraan. Ang mali sa akin kasi dapat pala hindi ko na siya hinayahan sabihin sa'yo noon. Sorry Sarah /Cherry. Alam mo ba lagi niya sinasabi noon naghiwalay na kayo mahal na mahal ka niya sabi pa nga niya hintayin ka raw niya sa pagbabalik mo pero noon bumalik kayo ni Cherry sa probinsiya. Naging busy si Ray sa pag-aaral kaya hindi ka niya nagawang kausapin, ako ang may contact sa kan'ya pero pinutol ko na 'yon nung nalaman ko na nakikipagdate siya sa iba. Nagalit ako sa kan'ya. Maniwala ka o hindi mahal na mahal ka niya. Tangina naawa ako noon tumawag si John sa akin. Alam mo ba kung nakita mo. Paghihirap ni Ray maawa ka lasing na lasing siya pangalan mo lagi binabanggit. Hndi na siya makausap laging nag-iisa ayaw lumabas ng bahay kaya nga gumawa na nga paraan parent niya dalhin siya sa amerika kasama ng brother niya. Pumayag siya para sa sarili niya. Kung alam mo lang ginagawa niya nagmakaawa lang parent niya para makaalis siya. Pumayag siya dahil ang sabi ko ako gagawa ng paraan para magkabalikan kayo at ako magbabantay pero 'yon nga lang nangyari 6 months lang siya do'n. Bumalik siya pero hanggang tingin lang sa'yo. 'Yon 'yong time na nagkaroon ako ng contact sa kan'ya ulit. Sarah sorry  kung ano man desisyon mo bukas.;Sana pag-isipan mo." Seryoso lang ako nakatingin sa kan'ya.

"Totoo ba lahat nang to! Sinabi mo Patrick?" sabi ko sa kan'ya.

"Totoo lahat na sinabi niya Sarah." Napatingin ako kay Cherry seryoso niya sabi sa akin. Alam din niya bakit hindi niya sa akin sinabi.

"Nalaman ko lang noon bumalik siya. Si John nagsabi sa akin hindi ko naman sinasadya marinig lahat ng 'yon. Alam mo naman 'yon madaldal. Gusto ko sabihin sa'yo panahon na 'yon. Naintindihan ko na bakit hirap na hirap siya sabihin sa atin ang totoo katulad din niya ako Sarah,"  sabi ni Cherry.

"Katulad niya ako duwag hindi masabi sabi sa'yo. kahit nagpromise ako kay John na ilihim na lang nalalaman ko. Natakot kasi akopaano kung hindi mo ako paniwalain? Sasabihin mo lang ginagawa ko 'to dahil magkabalikan kayo. Araw-araw ako nakokonsensiya Sarah ako naman kasi punot dulo ng lahat. Bakit kayo nagkaganyan ngayon ni Ray. Sorry!" Napalapit ako kay Cherry hindi ko magawa magalit sa kan'ya. Sa dami niya pinagdaanan ayaw ko na dagdagan pa ngayon lang siya nagsinungaling sa akin. Sinisisi pa niya sarili niya.;Napayakap na lang ako sa kan'ya.

"Nagsacrifice din si Ray mahal talaga niya ako," sabi ko sa kanila.

"Sobra-sobra Sarah alam mo naman boto ako sa kan'ya para sa'yo mabait siya. Sana mapatawad mo na siya."

"Tama si Cherry sa Sarah mabuti pa matulog na tayo," sabi ni Patrick.

"Masyado na madrama tayo."

Goodnight na sainyo dalawa."  Bigla tumayo si Patrick pareho kami napatingin ni Cherry sa kan'ya.

"Goodluck bukas."  Natawa pa si Patrick.

"Aalis ka na Patrick," sabi ko sa kan'ya.

"Oo eh!"

"Akala ko ba rito tayo matutulog,"  sabi ko sa kanila.

Anong gagawin ko? Anong oras kami magkikita? Kinakabahan ako."

"Napaghahalatahan ka Sarah excited ka naman masyado."  Sabay tawa ni Patrick sa akin. Natawa rin si Cherry hinarap ako. Grabe sila tawanan ba ako.

"Problema ba 'yon kausapin mo si Ray tanungin mo siya sa lahat lahat." Sabay tapik ni Patrick sa akin.

"Wala akong number," mahina ko sabi.

"Ako meron."  Sabay tawa ni Patrick. Pinakita pa niya ang phone niya.

"Sige na Patrick dial muna,"  sabi ni Cherry nakatawa sa akin.

"Wait hindi pa ako handa kausapin siya? Anong sasabihin ko?" Tawang-tawa pa sila inaasar nila ako.

"Ano ba talaga Sarah makikipagbati ka ba o hindi?"

"Teka lang Patrick. Kinakabahan nga ako."

"Si John na lang kontakin natin,"  sabi ko sa kanila.

Sa kan'ya natin tanungin,"  mahina ko sabi nagkatingin lang ang dalawa.

"Sige Patrick dial muna ulit. Ang dami pa kasi sinasabi." Sabay pa nag-apir ang dalawa.

"Wala pala akong load. Napakamot pa sa ulo si Patrick.

"Ako rin wala rin." Sabay pa sila nagkatinginan ni Cherry. Hindi na lang ako nagsalita."  Sabay bigay ko ng phone ko sa kanila.

Ikaw na  magcontact," sabi ko sa kan'ya. Kinuha nga ni Cherry phone ko. Tinawagan niya si John.

Calling John

Ring....

Ring...

Ring...

"Hindi naman sinagot," sabi ni Cherry nakaharap sa amin. Loko 'yon saan naman nagpunta.

"Sa ganitong oras baka kasama niya kaibigan niya,"  sabi ni Patrick.

"Mayamaya na lang kaya tawagan natin,"  sabi ko kay
Cherry.

"Ngayon na aalis na ako." Napatingin kami kay Patrick. Nakatawa lang sa amin.

"Sige na nga dial mo na Cherry,"  sabi ko sa kan'ya. Natawa lang si Cherry. Ito kasi kaibigan ko kung makautos. Hindi nga sinasagot ni John.

"Ikaw na lang  tumawag kakain muna ako gutom na ako. Nawala kinain ko sa kaba kanina. Nakisawsaw pa si Alex kanina hindi ko alam gagawin ko."

"Sorry Cherry sa gulo," sabi ko sa kan'ya.

"Ano ka ba? Ako dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay."  Paninisi pa rin niya sa sarili niya. Niyakap ko lang siya.

"Tawagan niyo na kan'ya. Paulit-ulit na lang tayo sa problema na 'yan." Sabay yakap ni Patrick sa amin.

"Mamaya na," sigaw ni Cherry. Iniwan kami. Ako naman nagkunwari busy sa ginagawa ko habang si Patrick iniwan din ako. Ako na lang mag-isa. Napatingin sa kalagitan.
____________________________________

           Ultimate Barkada Series
                    Series #2-Hates
                     Ray and sarah

Ultimate Barkada Series (Series# 2-Hates Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon