Chapter 16
Cherry's Pov
Napatitig ako sa dalawa. Sobra saya ko na nagkabati na rin sila sa wakas. Ito 'yong matagal ko na hinihintay. Sa wakas nagkaayos na rin sila. Natatawa ako habang pinagmamasdan ko sila bagay na bagay sila noon man mahal na mahal nila isa't-isa. Ewan ko ba dito kay Sarah bakit nagalit kay Ray hindi naman niya kasalanan?Sobra protective sa akin kahit lovelife niya pinagpalit niya. Loka-loka rin kasi si Sarah eh! Matalino nga naman hindi naman hindi naman ginamit sa maayos. Mahirap ba sa kan'ya kausapin si Ray? Natawa ako sa naiisip ko kahit nga ako naduwag din.
"Hindi pa ba tayo aalis? Hoy alis na tayo Cherry?" Napalingon ko sa sigaw ni
Marlon. Panira din isang 'to. Nagulat ako sa sigaw niya. Ang lalim pa naman iniisip ko."Moment nila 'yan ano ka ba?" sabi pa niya.
"Mauna ka na!
Papahinga lang ako saglit.""Bakit riyan?" Tanong ni Alex. Isa pa 'to! Hindi naman ako magpapahinga tulad iniisip niya. Irerelax ko lang sarili ko na ako lang.
"Magmumukha ka chismosa niyan." Napaharap ako kay Alex.
Alam niyo ba naiingit ako sa kanila pero sobra saya ko 'yong pakiramdam mo natupad ko na rin isa sa pangarap ko maging sila ulit ni Ray." Lahat sila napanganga sa sinabi ko. Anong mukha mga 'to!
"High school pa lang kami sila na 'yong hindi mapaghihiwalay. Buong buhay ko akala ko sila na forever, pero dumating 'yong isang bagay na ako may kasalanan sa relasyon nila. Nang dahil sa akin nagalit si Sarah kay Ray. feeling ko 'yong kamalasan ko nadala kay Sarah pero salamat sa tulong niyo." Napatingin sila sa akin. Nakakunot noo. Nangyari sa mga mukha nila. Hindi kasi maipinta. Kanina pa mga 'to! May mali ba sa sinabi ko.
"Gutom lang 'yan. Tara na nga. Tangina mauna na ako sa'yo. Gutom na talaga ako." Reklamo ni Marlon. Natawa na lang ako kay Marlon. Kahit kailan talaga lalaki na 'to! Laging gutom.
"Sige mauna na kayo," sabi ko sa kanila. Sa dami namin plano nakalimutan namin kumain. Kahit ako kanina pa nakakaramdam ng gutom, pero tiniis ko para lang sa dalawa. Maaga pa lang kami pinaghandaan ko na lahat ng 'to. Ang hirap nga magtago. 'Yong lagi ka napapatingin sa pintuan baka sakali pumasok bigla si Sarah. Malilintikan na kami sa plano namin.
"Ayaw mo talaga, sige kakain muna kami." Ang kulit naman ni Marlon.
"Sige 'tol may pag-uusapan lang kami ni Cherry." Sabat ni Patrick.
"Maiwan na namin kayo." Paalam ni Darryl sa'min. Tanging tahimik lang sa grupo. Kahit ganyan iyan si Sir Darryl kapag kailangan namin ng tulong hindi sila nagdadalawang isip tulungan kami.
"Si John nasaan?" Siya lang kasi hindi ko napansin. Napatingin ako kay Patrick.
"Ewan ko sa gago na 'yon, hindi ko alam."
"Loko 'Yon umalis na agad."
"Naiingit ka ba talaga o may dahilan?" seryoso tanong sa akin ni Patrick. Napaharap ako sa kan'ya.
"Masaya na ako sa kanila.
"Masaya o dahil hanggang ngayon sinisi mo pa rin sarili mo. Cherry ilang beses namin sabihin sa'yo wala kang kasalanan. Si Sarah nagdesiayon sa bagay na 'yan." Natahimik ako sa sinabi ni Patrick. Totoo naman kasi sinabi niya. Lahat ng itong ginagawa ko para ibalik ang magkakamali ko. Una na rito ang relasyon nila Sarah at Ray.
"May isa pa akong tatanong sa'yo Cherry hindi ko alam paano ko sasabihin sa'yo, pero napapansin ko kasi grabe close niyo ni Marlon parang may tinatago kayo nararamdaman ko kasi."
"Anong ibig mo sabihin mo?"
Pakunot noo ako sa kan'ya."Narinig ko siya na girlfriend ka raw niya tapos umiyak 'yong girl na kausap niya." Napahiling na lang ako sa kalokohan ni Marlon. Kahit si Oatrick hindi nakaligtas sa kalokohan ni Marlon. Hindi na siya nasanay kay Marlon. Kung ano maisipan ng loko na 'yon. Madalas ako at si Darryl pinagttripan ni Marlon palibhasa kasi sinasakyan lang namin kalokohan ni Marlon.
"Cherry totoo ba? Kahit si Marlon kasama sa plano mo?" Ano raw paano nakasama si Marlon sa plano ko. Ang gulo din ni Patrick.
"Naalala ko 'yong sinabi mo sa amin dati ni Sarah na may plano ka hindi na lang kami nagsalita. Alam ko na dadating 'yong araw na sasabihin mo rin sa amin. Handa kami makinig sa'yo. Alam ko pinagdadaanan mo. Andito lang ako para sa'yo." Natawa ako kay Patrick. Ano drama ni Patrick ngayon. Pinagsasabi niya.
"Hindi ko boyfriend si Marlon. Wala akong choice kundi sumang-ayon sa kan'ya eh! Alam mo naman 'yon. Lahat n alang babae nakakalapit sa kan'ya lagi ako dinadamay. Lagi sinasabi girlfriend niya ako kahit hindi. Sinasakyan ko lang trip niyan ni Marlon. Alam mo naman 'yon wala magawa sa buhay. Kahit si Darryl na pinsan wala rin magawa sa kalokohan ng pinsan niya. Ang tagal mo na kilala si Marlon. Hindi ka na nasanay." Tinawanan ko lang siya. Masyado kasi madrama.
"About kay Mike?" Napatitig ako sa kan'ya.
"Bakit anong about sa kan'ya."
"'Yong feeling mo sa kan'ya ." Natahimik ako bigla. Ito na namam siya.cBakit ba ako tinatanong niya. Hindi ba puwede maging masaya na lang siya.
"Ewan ko." Yon lang nasabi ko. Kahit ako nalilito na sa feeling ko kay Mike. Mahal ko pero andon pa rin ang duda sa isip ko.
"Anong ewan! Alam mo napapansin ko pagbabago ni Mike. Mukha nagbago na siya para sa'yo." Natahimik ako sa sinabi niya. Ramdam ko naman pagbabago ni Mike pero natatakot ako. Natatakot ako sumugal. Natatakot ako masaktan ulit. Paano kung makipagbalikan si Anna sa kan'ya. Paano ako? Iiwan niya ako?
"Paano kung masaktan ako." 'Yon na lang nasabi ko sa kan'ya.
"Bakit hindi mo subukan."
"Paano masaktan ako ulit." Pag-uulit ko sa kan'ya.
"Ang dami mo kasi bakit 'yan sa utak mo." Hindi na lang ako nagsalita.
"Ewan ko sa'yo." Tinalikuran ko siya. Pinagtatawanan niya lang ako.
"Ano ka ba? Tara na kumain muna tayo. Sabay hila niya. Ako naman napasunod lang sa kan'ya. Nagorder lang ako burger wala kasi ako gana. Pagkatapos hinila ko siya sa may labas ng mall. Napaupo kami ni Patrick. Hindi ko na napapansin dumaan sa labas. Ang tanging gusto ko lang magkaayos na sila Ray at Sarah. Mamaya ko na sila hahanapin. Kasama ko naman si Patrick. Napapatingin siya sa'kin. Alam ko kukulitin na naman niya ako. Gulong-gulo na utak ko. Paano ko sasabihin sa kan'ya lahat ng saloobin ko. Pero natatakot ako ang hina-hina ko sa ganitong bagay.
BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series (Series# 2-Hates
RomanceUltimate Barkada Series Series #2-Hates Ray and sarah Sukdulan ang galit ni Sarah kay Ray sa ginawa ng kaibigan niya kay Cherry. Nagkahiwalay sila dahil sa isang pustahan kay hinding-hindi niya pinatawad si Ray. Mapagmahal na kaibigan si Sarah, laha...