Chapter 9
Sarah’s Pov
"Mall tayo ngayon?" yaya sa amin ni Alex. Himala, nagyaya ang loko. Friday pa lang ngayon.
"Tama, para mawala pagod ko," sabi ni John, na bigla na lang sumulpot kung saan.
"Gago, hindi ikaw ang niyaya ko," sagot ni Alex sa kanya.
"Gago, sino?"
"Sino pa?" sabay turo ni Alex sa amin ni Cherry.
"Gago! Huwag maging makasarili," sabi ni Marlon. Natawa ako sa kanya, at narito siya.
Ang bilis makasagap ng tsismis. Sabagay, araw-araw na lang andito si Marlon. Hindi na ako nagtataka sa mokong na ito. Minsan nga, naiirita na sa kanya si Darryl—ginugulo kasi ni Marlon ang pinsan niya.
"Ikaw, kanina ka pa rito? Wala ka bang balak umalis?" sabi ko kay Marlon.
"Ayaw ko nga, gusto ko rito. Tara, mall tayo," sagot niya sa amin.
"Tanungin mo pinsan mo." Hinarap ko siya. Tinawanan lang niya ako. Sumigaw pa si Alex kay Darryl—rinig naman usapan nila. Natawa pa at nilingon kami ni Sir Darryl. Napatingin ako sa kanya—isa pa 'to, game na game rin. Nakatawa na kasi si Marlon. Hindi kasi maintindihan ni Darryl na pinsan niya, kahit ayaw at gusto niya, hihilahin pa rin siya ni Marlon. Gano'n kakulit si Marlon.
"Pinayagan na tayo! Treat mo kami ha!" Natawa ako kay Alex. Biglang napakunot-noo si Darryl at humarap kay Alex.
"Ah, 'wag na. Nagbago na isip ko," natawa ako sa sinabi ni Sir Darryl. Si Darryl ang pinakakuripot sa amin—hindi basta-basta 'yan nanglilibre. Pero si Marlon, galante 'yan.
"Sir, hindi problema 'yan. Si Alex nagyaya, siya ang manglilibre sa atin," sabi ni Cherry.
Akala ko wala siyang pakialam sa usapan namin."Oh, narinig mo 'yan, Alex? Yehey, libre ako!"
"Gago, mahiya ka, gago ka! Walang libre! Ikaw ang mayaman sa atin."
"Gago, magwowork ba ako kung mayaman ako?! Bakit ba pinapakialaman niyo personal life ko? Nakakahurt na kayo, ah!"
Napalapit ako kay John at nabatukan ko siya. Andiyan na naman siya, magdadrama pa. Hindi pa kasi aminin na mayaman siya—ang dami pang baka-sakali eh.
"Palusot ka pa, gago ka."
"Shut up, Marlon."
"Pikon na ang gago!" sabay tawa ni Patrick. Lumingon kami sa kanya. Mga loko 'to—excited mag-mall pero ayaw naman maglibre.
"Ok lang, si Sarah at si Cherry, treat ko kayo. Bahala kayo riyan!" natawa na lang ako sa sinabi ni Alex.
"Aba! Nag-aaway pa sila? Ayaw niyo ata kami ilibre, napipilitan lang kayo," sabay tawa ko.
"Isa ka pa, Patrick! Libre na kung libre," sabi ko sa kanya. Niyaya ko na sila.
Nauna kami ni Cherry at ngayon nakasakay kami sa kotse ni Darryl, habang 'yong tatlo naman ay kasama si John.
"Saan tayo?" Napatingin sa amin si Darryl. Nagkatinginan kami, at paglingon namin, nawala na sa harapan namin 'yong mga boys.
"Saan nga ba tayo?" Inulit ko ang sinabi ko sa kanila.
"Gago, mga 'yon! Iniwan tayo, hindi naman natin alam kung saan tayo pupunta." Napakamot lang sa ulo si Sir Darryl.
Nagkatawanan lang kaming tatlo, at sa huli, tinawagan ko si Alex para tanungin kung saan kami kakain. Do'n lang pala sa favorite pizza place niya—hilig kasi ni Alex ang pizza, nagmumukha na siyang pizza.
Napatingin ako sa tabi ko, 'yong ngiti niya abot-abot sa saya. Sarap din pag-untugin si Cherry at si Alex—nagmumukha na silang dalawang pizza.
"Naku, 'yong apat na 'yon, panigurado lumamon na sila. Hindi na tayo hinintay," natawa ako sa sinabi ni Darryl.
"Ano pa nga ba! Nagsama pa 'yong apat." Medyo matino pa sa kanila si Patrick.
"Sinabi mo pa! Mukhang si Patrick mastress do'n sa tatlo," natawa kami sa sinabi ni Cherry.
Pagkarating namin, hindi nga kami nagkamali—nauna na silang kumain, hindi na kami hinintay.
"Akala ko ba mall tayo?" sabi ko sa kanila.
"Oo nga eh! Akala ko mamasyal tayo, di ba, Sir Darryl?" Napaakbay pa si Cherry kay Darryl.
"Ano kayo, bata?" sabay tawa ni John sa amin.
"Bata pa naman si Love, ah! Ang tagal ko nang kilala si Love, hindi pa rin tumatangkad."
Napasimangot si Cherry at humarap sa kanila. Lihim akong natawa—totoo naman kasi, mukha siyang 13 years old, hindi man lang tumangkad.
"Problema niyo sa height ko?" Lahat nagtawanan, pati ako hindi ko napigilan.
"Hindi ako nauna, Love!" sabay turo ni Marlon kay John.
"Kainis kayo," sabi niya sa amin.
"Kumain nga tayo," sabi ko kay Cherry, hinila ko na siya paupo.
Magkatabi kami—ako at si Cherry, katabi niya si Darryl. Sa tapat ko si Patrick, si Marlon naman sa tapat ni Cherry, si Alex katabi ni Darryl, at si John ay nasa gitna namin.
"Namiss ko 'to—bonding natin." Napalingon ako kay Darryl.
"Gago ka kasi, ang tagal mong nawala." Tinawanan pa siya ng pinsan niya.
"Eh, anong magagawa ko? Kontrabida kasi mga magulang ko," sagot niya sa amin.
"Sumunod ka na lang kasi." Napatingin nang masama si Darryl kay Marlon.
"Joke lang naman."
"Hindi 'yan joke! Inaasar ka lang," sabi ni Cherry kay Darryl.
"Kontrabida ka din, Love! Sarah, inaway ako."
"Manahimik ka kasi," sagot ko sa kanya.
"Anong gagawin natin dito pagkatapos?" seryoso kong tanong sa kanila. Lahat sila napatingin sa akin.
"Mamasyal na lang tayo," seryosong sagot ni Cherry.
"Gusto ko 'yan, Love. Tapos magkahawak-kamay tayong dalawa?" Ano raw? Tumawa pa siya nang malakas.
"Wag ka nang manulot, Marlon. Hindi mo na siya makukuha dahil may mahal na 'yan—iba." Sabay batok ni John sa kanya.
"Ito kasing si pinsan, hindi sana nakauwi ng probinsya si Cherry. Pagbalik, may boyfriend na—saksakan naman ng seloso." Natawa ulit siya. Trip talaga ng lalaking 'to, sinisi pa pinsan niya.
Sabagay, kung hindi kami umuwi, hindi sana nagkrus ang landas nila Cherry at Mike. Ngayon, ginugulo na kami—kasama pa ang kaibigan niyang si Ray. Naiinis ako tuwing nakikita ko siya, pero kapag magkasama kami, hindi ko maiwasang mataranta. Kung ano-ano tuloy ang nasasabi ko. Simula nang makita ko siya, ginugulo na niya ang utak ko.
Ewan ko ba, parang bigla ko siyang namiss. O baka dahil galit ako sa ginawa ng pinsan niya, nadamay siya sa inis ko.
"Tara na nga," sabay hila ni Cherry.
Napasunod na lang kami. Saan-saan kami nakarating—para kaming mga teenager, lakad doon, lakad dito.

BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series (Series# 2-Hates
RomanceAng galit ni Sarah kay Ray ay higit sa ginawa ng kanyang kaibigan kay Cherry. Naghiwalay sila dahil sa isang pusta dahil hindi niya pinatawad si Ray. Si Sarah ay isang mapagmahal na kaibigan; Gagawin niya ang lahat ng makakaya niya upang maprotektah...