Chapter 14

184 6 0
                                    

LUMIPAS ang isang buwan. Oktobre na. Isang buwan na ako dito sa paris. Nagi-stay parin ako sa hotel suits na tinutuluyan ko no'n una palang. Magpapasko na. I cut my communication with them. Hindi ako gumagamit ng facebook, twitter or Instagram. Paano ako nabuhay ng isang buwan na nagiisa?

Madali lang. Kinalimutan kong mayaman ako. Kinalimutan kong may pamilya ako. Ang nadala kong card ay paubos na no'n. Kaya ang ginawa ko ay pumasok ako sa isang restaurant. May naging dalawang kaibigan ako. At napalapit ako sa manager ng restaurant na 'yon. Ang alam ko ay kanya ang restaurant na 'yon.

Tulad ngayon ay kasama ko ang mga katrabaho na si pamela at gumamela. Its weird yeah. Ganyan ang name nila. Sila agad ang nakasundo ko. Mababait sila at dugong pinoy. Matagal na din silang nagtatrabaho sa restaurant na 'yon.

"Anong balak mo sa paparating na undas , Elisse?" Nagkibit balikat lang ako.

"Kaming dalawa ni mela ay uuwi ng pilipinas. Ikaw ba?" Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa.

"I'll still stay here. Wala naman akong uuwihan sa pilipinas." I lied.

Ayokong umuwi. Ayokong malaman ang katotohanan. Pinaghahanap na ako nina mommy and daddy 'yon ang alam ko.

"Gano'n ba? Edi maiiwan kang magisa dito?" Sanay naman akong magisa.

"Hahaa. Gano'n na nga siguro. Tsaka sanay akong mag isa." Sabi ko.

"Ang abnormal mo talaga." Pamela.

"Hahaha. She's indeed weird." Gumamela.

"Hahahahha. Hindi na kayo nasanay sakin."

Baka hanggang new year na sila do'n. Kaya magisa akong maguundas, pasko at new year dito sa paris.

Pagkatapos nang break time na 'yon pumasok kami ulit ng resto. Bumungad samin ang madaming customer kaya dali dali kong kinuha ang apron ko.

Nadatnan ko ang boss sa kusina na hinahanda ang mga order.

"O? Nandito kana pala Elisse. How was your break time?" Ngumiti ito. Kaya nginitian ko din siya.

"Its wonderful, boss."

"Here we go to 'boss thingy' i told you to stop calling me boss.."

"Hahahaa. Diba sabi ko naman sayo na sa labas lang kita tatawagin in your own name. But here inside your resto is i will call you boss." Iniwan kona siya do'n nang tawagin ako ni pamela na may bagong dating na customers na naman daw.

"What table?" I ask her.

"Table 15. Second floor, sis." Ngiting sabi niya.

Paakyat na ako. Kitang kita kona ang 15 table ng makilala ko kung sino ang nakaupo do'n.

Hindi pwede. Hindi nila pwedeng malaman nandito parin ako...

Umatras ako. Hindi kopa sila kayang harapin. I'm sorry, Caye...

Nagulat si pamela ng pagbalik ko wala akong dalang kahit na ano. "O? Anong nangyari, Elisse?"

"Ikaw mona mag take ng order nila o? Sumama pakiramdam ko e. Sa kusina mona ako." Tumango ito.

Sabi ko nga pupunta ako ng kusina. I saw gabriel. Nagluluto ito. Gabriel is a chef. Ang ganda siguro kung mameet niya si Caye. Caye is a chef too.

"O? Kailangan mo Elisse?"

"Hahahha. Dito na mona ako tutulong boss. Sabi kasi ni pamela dito mona ako." I lied again.

Everything they know about me is all a lie. I give them wrong background about me. Hindi ko ginamit ang hestie klytryhs ozaki. Instead i used Elisse name.

I am now elisse smith.

Siguro nga i am the great pretender right? Hindi nila kailangan malaman na isa akong ozaki.

Dumating ang gabi. Naglilinis na kami. At papasara na ang restaurants.  "Elisse?"

Napatingin ako kay gabriel na papunta pala sa gawi ko. "Bakit?"

"Wanna join me for dinner?" Tatanggi sana ako kaso nagsalita na naman ito. "You can't say no to me Eli. That's an order." Umiling ako.

Napatawa ako ng nakabukas na agad ang shotgun seat. "You planning this? Am i right?" Natatawang sabi ko.

"Hahahaha. Masyado bang halata?" Napailing na naman ako ulit.

Pumunta kami sa isang fancy resrauarant. May reservation na kami agad do'n.

Hinayaan kona siyang siya ang nagorder. Hindi naman ako mapili sa pagkain.

Nang dumating ang order namin ay agad lang akong kumain. Gutom ako.

"Eli.."

"Hm?"

"Can i court you?"

"Sure." Sabi ko.

Pero nang marealize ko kung ano 'yon. Naduwal ko ang kinakain ko. "What?! Gosh! Are you crazy ?" Tanung ko sa kanya.

"Crazy over you?"

"Why me?"

"Because your elisse..." umilimg ako.

"Hindi mo pa ako masyadong kilala, gabriel." Saad ko.

"Then i will knowing you more."

"You're crazy!"

"Yes! I'm crazy! Nababaliw ako sa tuwing nakikita kita!" Nagulat ako do'n ha?

This is wrong.

"Gabriel, stop this okay?" Sabi ko.

"Alam ko naman hindi mopa ako gusto sa ngayon. Pero ipaparamdam ko naman sayo ang pagmamahal ko." Umiling ako sa ikatatlong pagkakataon.

"You just wasting time..."




"NAKITA mona siya?"

"Hindi mo naman makikita ang taong nagtatago." I hold my anger.

"Bakit kasi iniwan ko siya?" Saad ko.

"May rason ka naman."

"Pero wala akong paalam."

"Hayaaan mo mona."

Hestie nasaan kana ba? Bakit mo 'ko tinataguhan? Ang alam ko wala na siya sa paris. Pero ang sabi ng mama niya hindi pa rin siya umuuwi at nagpaparamdam.

Nagaalala na 'ko. Gusto ko man siyang ipahanap kaso privacy niya 'yon. Hahayaan ko mona siguro siya.

Namatay ang parents ko 1 month ago. Iyon ang dahil why i left Hestie there. At pinagsisihin ko bakit ginawa 'yon. Dapat pala hinintay ko nalang magising si Hestie non. But this is too late. Ayaw nang magkita ni Hestie ngayon sakin. Kitang kita ko din paano magbreak down ang bunso naming kapatid na si Caye. Kita ko din na nagbago ang pakikitungo ni Wave. Lahat nalang ang gulo gulo.

Hindi ko alam bakit nangyayari sakin to? Bakit nangyayari sa pamilya ko to? Alam kong hindi ako naging mabuting tao. Pero dapat bang pati mama ko kunin sakin?

At ngayon. Pati ang taong mahal ko wala na sakin. Ayaw na niya akong makita... natatakot ako na baka sa pagbalik niya hindi na niya ako mahal.

I feel numb.

Feeling ko napakawala kong kwenta. Nandito lang ako sa bahay. Wala ang si Caye dahil may meeting siya sa paris. Dapat kasama ako kaso iniwan niya 'ko. Si Wave naman ay hindi na umuuwi dito. Baka nasa condo 'yon. Ayaw niyang magstay dito dahil madami daw alaala dito.

Hinahanap parin namin kung sino ang gumawa no'n sa parents ko. Pero hanggang ngayon wala parin. Hindi parin namin nabibigyan ng hustisya. Nakausap kona din si hilton dito at ang secret detective na si blake.

I will fucking get my revenge soon...






Chasing The Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon