CHAPTER 6 | Practice

29 4 0
                                    

Via Samantha Asuncion

Mabilis na lumipas ang takbo ng mga araw.  Mas naging abala si Zach sa kaniyang Student Council works samantalang naging busy naman ako sa pagiging isang varsity player.

Just like the usual days, dumiretso ako sa sports complex ng university para sa regular practice ng Team.

Dahil medyo demanding ang mapabilang sa varsity, napilitan akong luwagan ang schedule ko.  Binitiwan ko na muna yung iba kong raket. Pero nagtu-tutor pa rin ako sa gabi para pambayad sa boarding house at ibang requirements sa school.

Kahit sa weekends ay nasa school ako para sa practice game. Kailangan kong magdoble-kayod dahil bagong pasok ako sa team.  Kahit may alam naman ako sa Volleyball, iba pa rin ang nagagawa ng constant practice lalo na't papalapit ang regional meet. Naka-schedule ito after nang aming Foundation Week.  Isa itong annual athletic meet na kung saan nagkikita-kita at nagtatagisan sa loob ng court ang mga players sa iba't ibang events sa iba't ibang universities and colleges sa rehiyon.

Inilagay ko sa aking designated locker ang aking gamit at nagpalit ng damit at sapatos pang-practice.

Dahil prestigious school itong eskwelahan namin ay kompleto kami sa mga gamit at facilities. May sarili kaming locker. Meron din kaming naka-issue na practice jersey at shoes kaya kahit nasa practice lang o kahit pa reserved player lang ay nakauniporme pa rin kami. This is one of those perks a varsity player gets to enjoy.

Kaya marami ring nagkakandarapa para makapasok sa ganitong scholarship. No wonder na marami pa rin ang nangangarap kahit malaki ang kapalit. Sabagay hindi naman alam ng lahat iyon.  Tawag nga ng iba sa aming mga pinalad na atleta ay "the lucky ones."

But little did they know kung anong consequence na mapunta sa posisyon namin. 

Inayos ko ang cycling ko bago tumakbo patungong gitna ng court. Gumawa ako ng sampung ikot sa palibot ng oval bago nag-proceed sa stretchings. Ganun din ang ginawa ng ibang mga atleta.  Kanya-kanya kami ng warm up.

Naririto rin ang ibang mga atleta sa ibang events. Tulad namin ay pinaghahandaan din nila ang nalalapit na regional meet.

Sa hudyat ng pagpito ni Coach Ronnie, agad kaming nag-form ng isang horizontal line paharap sa kaniya.

"Good afternoon athletes!" pasigaw niyang bati sa lahat.

"Good afternoon Coach!"

"Practice game tayo ngayon. Okay, proceed to your courts!" agad naman kaming tumalima.

"Ms. Asuncion." nilingon ko siya.

"Game captain ka sa Team B."

Nagulat man sa biglang pagbibigay niya sa akin sa mabigat na posisyon ay pinili kong hindi na lang makipagtalo sa kaniya.  Ginawa ko na lang ang sinabi niya.

Tinawag ko ang aking Team mates at nagbigay ng instructions.  Ako rin ang nag-assign ng kanilang posisyon at pwesto.

Umabot rin ng isa't kalahating oras ang nangyaring practice game. Katulad sa mga formal match, 5 sets of 25 ang ginawa namin.

Natalo ang aming Team.  Pabagsak akong naupo sa bleacher. Hapong-hapo ang katawan ko at ramdam ko ang pagdaloy ng pawis sa buong katawan ko.

"It's a close match Captain." sabi ng Libero sa Team ko.  Tinapik pa niya ang balikat ko saka naupo sa tabi ko.

"Wala eh.  Talo pa rin tayo."

"Not bad for a first-time Captain" aniyang nakangiti. 

"Salamat.  Magaling kasi ang mga teammates ko," sabi ko habang nagpupunas ng pawis sa aking mukha.

Thy WorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon