CHAPTER 27 | Barbie

35 4 0
                                    

Via Samantha Asuncion

"Zia baby,  gusto mo ba ito?"

Lumingon ako sa direksiyon ni Zia. Kasama niya ang kaniyang Tito Mike.

Kababalik lamang ni Mike mula sa kaniyang out-of-town trip. Almost one week din siyang wala kaya babawi daw siya ngayon. Hindi lang sa akin kundi pati na rin daw sa anak ko.

Hindi ko pa rin sinasagot ang panliligaw ni Mike. Hindi na rin naman niya binanggit pa sa akin ang tungkol doon. Pero wala rin namang nagbago sa paraan ng pakikitungo ni Mike sa akin buhat nang malaman niyang may anak na ako. Sa katunayan nga lagi niyang ikinukumusta sa akin si Zia. 

Binilhan pa nga niya ito ng pasalubong pagkauwi niya. 

Siguro iisipin ng iba na nagpapabango lamang siya ng pangalan or pogi points kumbaga kay Zia. Yung tipong winning the heart of a single mom is thru her child. Pero sa palagay ko naman ay hindi ganun si Mike. He's the sincerest person I know.  And I know that his intentions are pure.

Sa ngayon gusto ko munang magkalapit ang loob nila ni Zia. Sa tingin ko naman ay hindi matagal bago mangyari iyon. Mabait na bata rin naman si Zia. Magandang bata rin.

Hindi rin naman siya mahirap mahalin. Kaya sa palagay ko ay magkakasundo sila ng Tito Mike niya kung sakali.

Siyempre kung may papapasukin man ako sa buhay namin ni Zia, gusto ko yung taong tanggap siya, tanggap kami at mamahalin kami. 

"Gusto ko po yung may Barbie Tito Mike." Ang cute ng boses ni Zia habang itinuturo ang pink dress na may print na Barbie sa harapan.

Pinakuha ni Mike ang itinuro ng anak ko. Jusmio! Yung suot pala talaga ng mannequin ang trip nitong anak ko. May nangyari tuloy na hubaran...ng mannequin siyempre. Ito namang si Mike ay gusto kong sabitan ng medalya sa pagiging supportive kay Zia.

"Come here baby.  Try natin kung kasya sa'yo."

Tuwang-tuwa namang lumapit si Zia sa Tito niya. Lumapit na rin ako upang makitingin.

"Ayan kasyang-kasya nga sa'yo Zia."

"Aba ang ganda nga ng baby ko. Parang Barbie. Hmm...halika nga anak." Hinalikan ko si Zia sa pisngi. "Inabala mo pa si Tito Mike mo. Akin na Mike. Ako na ang magbabayad."

Pero hindi niya ibinigay sa akin ang dress ni Zia.

"Nope. It's on me, Via" aniyang nakangiti.

"Mike, ayoko namang gumagastos ka para sa anak ko. May pera naman ako. Ako na ang magbabayad ng damit niya."

"Alam ko naman yun Via. But this one is on me. Hindi mo naman ako pinilit. Gusto kong bigyan ng regalo ang anak mo." Hinawakan niya pa ako sa balikat.

"Pero di ba binilhan mo na siya ng pasalubong. Kaya akin na yan. Ako na ang magbabayad."

"Baby, ano nga uli ang sinasabi kapag matigas ang ulo ni Mommy?"

Aba't naghanap pa ng kakampi. I felt betrayed, anak.

"Mommy, just say yes. Pwissss."

Natawa na lang ako sa inasta ng anak ko. Kung di ko lang alam na hindi anak ni Mike si Zia, iisipin kong daddy's girl talaga siya.

Lalo lamang lumaki ang ngiti ni Mike. Inakay na niya si Zia.

"Come on Zia. Let's buy your shoes." Nakangiti namang sumunod sa kaniya ang anak ko.

"Let's go Mommy," anito pa habang akay ni Mike patungong estante ng mga sapatos.

May init na humahaplos sa puso ko habang pinagmamasdan si Mike na akay sa isang kamay si Zia.

Thy WorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon