CHAPTER 32 | Kisses and Rainbow

30 4 0
                                    

Via Samantha Asuncion

"Kiss! Kiss!"

Naghiyawan ang mga tao matapos i-announce ng judge na mag-asawa na kami ni Mike sa ilalim ng batas at pwede na naming halikan ang isa't isa. 

Para akong kinikiliti sa kilig sa mga oras na ito kaya nakitawa na rin ako sa mga taong naghihintay sa aming first kiss bilang mag-asawa.

The feeling I'm having right now is ineffable. Wala siguro sa kahit na saang diksyunaryo ang exact adjective na makakapag-describe ng tuwang nararamdaman ko sa aking puso.

I'd been through a lot of struggles my whole life. Pero masasabi ko pa ring swerte pa rin ako dahil ngayon finally ay biniyayaan ako ng isang asawang katulad ni Mike. I couldn't ask for more.

Truly, there's a rainbow after the rain. At si Mike, siya ang rainbow sa buhay ko. Siya yung nagpa-realize sa akin na hindi lang puro itim ang kulay sa mundo. Well, black is not even a color to begin with. Pero siya yung nagpakita at nagparanas sa akin ng iba't ibang kulay ng buhay.

"Love, you're blushing hard huh. You look even more beautiful."

Batid kong pulang-pula na ako sa mga oras na ito samantalang tuwang-tuwa naman si Mike sa nakikitang reaksiyon sa akin. 

Tinawid ni Mike na ngayon ay legal ko nang asawa ang aming pagitan hanggang sa ilang sentimetro na lang ang layo ng aming mga mukha.

Yumuko siya konti at inangat ko naman ang aking mukha upang salubungin ang kaniyang labi.  Nagpa-unlak kami ng isang mabilisang halik sa harap ng mga taong saksi sa aming pag-iisang dibdib sa araw na ito.

Isang civil wedding lang ang napagpasyahan namin ni Mike para sa aming kasal. Isusunod na lamang namin ang kasal sa simbahan kapag nagkaluwag-luwag na kami sa aming schedule. Sa ngayon kasi, marami kaming nakalinyang plano ni Mike.

Nariyan ang Laguna Project na ibinigay niya sa akin. Pero siyempre aalalayan ako ni Mike lalo na ngayong asawa ko na siya. Maliban dito, marami pang nakalinyang projects ang Alta Monte sa mga susunod na buwan.

Ginanap ang aming kasal sa isang five star hotel sa Makati. Exclusive ito sa mga malalapit naming kaibigan at kamag-anak. Si Mama, Gwen at Zia lang naman ang umattend sa side ko.  Ang ibang mga bisita ay mga amiga at amigo ng mga Samonte at mga empleyado ng Alta Monte.

Basta ang mahalaga ay kasal na kami ni Mike, ng lalaking minahal ako, tinanggap ako. Nang buong-buo.

Pagkatapos ng seremonya ng civil wedding ay ginanap naman ang reception na kung saan may inihandang mini program.

Mike and I had our first dance as a married couple.

"It's okay baby. I got you" bulong ni Mike habang ina-assist ako sa gitna ng stage. 

Hinalikan pa niya ang aking nanlalamig na mga kamay bago inilapat sa kaniyang balikat. Siya naman ay humawak sa bewang ko.  Kaya iniyakap ko na sa leeg niya ang aking mga braso. 

Nakaramdam ako ng kapayapaan ng isip at damdamin sa pagkakayakap sa asawa ko. 

Sa kalagitnaan ng kanta ay nagsilapit na ang mga bisita upang magsabit ng paperbills sa amin ni Mike.  Pinangunahan ito ng kaniyang Mama at Papa na nagsabit ng dalawang makakapal na brown envelope sa aking bridal gown at sa tux ni Mike. Sumunod naman ang ibang mga bisita. Ngayon ay napuno na ng mga perang papel ang suot namin ni Mike. 

Natawa na lamang kami matapos makita ang aming mga itsurang parang binalutan ng pera.

Nakakalula. Hindi ko maestima kung magkano ang kabuuan ng perang naisabit sa amin pero tiyak kong malaking halaga iyon.

Thy WorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon