CHAPTER 20 | Chance

33 3 0
                                    

Via Samantha Asuncion


"Wala na bang chance na makita natin ang tatay mo Via?"

Napalingon ako sa tanong ni Mama.

Ilang taon na rin ang nagdaan. Ngayon na lang uli niya binanggit ang tungkol sa tatay ko.

"Ma, wag na po natin siyang hanapin. Dahil kung talagang gusto niya rin tayong makita, matagal na tayong nagkita-kita. Di ba sabi ninyo ay mayaman ang lalaking yun? Eh di sana matagal na niya tayong nahanap. Walang balak magpakita sa atin yun."

"Galit ka ba sa tatay mo anak dahil iniwan niya tayo?"

Mapakla akong napangiti.

Hindi naman niya kami basta lang iniwan. Itinakwil niya kami. Higit pa yun sa isang simpleng pag-iwan lang.

Kaya to be honest, higit pa sa galit ang nararamdaman ko sa tatay ko.

And I know my feelings are valid. Kahit sinong anak na iniwan, itinakwil ay magtatanim ng poot sa kaniyang magulang.

Pero kailanman ay di ko nabanggit ang tungkol dito sa nanay ko although palagi ko siyang dini-discourage noon na hanapin pa ang tatay ko.

Ayoko lang kasing bigyan siya ng pag-asa na hindi naman din mangyayari.

Akala ko nga ay tuluyan na niyang nakalimutan ang tungkol sa lalaking yun.

"Wala naman ho sigurong anak na matutuwa Ma kapag nalaman nilang iniwan sila ng tatay niya at hinayaang magdusa."

"Anak, siguradong may dahilan ang tatay mo kung bakit niya nagawa yun sa atin."

"Siguro nga Ma."

"Hindi mo ba siya kayang patawarin kung sakali anak?"

Sinalubong ko ang tingin ni Mama.

Ang chance na makita namin siyang muli ay posible pa. Pero ang mapatawad ko siya sa ginawa niya, mukhang imposible. 

Baka mapapatawad pa rin siya ni Mama. Pero ako? Hindi ko magagawa. Hindi ko pa kaya. 

Masyadong malalim ang sugat na idinulot niya sa mga buhay namin.  Na kahit ilang pagbabalik at paghingi ng tawad ang gawin niya, hindi na maibabalik ang buhay namin at ang pangalan kong nasira.

Ipinagkibit-balikat ko na lamang ang tanong niya. Tinigil naman ni Mama ang pagtatanong. Tila yata nabasa na niya ang sagot ko.

Hanggang ngayon ay hindi alam ni Mama ang nangyari sa amin ng tatay ko. Hindi na niya dapat pang malaman. 

Masaya na akong nailabas ko si Mama sa Mental Facility. Hindi naman ako nahirapan dahil nagpakita naman ng consistent improvement si Mama sa kondisyon niya.

Hindi rin naman siya bagay sa lugar na iyon. She was just depressed. She might have lost her will to overcome her frustration but not her sanity.

But because money can do the work, she was confined there and labelled insane. Thanks to the great donor of my genes.

Hindi na ako pumalag noon dahil naisip kong wala rin naman kaming future ni Mama kung sa labas siya.

Hindi siya makabalik sa trabaho sa sobrang depresyon. Hindi ko rin naman siya maitataguyod noon dahil kulang pa para sa sarili ko ang perang kinikita ko noon. 

Kung doon siya, may titingin at mag-aalaga sa kaniya kapag nasa eskwela ako. Hindi siya mamomroblema sa pagkain at matitirhan. Baka kung ipinaglaban ko siya noon, lalo lamang kaming nalugmok sa hirap at dusa at hindi na nakaahon pa.

Thy WorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon