CHAPTER 36 | Unveiled

31 3 4
                                    

Via Samantha Asuncion

"Welcome back po Ma'am Via.  Namiss ka po namin" bati sa akin ni Martin pagdating ko sa opisina ngayong umaga. 

I took a leave for about a week to personally take care of my daughter Zia.  She was discharged from the hospital 3 days ago and she's recuperating at home.

Zia had braces on her leg and arm kung saan ang impact ng pagkakaaksidente niya. She really needs someone to take care of her 24/7.

Meron naman sanang kinuhang nurse si Mike pero tumanggi na ako. Masyado nang malaki ang naitulong ng pamilya ni Mike sa pagpapa-ospital kay Zia. Ayoko namang pati ang pag-aalaga sa kaniya ngayong nagpapagaling siya ay iasa ko pa sa kaniya kaya nag-file na lamang ako ng leave sa opisina. 

Ngayon ay si Mama naman ang nag-volunteer na mag-alaga sa apo niya. Natuwa naman ako dahil makakapasok na akong muli sa trabaho at eskwela.

I'm a career woman. Pero siyempre, my daughter is still my top priority.  She's my everything.  She's my life.

Kung kakailanganin kong mag-leave nang mas matagal para sa anak ko hanggang tuluyan siyang gumaling ay gagawin ko. Thankful na lang din ako dahil maraming nagmamahal sa amin kaya hindi ako nahihirapang alagaan siya. 

"Thank you Martin. Ikaw talaga.  Siyempre na-miss ko rin naman kayo at saka itong cubicle ko. By the way, may presentation si Sir Brandon mamaya di ba? May maitutulong ba ako?"

Inilapag ko na ang gamit ko sa aking lamesa at hinarap na agad ang computer. 

"Okay na ang presentation ni Sir Brandon Ma'am Via. Naayos na po namin." Ani Martin.

"Naku Via. Para ka ring si Sir Michael sa pagiging workaholic. Uso pahinga uy. Kababalik mo lang eh." Sumingit na si Erise. 

"Yun na nga eh. Kababalik ko lang kaya kailangan kong bumawi." Depensa ko naman.

"Sus. Ikaw talaga. Para namang hindi mo asawa ang CEO ng kompanyang ito. Kahit nga hindi ka na pumasok e okay lang naman yun," ani Erise. 

"Good morning po Sir Brylle. May kailangan po ba kayo?" Si Kim na parang kinikiliti habang nakatitig sa kadarating lang na lalaki.

Lumingon ako sa entrance ng aming department. Nagtagpo ang mga mata namin ni Zach. 

"Via." His stare is unfamiliar. Even his tone is soft. 

"Zach?"

"Taray. First name basis ah." Tudyo ni Erise sa tabi ko.

Ipinilig ko ang ulo ko nang ma-realize kung nasaan kami. Ngayon ang buong atensyon ng aking mga kasama ay nasa amin.  Nagpalipat-lipat sa aming dalawa ang nagtatanong nilang mga mata.

"Can I talk to you Via?"

"Well, you can-"

"In private," dugtong ni Zach.

Bago pa man ako nakatayo para sumunod sa kaniya ay napalingon kaming lahat sa may-ari ng maingay na pares ng 5-inch stilleto na papalapit sa aming lugar. Lumitaw sa harapan namin ang kapatid kong si Sabrina.

"What a perfect timing! Stop right there Mr. Zachary Brylle Romero. Mabuti an ring nandito kayong dalawa."

Tila kung sino itong awtoridad na nagmando kay Zach na huminto sa paglakad. Huminto naman si Zach at pumihit paharap.

Now, were all facing each other. Zach's expression is clueless yet irritated at the same time. Sabrina definitely is fuming in anger. 

Basically I can't read my half-sister's mind but I can tell from her expression that this is gonna be a hot encounter. 

Thy WorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon