CHAPTER 39 | Family Day

28 4 0
                                    

Via Samantha Asuncion

Napapitlag ako sa pagtunog ng alarm clock na nakapatong sa night table.  It's 5:00 in the morning. 

Pinatay ko na ang alarm clock at nagtuloy-tuloy na sa kusina.

Nagmumog muna ako saka itinali sa pataas na bun ang lampas-balikat kong buhok bago nagsimulang magmaniobra sa kusina.

I fried egg and sausage for our breakfast. Nag-toast na rin ako ng bread and nagtimpla ng gatas. 

Bumalik ako sa silid para gisingin si Zia pero nakasalubong ko na siya sa labas pa lang ng kwarto. 

"Good morning baby. You're up already? Mukhang excited sa school ah. Come. Breakfast na tayo."

After one hour na paghahanda, Zia and I were ready to leave the house. By quarter to 7am ay nasa gate na ako ng school ni Zia.

She's now in Grade 1. Ang bilis nga ng panahon eh. Halos kahapon lang noong ipanganak ko si Zia tapos ngayon ay Grade 1 na talaga siya.

Mula nang gumaling ang kaniyang mga sugat at nakalakad na siya nang normal ay muling bumalik sa pagiging bibong bata si Zia. Siyempre nagmana yata sa akin ang anak ko. 

As a matter of fact ay napaka-independent na rin niya sa school kahit nung nag-kindergarten siya a year ago. Although hinatid-sundo rin namin siya ni Mike noon. Salitan din kami ng totoo niyang tatay, pero hindi siya yung tipong palaging nakaabang lang sa bintana at parang binabantayan ka tapos pag mawawala ka saglit ay iiyak na. 

She actually graduated with flying colours. Tuwang-tuwa nga sina Mama at ang mga magulang ni Mike nang sabitan nila ng maraming medals sa stage si Zia noong graduation nito sa kinder.

Masaya ako dahil hindi sinapit ni Zia ang buhay na kinamulatan ko. At paninindigan kong bibigyan ko siya ng magandang buhay at magandang kinabukasan. 

"Aba! Excited na excited naman ng anak ko. Did you bring all your things na baby?"

"Opo Mommy. Let's go na po. We're gonna prepare pa for our dance number."

"Sige. Tara na sa room mo anak para makapag-practice na kayo."

Hinatid ko na siya sa room niya at ibinilin ko muna sa bago niyang class adviser.

"Mommy.  Baka ma-late na po kayo sa work. You can just leave me here Mommy. I will be fine. And Teacher Jenny will take care of me di ba Teacher?"

Natawa na lang kami ni Teacher Jenny, na adviser niya. 

"Okay sige anak. Mommy will be leaving for work na. Be a goodgirl ha? See you later.  Bye baby.  I love you."

"Bye Mommy. Take care. I love you."

I kissed her on the forehead before I took my leave. 

Ipinark ko na muna ang kotse kong nabili ko na second hand mula sa katas ng mga designs na kinomisyon ko. 

"Good morning po Ma'am Via."

"Good morning Mang Santi." I greeted back at the guard who's stationed at the entrance of the Alta Monte Tower.

Yes! I'm so back!

Dumiretso agad ako sa Architectural Design Department. Isa-isang yumukod ang mga nakakasalubong kong empleyado upang batiin ako. 

Lagi ko naman silang ginagantihan ng pagbati. Sila yung mga taong unang tumanggap sa akin dito kahit wala akong sapat na credentials noon. Sila yung mga taong hindi napagod sa pagtitiwala sa akin sa kabila ng maraming nangyari sa akin.

Thy WorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon