CHAPTER 40 | Anniversary Blast

30 3 1
                                    

Via Samantha Asuncion

Isang nakangiting Erise ang sumalubong sa akin sa hallway.

"Hi Erise. Come in. May kailangan ba akong pirmahan na proposal?" Niyaya ko siya sa loob ng aking opisina.

"Ay wala naman Via. Pansin ko lang na ang lapad ng ngiti mo ngayon ah."

"Ha? Eh lagi kaya akong nakangiting ganito nuh. Saka ano namang bago sa ngiti ko ngayon kesa dun sa kahapon? Ikaw talaga Erise lahat  na lang talaga pinapansin mo sa akin. Ano ba kasi yung kailangan mo?"

"Wala nga kasi sabi eh."

Pinihit ko na pabukas ang pinto ng aking opisina.

"Wow Via! As in wow! Sabi ko na nga ba eh. May kakaiba talaga dyan sa ngiti mong yan eh. Ganda-ganda mo girl. Haba-haba ng hair mo Te. Talagang sumasayad sa marmol na sahig eh ano."

Natawa na lang ako sa reaksiyon ni Erise. Siyempre tulad niya ay natutuwa rin ako sa surpresang bumungad sa akin.

May wall decorations ako sa loob ng aking office ng Happy Anniversary with matching balloons, confetti and iba pang mga abubot na pakulo ni Mike. That's so sweet of him. He never fails to surprise me and make my heart flutter kahit alam kong Sarah made this possible for him. Pero siyempre the idea came from him so credit still goes to him somehow.

I'm one lucky wife.

And hindi pa rito nagtatapos ang pakulo ni Mike para sa aming first wedding anniversary. Isa-isa ring dumating ang iba pang surprises na pina-deliver niya sa aking opisina.

12 stems of pink roses. 12 boxes of imported chocolates. 12 heart-shaped mini balloons. And 12 paper bags ng only God knows kung anong laman ng mga iyon at magkano ang halaga ng bawat isa. Aba ang galante naman ni Mr. Samonte. E kailan nga ba hindi di ba? Talagang nakakalulang magmahal ang isang Mike Samonte.

Malayo pa naman ang Christmas pero may paandar na 12 churva itong si Mr. Samonte. Meron din naman akong inihandang anniversary gift sa kaniya pero napakaliit kumpara sa mga bagay na nakatambad ngayon sa aking harapan.

"Mam Via! Dali po. May kaguluhan po sa groundfloor!

Wala na akong nagawa kundi sumunod kay Sarah nang hilahin niya ako pasakay sa elevator.

"Naku Sarah ano ba kasi ang nangyayari sa baba? Pwede bang kumalma ka nga muna. Aatakihin ako sa puso sa'yo eh. Chill. Tell me. Isa na naman ba ito sa paandar ng boss mo?" panghihimutok ko habang papalapit na kami sa groundfloor ng Alta Monte Tower.

Mike filled my whole morning with surprises. Yes I was surprised and I was really moved by his sweet gestures. I know he has all the rights to do what he just did but for me, it was beyond what he should do as my husband.

Habang nasa loob kami ng elevator ni Sarah, ang lakas ng kaba sa dibdib ko that I can almost hear my heart pounding. I was hoping that this is just a part of Mike's scheme of surprising me on our first wedding anniversary. Alam ninyo na yung kadalasang prank natin noon sa mga teachers natin --na kunwari ay may nagkakagulong classmates tapos pagdating ng teacher, tada! It's a prank and it's a surprise. At nahimatay si teacher. So nasurprise sila instead.

But when we reached the ground floor, I suddenly lost my strength. Good that Sarah was still holding my hand.

I saw Mike lying on the floor with blood stains all over his face and his office suit. His face is almost unrecognisable due to multiple bruises he gained from whatever happened to him.

"W-what happened?" Halos bulong na lang ang lumabas mula sa bibig ko. I felt my body shiver.

Sinubukan kong ihakbang ang mga paa ko papunta kay Mike pero natigilan ako sa narinig ko mula sa isa pang lalaking duguan din. Hawak siya ng mga gwardiya dahil hindi pa rin siya paaawat kahit na pumutok na rin ang labi niya at nabahiran na ng pulang likido ang suot niyang inner long sleeves.

Thy WorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon