CHAPTER 29 | Link

30 4 0
                                    

Via Samantha Asuncion


Absent si Erise ngayon dahil may dinaluhang kasal ng pinsan kaya si Mayca muna ang kasama kong bumaba sa caf para mag-lunch.

She's so back. I'm happy that I was able to convince her to keep her work and to keep her baby.

"Pila muna ako Via ah. Parang nagke-crave ako ng fruit salad ngayon" aniya at pumila na para bumili ng pagkain. 

Ako naman ay naghanap na ng bakanteng mesa. Nagbabaon na ako ng lunch para di na ako gumastos pa.

Si Mama ang naghahanda ng ibabaon ko. Bibitbitin ko na lamang sa aking pagpasok. 

Nilapag ko ang aking lunchbox sa bakanteng mesa. Nakita ko si Zach sa isang sulok. Mag-isa siyang kumakain. Kaya nilapitan ko siya.

May gusto lang akong linawin sa lalaking ito.

"Excuse me Mr. Romero."

Napa-angat siya ng tingin. Saka inalok sa akin ang katapat na upuan. Naupo naman ako para makapag-usap kami nang maayos.

Medyo malayo naman itong kinaroroonan namin sa ibang mga empleyado ng Alta Monte na kumakain ng kanilang lunch kaya kampante akong hindi nila maririnig ang sasabihin ko kay Zach.

"Yes Ms. Asuncion.  How may I help you?"

"Zach pwede ba, tigilan mo na ang ginagawa mo."

"What exactly are you referring to Ms. Asuncion?"

"Pwede ba, wag na tayong maglokohan pa rito.  Alam kong binigyan mo ng laruan si Zia.  Nakikiusap ako Zach. Please, lubayan mo na ang anak ko. Ibinigay ko ang gusto mo noon. Hindi na ako nakipag-ugnayan pa sa'yo tulad ng sinabi mo. Kaya sana naman ay magawa mo rin ngayon ang gusto ko. Tigilan mo na ang paglapit sa anak ko."

"Anak ko rin siya Via" mariin niyang sabi na tila ba nakatitiyak siyang anak nga niya si Zia.

"Zach, nagkaanak tayo. Oo noon yun. Pero wala na siya. Si Zia... hindi mo siya anak. Anak ko siya."

"Kung ganun, sino ang ama niya? Gusto ko siyang makilala."

"Isang taong nakilala ko lamang sa isang bar noon ang tatay niya. Hindi ko na hinabol. Wala na rin akong pakialam kung nasaan siya."

Na-anticipate ko na na maaaring isa ito sa mga hahanapin sa akin ni Zach kapag pinush kong hindi niya anak si Zia kaya naghanda na rin ako ng pwedeng isagot. 

Heto nga ngayon ay nasagot ko nang hindi ako nauutal. 

Hindi na siya sumagot pa pero kita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamay na nakapatong sa mesa.

Marahil ay iniisip niyang napakarumi ko namang babae dahil kung sinu-sinong lalaki lamang ang pinapasok ko sa buhay ko. 

Pero wala na rin akong pakialam pa sa maaari niyang isipin sa sinabi ko.  Hindi na mahalaga sa akin kung iisipin niyang maraming lalaking nagdaan sa buhay ko.

Sa mga napagdaanan ko, hindi na mahalaga pa kung ano ang iisipin ng ibang tao. Ako ang higit na nakakikilala sa sarili ko.

Saka kung totoong mahalaga ako para sa isang tao, makikita niya ang tunay na halaga ko. 

Bumalik na ako sa aming mesa.  Narito na rin si Mayca. Sinundan ko na lamang ng tingin ang paalis na si Zach.

"Kumusta na pala ang pakiramdam mo Mayca? Nakakaramdam ka na ba ng pagkahilo?"

"Medyo pero okay naman. Hindi naman masyadong malala ang morning sickness ko."

"Hindi ka ba nahihirapan gayong mag-isa ka lang sa tinitirhan mo?"

Thy WorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon