CHAPTER 4 | Plea

34 5 0
                                    

Via Samantha Asuncion


"Via? How are you? Sorry hindi tayo nagkita sa school. By the way, klase na sa Monday. Naka-enrol ka na ba?" tanong ni Zach sa kabilang linya.

Isang malalim na buntung-hininga ang aking pinakawalan bago sinagot ang kaniyang tanong.

"Hindi pa nga eh. Inaayos ko pa yung tungkol sa scholarship ko."

"I see.  Gusto mo bang kausapin ko si Prof. Elizalde para sa'yo?"

Nataranta ako sa sinabi niya. Ayoko namang madamay pa si Zach sa gulong pinasok ko.  Ako ang gumawa nito kaya ako rin ang mag-aayos. 

"Ay hindi na Zach. Ako na ang kakausap sa kaniya. Salamat sa pag-aalala sa akin. Okay lang ako. Promise. I can handle this."

"Sige kung yan ang gusto mo. Basta magsabi ka lang kung may maitutulong ako. I love you, Via ."

"I love you too Zach."

"Ay nga pala Via muntik ko na tuloy makalimutan.  Narinig ko lang ang I love you mo." Na dinugtungan pa niya ng yiehh sa kabilang linya.

"Sira." baka nahampas ko na naman siya pag magkaharap kami. Pero inaamin kong kinilig ako dun. "Ano ba kasi yun baby?" na bahagyang pinalambing pa ang aking boses.

"I miss you Baby. Nga pala hindi ako masyadong makakatawag sa'yo this week. Tinatapos pa kasi namin ang backdrop para sa stage."

"No worries Zach." sabi ko.

Alam ko namang marami siyang pinagkakaabalahan ngayon sa Council dahil sa nalalapit na Foundation Week ng University.

Gusto ko nga sana siyang tulungan kaya lang meron din akong problema na kailangan ko munang ayusin. Saka nagkapatong-patong pa yung mga nakuha kong raket. Hindi ko naman mabitawan lalo na ngayong nanganganib akong maalis sa pagiging scholar.

Ay! Inalis na pala. Tsk! Napamura na lang ako sa nararamdamang frustration ngayon.

Hindi pa rin ako makapaniwalang mangyayari sa akin ang nangyayari ngayon. 

Nakapasok ako sa university dahil lamang sa isang scholarship. Kapalit nun ay kailangan kong mag-maintain ng average grade na 1.75 bawat semester dahil sa academic scholar ako ng university.

I did just well for the past 3 years and 1 semester, I guess. Kahit kaliwa't kanan ang raket ko, naitawid ko naman nang maayos ang mga grades ko kaya umabot ako hanggang dito.

Unfortunately, ang pinakaiingatan kong scholarship ay parang bulang nawala sa akin.

Napahilamos na lang ako sa sariling mukha sa labis na dismaya.

Iniwan ko sandali ang gamit ko sa bleacher at bumaba sa malawak na oval ng sports complex ng university.

May tutorial sessions ako in a while at magpa-part time din ako sa isang laundryshop kung kakayanin pa ng oras ko.

Pero ayokong mag-tutor na tuliro ang isip ko. Gusto ko munang makapag-release kahit papaano ng nararamdaman ko ngayong frustration sa buhay. 

Gusto kong sumigaw, ipagsigawan ang  unfairness ng mundong ito. Pero naalala kong wala nga pala ako sa tuktok ng bundok kung saan pwedeng isigaw sa kawalan ang halo-halong emosyong meron ako ngayon.

Kaya idinaan ko na lamang sa lakad-takbo ang mga problema ko sa buhay.

Hindi ko na nabilang kung ilang rounds ang nagawa ko. Ang alam ko lang ay habol ko ang aking hininga nang bumalik sa taas ng bleacher upang kunin ang mga gamit ko. 

Thy WorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon