CHAPTER 13 | Offer

28 5 0
                                    

Via Samantha Asuncion

"What is it this time Mike?" inis na tanong ko sa kabilang linya.

"Where are you at?  I'll pick you up."

I rolled my eyes. This is not so foreign to me.  Pamilyar na ako sa mga linya niyang ganito.  Still I'm not getting used to it. 

"Nasa bahay ako" direkta kong saad.

Napalingon sa akin ang couple na dumaan sa tabi ko. 

I smiled shyly.  Naglaglagan pa ang mga folders na yakap ko kanina.   Bahagya pa akong natigilan nang maalalang naka-pencil cut skirt nga pala ako. Yumuko pa rin ako para pulutin ang mga nalaglag na folders. Buti na lang hindi nagkalat ang mga laman nito. Pinagpag ko para maalis yung mga duming dumikit sa mga ito.

"Sige na," ani ko nang maalalang nasa linya pa pala si Michael.

"I'll be there in a bit. Let's have coffee somewhere."

"May ginagawa ako," agap ko. 

Hindi kape ang kailangan ko ngayon.  Kailangan kong makahanap ng trabaho.

 

"Okay." He hanged up soon.

Nagtatakang tiningnan ko na lang ang aking cellphone.  

Anong problema nun?  Napailing na lamang ako.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad sa kahabaan ng Makati.  Rinig na rinig ang tunog ng takong ng aking beige stiletto sa bawat paghakbang ko. 

Tiningnan ko ang address sa dalang folder.  Lumipat ang tingin ko sa pangalang nakasulat sa harap ng isang di-kalakihang building sa kanan ko.

Nagmamadaling tumawid ako sa kabilang kalsada at pumasok sa loob ng gusali. 

"We'll just give you a call sooner to confirm your application" anang matandang babaeng nakausap ko sa reception.

Oh, that line again.  Ang dami na marahil naloko ng linyang yan.  Tatawag kamo para i-confirm ang application. Bakit ba kasi di na lang nila sabihin na hindi ako tanggap?  Dahil ang totoo'y wala naman talagang tawagang nangyayari. Nagsayang pa ako ng bondpaper at ink sa mga pinasa kong application.

Why are some people fond of giving us false hopes? I let out a deep sigh.

Tumingin siya sa akin.  Wala man lang katiting na sense of hospitality sa aura niya. 

Hindi rin nakaligtas sa akin ang ginawa niyang paghagod sa kabuuan ko na para bang modelling agency itong pinag-aplayan ko at kailangan niyang i-scan ang pigura ko mula dulo ng kuko ko sa paa hanggang sa dulo rin ng buhok ko. 

Swerte siya dahil hindi ako ang boss niya. Dahil pag nagkataon na employee ko siya, hindi siya aabot ng isang oras sa trabaho niya.

Okay halos senior citizen na siya.  So what?  Hindi ko palalagpasin ang kagaspangan ng ugali niya. Binawi ko sa kamay niya ang ibinigay kong application letter.  Umismid ako at tinalikuran siya.  Dumiretso ako sa exit.

Hindi na ako nag-abalang tingnan pa ang naging reaksiyon niya. Pero kung ano man yun, sigurado akong hindi niya makakalimutan yun sa bawat araw na uupo siya sa lugar niya.

Palihim kong sinipat ang sarili ko sa nadaanan kong salamin sa isang fast food chain.

Black halter top na tinabunan ng beige coat at tinernuhan din ng beige pencil-cut skirt ang suot ko.  Ang buhok kong lampas balikat ay kinulot-kulot kong konti sa dulo. Naglagay din ako ng light make-up para mas maayos akong tingnan. 

Thy WorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon