CHAPTER 26 | Bastard

31 5 0
                                    

Via Samantha Asuncion


Tahimik ang department nang dumating ako. Hindi tulad ng nag-aalsa kong damdamin. 

Saglit akong napatigil nang matapat sa lugar ni Sarah. Hinihintay kong sabihin niya sa aking may summon na naman ako mula sa opisina ni Zach. 

Pero ngiti lang ang ibinigay niya sa akin ngayon kaya ngumiti rin ako pabalik. 

Hindi naman pala siya tulad ng iniisip namin dati ni Mike sa kaniya. Akala kasi namin may lihim na pagtingin si Sarah sa lalaki niyang boss.

Wala naman pala. Paano ko nalaman? Ipinarating niya sa akin noong isang araw after nung wedding anniversary ng parents ni Mike ang pagsuporta niya sa aming relasyon kung sakali. 

"Mas bagay po kayo Miss Via kay Sir Mike kesa doon kay Miss Sabrina. Naaalibadbaran po ako sa tuwing nakikita ko ang babaitang yun sa opisina. Kung hindi nga lang po dahil kay Sir Mike baka matagal na po akong napa-resign dito. Hindi ko po keri ang ugali ng babaeng yun. Kaya ayaw na ayaw po naming siya ang mapapangasawa ni Sir Mike. Kawawa naman po ang Alta Monte kung sakali."

"Bakit mo naman nasabi yan?" napatanong na rin ako.

"E kasi po tiyak na marami pong magri-resign at matatanggal sa trabaho kung naging isa na po siya sa mga may-ari nitong kompanya."

Hindi na ako sumagot pa. Kahit gigil at hindi ko rin minsan ma-take ang pagka-demonyita ng babaeng yun, ayoko namang sirain siya sa mga taong nakapaligid sa kaniya kapag nakatalikod siya. After all, half-sister ko pa rin siya.

"Via pwede bang ikaw na muna ang tumapos nitong ipinagawa ko kay Mayca?"

"Sige po Sir Brandon. Wala naman po akong masyadong aasikasuhin ngayon."

Sinulyapan ko ang cubicle ni Mayca. Wala pa rin ito. Mag-iisang linggo na nga itong hindi pumapasok. 

Kahit hindi naman talaga kami close ni Mayca tulad ni Erise, nag-aalala ako sa kalagayan niya.

"May balita na po ba kayo kay Mayca Sir Brandon?" Si Erise.

"Oo nga Sir. Nag-aalala na kami sa kaniya. Ngayon lang po hindi pumasok iyon eh. Almost one week na siyang wala. Nakakaloka ang babaeng yun. Ano kayang nangyari sa kaniya?  Ako nga nung na-heart broken ako kay Sir Brylle eh pumasok pa rin ako" pabiro namang komento ni Kim.

"Aray!"

Hinampas siya ni Martin.

Pati si Maureen ay sumabad na rin sa usapan.

"Bisitahin po kaya natin si Mayca Sir Brandon."

Lahat kami ay napalingon sa kaniya na tila ba nakarinig kami ng isang milagro.

Pagkatapos ng trabaho ay nagkanya-kanya ng ligpit at uwi ang mga empleyado ng Alta Monte. 

Pinauna ko na sina Erise. Ako naman ay tumulak sa tinitirhan ni Mayca. Pero wala siya sa kanilang bahay.

Sinubukan kong puntahan ang address na ibinigay sa akin ng nakausap kong babae.  Kasambahay ata nila. 

"Kumusta ka na Mayca?"

"Anong ginagawa mo rito Via? Paano mo nalaman itong lugar ko?"

Nabasa ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha. 

"Huwag kang mag-aalala Mayca. Mag-isa lang akong naparito. Gusto lang kitang kumustahin."

Naiintindihan ko ang pangamba niya. Alam kong nagtatago siya dahil sa kalagayan niya.

Thy WorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon