CHAPTER 5 | Deal

34 4 0
                                    

Via Samantha Asuncion

Palinga-linga ako sa paligid habang binabagtas ang hallway ng isang hotel na bahagyang naiilawan ng mga wall lamps.

Hindi ako makapaniwalang naririto ako ngayon sa isang lugar na ito. Tumigil ako sa paghakbang nang makita ko ang room number na nakasulat sa key card na hawak ko.
 

Nagtatalo ang isip ko kung itutuloy ko ang gagawin ko o umalis na lang sa lugar na ito.

Pumihit ako pabalik sa pasilyong pinanggalingan ko.

Hindi ako pinalaking ganito ng Mama ko.  Hindi ko kayang gawin.

What about your scholarship Via? 

Napaisip na naman ako. Gusto kong umiyak. Gusto kong magwala manumbat kung bakit mapanakit ang mundo sa akin.

Napasandig ako sa dingding. Ramdam ko ang lamig ng semento sa aking likod. Nanlalamig ang aking mga kamay at nanlalambot ang aking mga tuhod. Lito ang isip kong hindi mawari kung saang direksyon ihahakbang ang mga paa.

Alam kong may kapalit ang anumang gagawin ko. Pero kailangan kong magpasya.

After contemplating on my present situation, I realized I have no options to choose from in the first place.

Itinapat ko ang keycard sa sensor ng pinto at hinakbang ang nanginginig kong mga paa papasok.

Agad akong sinalubong ng lalaking sa tingin ko ay kagagaling lang sa shower.  Nakabalabal ang puting tuwalya sa kaniyang bewang.

Langhap na langhap ko ang mabango niyang aftershave nang lumapit siya sa akin.  Napapitlag ako nang simulan niyang haplusin ang aking braso pataas sa aking balikat.

"I knew it.  Alam mo bang mas lalo akong ginaganahan sa mga katulad mong maprinsipyo sa umpisa pero bibigay rin naman pala di-kalaunan," bulong niya sa akin.

Nagtangka siyang halikan ako sa batok kaya naitulak ko siya.  Paupo siyang bumagsak sa naghihintay na queen-size bed.

Niyakap ko ang sarili at tinakbo ang nakasarang pinto.
 

Tumawa siya nang nakakaloko.

"I'm afraid it's too late to run away Miss Asuncion."

"Hayop ka!  Oportunista!" bulyaw ko mula sa pintuan.

"Zach Romero? He's a good friend of mine though hindi na kami nagkikita madalas ngayon. I miss that kid. Should I give him a call right now to come and pick you up?" Umakto siyang kukunin ang kaniyang cell phone na nasa night table.

Lalo lamang akong nataranta.

"Teka, saan ko ba siya papupuntahin? Shall I let him wait downstairs or I will just give him our room number-"

"Please don't!" I cut him off.

Hinabol ko siya at pinaghahampas. Hinawakan niya ako sa aking palapulsuhan at hinapit papunta sa kaniyang katawan na natatakpan na lamang ng isang maliit na tela.

"Whether you stay or you run, you'll have the same fate Miss Asuncion."

Nilingon ko ang isa pang mesa. Fuck!  He's recording everything!

"Masahol ka pa sa hayop! Bitiwan mo ako!" pagpupumiglas ko at agad na sinugod ang video recorder upang sirain ito.

"Oops! Not too fast, my dear. You'll end up breaking my dear camera. That will be another liability. Won't do  you good either."

Thy WorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon