CHAPTER 1 | Average

121 7 0
                                    

Via Samantha Asuncion

"Okay kids. Games naman tayo next dahil pagod na si Kitty. Kailangan na niyang magpahinga. Game?" tanong ng party host sa mga bulilit na nakakapit sa akin.

Ilang segundo ang lumipas pero nanatiling nakapalibot sa akin ang mga paslit na aliw na aliw sa Hello Kitty costume ko. Waring hindi nila narinig ang sinabi ng host. Ang iba ay talagang mahigpit pang nakakapit sa aking mga kamay.

Pawis na pawis na ako sa makapal na costume na suot ko. Ramdam ko na ang mga pawis na mistulang ilog na dumadaloy sa bawat bahagi ng aking katawan. Kating-kati na rin ako sa suot ko. Pero dahil sa kumikitang kabuhayan, kailangan kong tiisin lahat ng ito.

Sinubukan kong alisin ang mga maliliit na brasong nakapulupot sa akin pero hindi ko magawa. Dahil kada alis ko ng isang braso ay siya namang balik ng ibang braso. Alam kong cute na cute akong tingnan ngayon sa costume ko pero pakiramdam ko'y malapit na akong kapusin ng hininga kung hindi pa ako lulubayan ng mga batang ito.

Gusto ko silang bugahan ng apoy para mataboy ko sila pero naalala kong pusa nga pala ako at hindi dragon.

"Okay bring me muna tayo. Ang unang makakapagdala sa akin ng bagay na sasabihin ko ay mananalo ng isang premyo!" Anunsiyo uli ng host para makuha ang atensiyon ng mga paslit. "Game?"

"Game!" Sabay-sabay na turan ng mga bata na unti-unti na ring bumitaw sa akin.

Isang malaking talking hello kitty ang prize at stake sa mananalo. Galante kasi ang magulang ng birthday celebrant. Kaya agad na naagaw nito ang pansin ng mga bulilit.

"Okay! Bring me a used baby diaper!"

Agad nagtakbuhan ang mga bata para makahanap ng gamit nang diaper. Maging ang mga matandang dumalo sa party ay nakisali na rin. Hala at sinimulan nang hubaran ang mga batang may suot na diaper.

Kinuha ko naman ang pagkakataong ito upang sumibat patungong kwarto kung saan ko iniwan yung mga gamit ko at damit na pampalit.

Tapos na ang papel ko sa party-ng ito. Kailangan ko ng magpalit ng damit.

Sakto namang pagdating ko sa kwarto ay tumutunog ang aking keypad na cell phone. Agad ko itong dinampot at sinagot. Inilagay ko na lang sa loud speaker para masabay ko na ang pagbibihis.

"Bakla!" tili ng nasa kabilang linya.

"Uy bakla ano na? Anong balita? May raket ba?" sunud-sunod kong tanong sa kaniya.

Malaki ang pangangailangan ko ngayon. Actually lagi namang malaki ang pangangailangan ko dahil mag-isa na lang akong kumakayod sa buhay.

Mahirap ang buhay na kinamulatan ko. Wala akong magulang na aasahang magpapakain sa akin at magbibigay ng mga pangangailangan ko. Kaya maaga akong natutong magbanat ng sariling buto para makaraos sa hirap ng buhay. Rumaraket para kumita sa marangal na paraan.

Pero ayokong tumanda akong ganito pa rin ang estado ng buhay ko. Meron din naman akong pangarap para sa sarili ko. Kaya kahit pagapang, sinisikap kong maitaguyod ang sarili ko sa pag-aaral.

Hindi ko nga mawari kung paano ko napanatiling dilat ang aking mga mata at humihinga ang sarili hanggang sa puntong ito. Nasa kolehiyo na ako ngayon. Isang taon na lang ay makakaakyat na ako ng stage suot ang aking toga. At kung papalarin ay baka makatanggap pa ako ng medalya.

Bahagya akong nalungkot nang maalala kong wala nga palang magsusuot sa akin ng medal kung sakali.

"Raket kamo? Naku wala ngayon eh. Hayaan mo't sasabihan kita baka magpapalaba yung landlady namin. Iri-refer kita." anang kabilang linya.

Thy WorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon