CHAPTER 9 | Game Over

35 5 0
                                    

Via Samantha Asuncion

Mapang-uyam na mga tingin ang sumalubong sa akin noong sumunod na linggo pagkatapos ng Foundation Week.

Tapos na ang isang linggong selebrasyon pero may bagong pinagpipiyestahan ngayon ang buong campus. At ako yun.

"Sayang naman ang talino at ganda niya."

"Sinabi mo pa. How desperate . Tss."

"She's a slut wrapped in an angel's guise."

"Yeah. It's a shame to be her collegemate. Ugh!"

Rinig ng dalawang tenga ko ang mga akusasyon nila sa akin. Halata namang sinasadya nilang iparinig sa akin.

Nilagpasan ko na lamang ang mga babaeng nagbubulungan sa hallway. Lahat sila ay nakamata sa akin.

Ang mga lalaki naman ay hahaguran ako ng nakakalokong mga tingin na para bang tingin pa lang ay hinuhubaran na ako.

Ano bang tingin nila sa akin? Prostitute? Oo at nakipagtalik ako sa coach namin pero alam ng nasa itaas kung gaano ako kadisgustado sa nagawa ko. Pinagsisisihan ko ang ginawa kong pagkapit sa patalim. Pero wala na akong magagawa pa sa ngayon kundi ang pagsisihan na lang ang ginawa ko at harapin ang kahihiyang dulot nun sa akin.

"Hey Asuncion!"

Iniwasan ko ang grupo ng mga seniors na nakatambay sa hallway. Pero sadya atang gusto nila akong asarin. Hinarang nung isang lalaki ang kaniyang katawan sa dinaraanan ko.

"Idol, kumusta? Paturo naman" aniya sa akin na para bang matagal na kaming magkaibigan at nagtatanong lang siya tungkol sa isang assignment. "Magaling ka rin ba sa kama Miss Asuncion?"

Yumuko pa siya para magpantay ang aming mukha. Nakayuko ako. Sa pulang sahig ako nakatingin.

Hiyawan ng kaniyang mga kasama ang sumunod.

"Scholar bro eh" hirit naman ng isang pinakamaliit sa grupo.

"Matalino bro" patuyang sabi naman ng isang may mahabang buhok.

"Matalino ka naman pala Asuncion. Bakit di ka na lang sa akin lumapit kung gusto mo lang pala ng isang scholarship? I can give you everything. Even my body if you want."

Kuyom ang mga kamao ay napapikit ako. Di-katanggap tanggap ang mga salitang ibinabato nila sa akin pero magtitimpi ako.

Hindi ko sasayangin ang sinakripisyo ko. Hindi ko hahayaang mawalang-saysay ang kahihiyang inabot ko sa lahat ng nagawa ko.

"Eh ayaw ata sa'yo Boss" sabat uli ng pinakamaliit.

"Ano Asuncion? Ayaw mo ba sa halos kaedad mo lang? Mature ba yung tipo mo?"

"Kawawa naman si Mr. President. Mukhang naunahan pa siya ni Coach."

Nanatili akong nakayuko. Determinado akong hindi sila patulan gaano man kasakit ang mga paratang nila sa akin.

"Via!"

Naramdaman ko ang isang kamay sa aking braso. Hinila niya ako paalis sa lugar na iyon.

"Anong ginagawa mo doon?" bungad ni Gwen nang makalabas na kami ng campus.

Umiling lamang ako.

"Bakit hindi mo ipinagtanggol ang sarili mo? Bakit mo sila hinayaang i-harass ka?"

"Hayaan mo na lang sila Gwen. Salamat nga pala."

Thy WorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon